-Kab 21-

107 7 0
                                    


Special Chapter

****************

Marty's P.O.V

Mahangin at mahalimuyak dito sa gilid ng dalampasigan. Ang tunog ng dagat na nakakapag-pagaan ng loob. Bituing kumislap sa dilim na animo'y mga alitaptap.

"Marty Shawn!" tawag ni Allaisa mula sa likuran. Kaarawan niya ngayon kaya andito kami sa isang resort na pag-aari nila.

Tumango lang ako at kumaway na ang ibig sabihin ay 'susunod ako'. Lumabas kasi ako kanina upang makapaglakad sa shore at para narin maibsan ang pagka-tipsy ko dahil sa liquors na ininom namin kanina.

Gusto kong mapag-isa, at gusto kong mag muni-muni.

Tumayo na ako at bumalik na sa party sa loob ng mini clubhouse.

Napansin kong pinalibutan nila ng upuan ang isang lamesa sa harapan. Mga barkada ko lang at mga kaibigan ni Allaisa ang andito.

"Guys, let's play a game." panimula ni Kurt. " May mga papel sa harapan at bawat isa sa atin ay kukuha ng papel at isa-isang gagawin ang nakasulat except sa isang dare." nagtanguan naman sila. It is almost midnight pero wala silang planong magpahinga.

"To the count of three, one..two..three." nag unahan sila sa pagkuha ng papel sa harapan. Di ako nag-abalang nakipag unahan at kinuha ang isang papel na naiwan dun.

"Okay let's start with Andrex." panimula ni Jesiane. Binuksan niya ang kanyang papel at binasa ng nakasulat dun.

"Sexy dance with Kurt." naghiyawan silang lahat at tinulak silang dalawa sa harapan.

"Ohmy! Bromance na this! Galingan niyo!" sigaw ni Allaisa. Pwede naming gawin lahat ng gusto namin dahil VIP naman ito at walang ibang tao.

Nagsimula ng mag dim ang lights at ang dalawang mokong naman ay seryosong ininterpret ang music. Sht! Gayshit! Ang laswang tignan lalo pa't dinidilaan pa ni Kurt ang kanyang labi.

Pagkatapos nila ay umupo na ang lahat at sinundan ng iba pa hanggang sa ako nalang ang hindi pa nakagawa.

"Dare." basa ko sa papel. Single word lang yun pero alam kong may plano silang di maganda.

Tumahimik muna sila at nag-isip ng pinapagawa.

"Bingo! Ligawan mo si Kaye. Yung nerd." untag ni Jasmine. What the Heck? Anong klaseng dare yan? Pa'no kung magkatotohan? This can't be happening.

"Luma na yan, eto nalang" utas ni Jerix at nabaling ang kanilang pansin dito.

"Gusto mong magkabalikan kayo ni Grace right?" tanong niya. Hindi lang gusto, gustong gusto ko. Pero paano? Anong gagawin nila?

"I have this, parang dare namin to sayo at dare mo samin." lumunok siya at nagsalita ulit.

"You know Sophia Dela Ricca right?" tumango ako.

"Let her fall for you at ligawan mo, pag napasagot mo ilalakad ka namin ulit kay Grace no matter what." nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Should I do this? Ganito na ba talaga ako ka desperado sa kanya? Ofcourse I am. Mahal na mahal ko siya.

"Gagamit tayo ng tao para magkabalikan kami ni Grace?" nangunot ang noo nila. Hindi sila makapaniwalang sasabihin ko yun. Everyone knows Im a badass.

"Ang demonyo naging anghel ata." untag ni Kurt at nagtawanan sila. Seriously? Naniwala silang kaya ko yun gawin? Maybe. Wala naman akong nararamdaman para sa babaeng yun.

"Sige gagawin ko." wala sa sariling tugon ko. I'll try pero kong diko kaya. Diko pipilitin. For the sake na magkabalikan kami ni Grace at mabago ako ang pakikitungo sa kanya, Gagawin ko.

~

Kinabukasan sinimulan ko.

Tinapunan ko siya ng Crumpled paper. Ang taray at tinira ang junior ko.

Ininom ko ang juice niya sa cafeteria, naibuga ko kay Kurt dahil sa pagtira niya ulit dito. Parang kabisadong kabisado niya ah.

And the worst, sinira ko ang locker niya at kinuha ang album at diary niya.

Prinint ko lahat ng Jeje Pictures niya at pinost sa wall ng school ng walang nakakita.

Next umakyat ako sa 5th floor dala-dala ang isang megaphone.

I started to read the first sentence of her diary pero napatigil ako ng makita kong tungkol to sa pamilya niya kaya pinagliban ko at pinalitan ng Kindergarten rhyme.

Last thing na diko malimutan. Ang pag-iyak ng inosenteng babae aa harapan ko. Alam kong hindi ito yung una. Pero bakit nakokonsensya ako sa kanya?

Bumalik ako sa rooftop dahil naiwan ko ang megaphone. Nakita ko siya dun basang basa at todo sa pag-iyak. Sht! Di ko to kayang makita. The badboy is now bending his knees to her.

Nakita ko ang isang lalaking may suot na Coat at mask. Hiniram ko ito at kinuha siya mula roon. She thanked me kahit pa hindi niya ako nakilala.

The other day di ko parin siya tinantanan. Im desperated.

Akala koy bibigay siya sa ginawa kong pang-aakit sa kanya. She's tough, she even has it's own current over my body.

Consequence..Consequence

At nagdaan pa ang mga araw na kinukulit ko siya. Nagpapansin sa kanya. Nakalimutan ko na bigla ang dare ng barkada. Parang unti-unti narin akong nahuhulog sa kanya.

Mataray pero maganda. Titibo pero may pusong makakapagtunaw ng bato.

Ginawa ko parin ito. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Totoo na ba to? O nadala lang ako sa pagkadesperado ko? Di ko na ata kayang ipagpatuloy to. Pero paano ang dare? Iisipin ko parin ba yun kahit na alam kong may masasaktan ako sa huli. Paano kung malaman niyang ginamit ko lang siya at sa panahong yun ay tuluyan na pala akong nahulog sa kanya. Pipiliin ko pa rin ba yun o siya?

I wanted to confess, gusto kong umamin na dare lang to, pero nasimulan ko na. Mahirap tong gawin lalo pa't ang babaeng ngayo'y iyong napapasaya ay luluha nalang sa panahong malaman niyang ginagago mo lang pala siya.

Natatakot ako na pati siya ay talikuran ako para lang sa isang taong iniwan ako at kinalimutan na. Siguro nga ganito ang tadhana. Kung kailan ka na handang magmahal ulit ay sinasayang lang ang panahon. Ginugol ang pansin sa mga bagay na walang katuturan kundi isang laro lamang na minsa'y ikay naisahan.

Love makes it's own rhythm. Kapag naramdaman mo. Hatakin mo pero huwag yung darating ang panahon na kapag wala na dun pa hahanapin.

























"At sana mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo."





















Mahal ko na talaga ang babaeng to


**********

End.






The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now