-Kab 20-

110 8 0
                                    

***************

Sophia's P.O.V

"Bakit ka andito? Dun ka sa mga kaibigan mo, diba ang saya niyo?"untag ko sabay irap sa kanya.

"Gusto ko lang naman marinig ang boses mo." sabi niya sabay puppy eyes .

Inirapan ko lang siya at ininom ang nestea sa table. Hindi naman ako singer ah atsaka bakit siya sumasawsaw sa usapan.

"Owh, alis muna ako ah? Ayokong ma thirdwheel eh." natatawang tugon ni Gabriel at dahan-dahang lumipat sa katabing table. Sht! huwag mo kaming iwan dito.

"Sige bro." sabay tapik ni Marty sa kanya. Akala niya siguro di ko alam ang pinangagawa niya. Alam ko na ang plano niyo Marty. Ang saya neto.

"Ano? Diba sabi ko lumayo ka? Pinag-iinit mo lalo ang dugo ko eh." taray ko sa kanya na hanggang ngayon ay nakangiting nakatititig saken.

"Kung ayoko? Gusto ko lang dito. Babantayan kita baka meron na namang tumabi sayo, nagseselos ako ." sht! namula na naman ang pisngi ko sa pinagsasabi ng mokong to nangangamatis na tuloy ako.

~

Iniwan ko siya sa table at lumabas na ng cafeteria. I thought babalik siya sa table ng mga kaibigan niya. Pero nagulat ako ng nakatitig saken lahat ng mga estudyante dito.

Tumingin ako sa likuran nakita si Marty na may hawak na roses at pahakbang patungo saken.

"Di na ako makahintay ng bukas Sophia, kaya bibigayan na kita ngayon." sabay abot niya sa rosas na pinitas niya sa garden sa may gilid ng cafeteria.

I feel guilty na hindi ko yun tinaggap sa harap ng maraming studyante. Narinig ko ang bulong-bulongan. Infairness hindi siya bulong dahil rinig na rinig ko naman.

Shit that girl! Nakuha pa niyang akitin si Marty.

Pasok sa tenga labas sa kabila. Yun lang ang ginagawa ko sa mga pinagsasabi ng mga ususerong nasa paligid. At correction, di ko siya inakit. Kusa siyang lumapit, maybe to play with me? Well I'll give it a try baka sakaling manalo ako.

As usual pumunta ako sa favorite spot ko sa school, soccerfield na puno ng mga athletes. Next month will be our palaro and after nun ay Christmas break. Long weekends and rest days.

Umupo ako sa may ilalim ng puno ng mahogany na nakapalibot sa gilid nito. Every students has it's own instruments and paraphernalias to enjoy the windy spot. Guitars and etc.

Maaliwalas ito ngayon dahil hindi ito nagamit nung prom. Dahil napagdesisyonan nilang sa gym nalang kasi daw baka magkaroon pa ng kabag ang mga studyante.

I sat down on the grass and started to lean on it's trunk as I slowly close my eyes.

"You're very opposite to her." nagulantang ako sa biglang nagsalita. Sinong her? Sino yung kinukumapara niya saken? At kahit di ko siya lingunin alam ko kung sino ang nagsasalita.

"Anong her? Sino?" tanong ko. May dala siyang gitara at old newspapers. Tumabi siya saken at nagsalita ulit.

"Wala." sabay pisil niya sa ilong ko.

"Don't touch me!" pinisil niya ulit ito kaya nagmukha na tuloy akong clown.

"You're so cute." untag niya habang nakahalukipkip sa harapan ko.

Ghad! Sukdulang parusa ng tadhana. Bakit ba kasi ganito ang dating ng isang Marty Reeves. Galing ata to sa Olympus eh.

"You're lying, I know you are." pagtataray ko. Imbes na sumbatan niya ako ay sinimulan niya na mag strum sa guitar.

Sa tuwing tayo'y magkakalayo

Hindi matahimik ang puso ko

Bawat sandali hanap kita

'Di mapakali hanggang

Muling kapiling ka

His husky voice were running throughout my system. Nakakapangilabot. Mygad! Ang ganda ng boses niya. Kumakanta siya habang nakangiting nakatitig saken. Is it possible na ma fall inlove ako sa isang Marty Shawn Reeves?

Dahil kung ika'y makita na

Labis labis ang tuwang nadarama

Magisnan lamang

Ang kislap ng iyong mata

Kahit ano pa ay kakayanin ko na

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Di sila makapaniwalang kinakantahan ako ng isang University President sa isang public place. Hinarana ako ng isang lalaking nagpaiyak saken ng lubos noon at nagdulot ng sakit at pagkamuhi sa buong buhay ko.

Basta't kasama kita

Lahat magagawa

Lahat ay maiaalay sa'yo

Basta't kasama kita

Walang kailangan pa

Wala nang hahanapin pa

Basta't kasama kita

Gusto kong maiyak, pero ayoko. Di ito kaya ng ego ko. Sht! Bakit ko to nararamdaman ngayon? Eh isa lang naman siyang hamak na classmate ko noon. But besides of his physical appearance he has this amazing quality of voice.

Bumadyang tutulo ang luha ko pero pinigilan ko. Kung luluha ako sa harap niya ngayon, it's simply means it's over. Tapos na and he won.

Ma-pride akong tao. Life must be dragging me to this situation and it's unstable. I hate it. I really hate it. All the pains is unbearable. No one can dictate what your fate is going to be. Everything can be a hindrance. Even the person you love kung nagkataon. But I never felt love for someone except God and Family. I know I should have to, but there is a voice inside me who keep instructing me what to do. Naguguluhan ako.

"Alam mo, ngayon ko lang ulit kumanta ng ganito sa harap ng isang babae. " untag niya. Nakita ko ang pagpula ng mata niya na para bang umithit ng marijuana pero sa totoong gusto niyang umiyak.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. I can't deny it. Sobra akong naantig sa kanta at ganda ng boses niya. It's a pleasure to hear.

"Another Clic--" pinutol niya ang sasabihin ko sa paglagay niya ng index finger niya sa labi ko. SHT! sasabog na ata ang puso ko.

"Totoo to Sophia, Minsan na akong na inlove ng totoo. And it's my First Love and the only relationship I have na sineryoso ko. After that time na iniwan niya ako, I felt hanging, gusto kong puntahan at yakapin siya. Yun ang pinakamalaking kasalanang nagawa ko sa buong buhay ko. Ang pagpakawala sa nag-iisang taong nagpapatunay na mahalaga ang buhay ko, na espesyal ako." tumikhim siya. "Pero ng nakilala kita, nagbago lahat. Magkaiba man kayo pero alam kong pareho ang pagtibok ng puso ko." lumuha siya habang tinuturo ang puso niya.

Sobra akong naantig sa kanya. Wala mang proof na kung totoo ba yun pero sa kaloob-looban ko nararamdaman ko yun. He's a badass tapos iiyak lang siya ng ganito? At bakit niya naman kinukwento saken to kung wala lang naman ako para sa kanya. Ayokong umasa pero ayoko rin naman magpakawalang-alam nalang.

Wala parin akong imik. Walang pagbadyang paglabas ng mga salita sa bibig ko.

"At sana mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo."

***************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now