-Kab 34-

96 6 0
                                    

*************

Sophia's P.O.V

Sinabi ko nalang sa kanya na mauuna na ako, gusto pa nga niya akong ihatid  pero pinigilan ko siya baka kasi makita pa siya ni ate at ano pa ang sasabihin no'n.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kahit hanggang dito ay gagawa parin ang tadhana ng mga paraan upang makalapit kami ni Marty.

Alam kong malawak ang mga business nila pero bakit dito talaga?

Hindi naman malaking bagay yun para saken kasi kung sakaling man'g magmana si Marty sa isa sa kanilang mga kompanya ay siguradong sa Pilipinas lang siya bibigyan ng shares. And besides, ba't parang guilty ako? Nagmomove-on nga diba.

Halos gagabi na pero wala pa si Ate Grace. Natatakot parin ako dahil kahit wala ako sa pilipinas eh hindi lang naman dun ang may mga rapist o something pero sana nga, wala naman sana.

Lumabas nalang muna ako sa may balkonahe at minamasdan ang first snowfall sa winter season dito. Sabi nila, mas maganda daw kapag may kasama ka sa araw na yun. Pero isa lang naman ang gusto kong makasama ngayon kundi siya lang sana.

Feel na feel ko naman ang moment kaya lumabas muna ako saglit sa gate at naglakad-lakad sa daan. Walang taong lumalabas ngayon kaya ako lang mag-isa ang naglalakad dito.

Nakakakilabot ang paligid. Parang kung kahit saan ay may parang nakamasid sa bawat hakbang na ginagawa mo.

Nagkakanta pa ako habang naglalakad ng may makita akong isang lalaking may makapal na hood at nakamask. Is this KnightInBlack? Aw chos naman haha.

Binilisan ko ang paglalakad ko nang maramdaman kong sinusundan niya ang bawat hakbang ko. Shiz! Wag naman sana please. Hindi pa naman ako marunong mangarate.

Halos patakbo na ako ngayong humahakbang kahit pa'y hindi ko alam kung saan patungo ang daang ito.

Someone's P.O.V

Kasalukuyan ko siyang sinusundan ngayon dahil alam ko kung saang lugar siya ihahatid ng daan. Mapanganib ito at medyo may kadiliman pa sa dulo. Napaasiwa ako ng mas bumilis ang kanyang hakbang palayo kaya gano'n narin ang ginawa ko.

●●●●●

Halos tumakbo na talaga ako ng maramdaman kong sobrang lapit na siya saken. I don't have any knowledge of fighting kung sakali man. All I know is just modeling. At alangan namang rarampahan ko sila sa harapan habang nanganganib ang buhay ko? Mahal ko ang buhay ko no.

Napasigaw na talaga ako ng makita ko siyang nasa likuran ko at parang makikipag physical contact.

Hinigit niya ako at biglang binitiwan sa kawalan kaya napatihaya ako sa sementong daan. Nanlaki ang mata ko nang mapansing may mga lalaking grupo ang nakikipaglaban sa iisang lalaki ngayon.

So it means, hindi yung lalaking nasa likuran ko ang may masamang balak. And he knows na makakasalubong kong itong mga lalaking siga dito. Akala ko ay sa pinas lang may gano'n pero pati rin pala dito?

Napatumba niya ang apat na lalaki na ngayo'y nakahandusay na sa daan. Balot na balot siya at wala ka talagang makikita sa kanyang balat except sa may bandang mukha niya.

Napaatras ako ng mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ko.

Nag thumbs up siya saken na nangunguhulugang okay lang siguro ako. Tumango lang ako at pinagmasdan siyang mabuti.

"Thankyou very much, what's your name by the way?"nilahad ko ang kamay ko sa kanya at dahan-dahan niya ring kinuha ito.

Hindi siya sumagot at yumuko lang siya. He can't talk? Baka naman pipi o di kaya bingi.

"Can I go now?" tanong ko ulit sa kanya sabay gabay ng kamay ko sa daan.

Tumango naman siya as a sign of approval. Parang na guilty ako kanina dahil napagkamalan ko siyang estranghero.

Sinimulan ko nang maglakad pabalik. Pero napansin ko ulit siyang nakasunod. Hinarap ko siya pero tumango lang siya.

Hinayaan ko nalang siya na bumuntot saken. Baka kasi may magtangka na namang gumawa ng masama saken, dayo pa naman ako.

Nang makita ko na ang gate ng block na tinitirhan namin ay napansin kong may nakatayo sa may gate. Si Ate Grace. Tumalikod ako para sana magpaalam sa kanya pero diretso lang siyang nakatitig sa gate namin.

"Oy! Ate." Sa mismong pagkasabi ko nun ay napansin kong napaatras ang lalaking nasa likod ko. I'll just want to thank him in front of Ate Grace pero bigla siyang tumakbo at umalis. Anong nangyari dun? Baka sinigurado niya lang na safe akong nakauwi.

Pagkapasok ko nakita kong tumaas ang kilay ni ate. Tinapik ko lang ang braso niya at iginaya siya papasok.

"Who's with you?" utas niya nang makapasok na kami sa bahay. So nagdududa siya?

"Hinatid niya lang ang ako, and hindi ko naman siya kilala pero tinulungan niya ako nung malapit na akong gahasain sa labas tss." Nanlaki ang mata niya.

"What? Malapit kang magahasa! Myghad! Okay ka lang ba? Di ka ba napano?" Sunod-sunod niyang tanong. Infairness na nervous ako kanina dun sa lalaking naka full outfit but he's good anyways.

"Ate Chill, malapit lang naman. Pero mabuti nga at nakasunod yung lalaking kasama ko kanina at binugbog yung mga lalaki dun." Untag ko habang tinuturo ang daang tinahak ko kanina.

Bumuntong hining lang siya at kinuha ang isang glass ng tubig sa ref habang ako ay paakyat na sa kwarto ko. Bago pa ako tuluyang nakaakyat ay may tinanong ako kay Ate.

"Uhmm, Ate kilala mo ba yung lalaki kanina?" Kumunot ang noo niya at ibinaba ang hawak na baso.

"Nope, ngayon ko lang din siya nakita. By the way huwag kang masyadong lumalabas kapag tumuntong na ng alas sais. Baka kasi akala mo na sa pilipinas lang ang may mga ganitong krimen kung sakali. Mas marami dito." Kinuha niya yung remote at umupo sa couch.

"Yip, Okay ate. Loveyou!" Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa napakalambot na kama. May dalawang kwarto kasi dito. Nung wala pa ako, dalawa sila ng katrabaho niya ang nakatira dito pero sakto naman dahil pagdating ko umuwi naman sa pinas yung kaibigan niya.

Gumawa ako ng bagong facebook account at tanging si Joyce, si Ate at si mama lang inadd friend ko. Wala na rin akong natatanggap na balita tungkol kay Marty. Sinabi ko kasi kay Joyce na huwag muna siyang magbanggit tungkol sa kanya at huwag ring magbaggit sa kanya tungkol saken.

Tumunog yung tone ng phone ko at napansin ang isang friend request

John Drake Vellarde

********************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora