-Kab 42-

103 4 0
                                    

************

Sophia's P.O.V

Hindi lang minuto kundi ilang oras akong nakaupo dito sa salon habang inaayos nung stylist ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit ganito katagal. I think apat na oras na akong nakaupo dito at kumukulo na talaga sa gutom yung sikmura ko.

Hindi naman ako nainip dahil itong katabi ko eh todo sa pagputak. Halos lahat yata ng nangyari sa buhay niya ay nasabi na niya. Mabait siya at palangiti mukhang maldita lang nga kung tignan pero mala anghel naman pala ang ugali.


Hindi ko napansin si Bryle dito sa loob. Pero andito lang si Leandro. Asan kaya siya? Baka naglibot lang o di kaya may date? Haays! Date niya ako mamaya pero may kalampungan naman ngayon. Tss


"Perfect." Sabi nung stylist. Hindi ko pa nakikita ang itsura ko dahil tinakpan nila yung salamin para daw suspense. Naman! Mypa suspense pa silang nalalaman ah.


Dahan-dahan niya kinuha yung salamin at nalaglag ang panga ko sa nakitang repleksyon sa salamin. I admit sa buong buhay ko ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganito ka babae. In my entire life ay ngayon lang ako nagpasalon. Even si mama ay dinadala ako pero ayoko talaga.


Tumayo ako at napansin ang nakaawang na panga ni Leandro.

"Okay ba? Hindi bagay saken to eh." Untag ko. Binaba niya ang binabasang magazine.

"You---."

"You're beautiful."  Putol ni Bryle kay Leandro. May dala siya ngayong paper bags at inabot saken.


"Ano to?" Tanong ko sa kanya.

"Wear the most appropriate for you. You must stand out ngayong gabi." Sabi pa nito. Kung makapagsabi naman siya ng stand out para namang ako yung may-ari ng company ah.

"Sure ka? Isasama mo talaga ako?" Singit ko. Tumango lang siya at naramdaman kong tumayo si Leandro.

"Sophia, pagbigyan mo na si Bryle. Minsan lang yan may kasamang ibang babae." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Both. Ang ganda na niya magtagalog at sa sinabi niyang minsan lang may kasamang babae si Bryle.

"Okay Fine." Simple kong untag. Lumabas narin si Julianne mula sa fitting room. She's wearing a silver white fitted gown with stilletos.

"Bagay ba?" Tanong nito. Natahimik si Leandro. Julianne becomes more gorgeous kompara kanina. Bagay yung make up sa kanya at ang kurba ng katawan nito.

"Yes. Ang ganda mo." Utas ni Leandro. Nagtawanan naman kami. Nagulat ako sa paghila ni Bryle saken.

"What?" Giit ko.

"Ikaw naman ang magbihis. Hindi ko alam kung ano ang type mong suotin kaya binilhan kita ng marami." Utas nito. Seriously? Binilhan pa niya talaga ako ng mga gown? Ang mahal kaya nun.

"Bryle, meron naman akong formal dress sa bahay. Yun nalang siguro." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Alam kong hindi papayag to.

"Binili ko yan para sayo. At kung hindi mo susuotin eh sino ang gagamit niyan, alangan naman ako diba?" Natawa ako sa sinabi niya. Yes. May point siya. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin diba.

"Okay fine. Thanks for this." Tugon ko sabay pasok sa fitting room. I think may limang gown siyang binili. May purple, white, silver, gold at royal blue. Hindi ako marunong pumili ng mga tulad nito. Kung pwede lang magsuot ng t-shirt at jeans ay yun nalang.

Sinukat ko lahat pero isa lang ang sa tingin ko ay bumagay saken. Yung kulay royal blue na fitted din at may kung anong tela pang nakapalibot dito. Hindi ko alam kung anong mga pangalan ng design na'to. Hindi naman kasi ako fashionista.

Lumabas na ako at kita ang mga nanlaki nilang mga mata.

"Bagay ba?" Untag ko. Pero kahit niisa ay walang sumagot maliban sa stylist na ngayo'y pumapalakpak.

"Gorgeous lady. Pak!" Natawa nalang ako sa reaction nila. Tumayo si Bryle at humakbang sa direksyon ko.

"Perfect Sophia. Ang ganda mo."  Namula ako matapos niyang sabihin yun. Shiz! Ang gwapo ng mokong to.

Tumayo narin si Julianne at Leandro

"Tara na?" Utas ni Bryle. At tsaka inalalayan akong maglakad. Naka stilletos din kasi ako. Buti nalang nasa ground floor lang kami kaya hindi kami masyadong nahirapan.

"Leandro si Julianne nalang sa sasakyan mo. At si Sophia saken." Tugon niya nang makarating kami sa parking lot. Tumango naman si Leandro at sumakay na ako sa sasakyan.

"Sayo to?" Tanong ko. I don't care kung magmukha akong ignorante ang ganda lang kasi ng sasakyan niya.

"Yes. Ito yung ginagamit ko noon." Tumango lang ako.

"Eh bakit ka nagdidyep sa Manila? Ang yaman niyo pala." Di ko mapigilang matanong nito.

"Dad instructed me to do so. Ayaw niyang makita ako ni Marty na maganda ang buhay dun. Maarte yun eh." Napangisi ako sa sinabi niya. Ang bait niya talaga at napaka masunurin. Haays mabibilang nalang talaga ang mga taong mapagkumbaba tulad niya.

"Kumusta na nga pala si Marty?" Hindi ko namalayang basta nalang yung lumabas sa bibig ko. Gusto kong bawiin yung tanong ko pero napansin ko siyang bumuntong hininga.

"He's very broken. Malaki ang naging naidulot ng pag-alis mo. Nawala siya as ranking student at palagi ko nalang siyang nakikita sa bar." Tumikhim siya.

"Halos araw-araw siyang naglalasing at hindi na siya sumasama sa mga barkada niya. Even si Dad di alam ang dahilan. Di ko siya sinabihan tungkol sa nangyari sa inyo even though alam niyang naging kayo."


Naramdaman kong parang pinipiga ang puso ko. Bakit ko pa kasi siya iniwan at hindi nalang lumaban. Mahina ako nung mga panahong yun. Masakit para saken ang buong nangyari pero diko akalaing mas naapektuhan siya neto.

"He need you Sophia, mahalin mo siya ulit. Lumaban kayo ulit." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko pero agad ko rin itong pinunasan dahil baka masira yung make-up ko. I want to see him, hug him at manghingi ng tawad sa kanya.

"I'll fix everyrhing Bryle." Yun nalang ang naging nasabi ko. Huminto kami sa tapat ng mataas na building. Maraming tao sa labas at mga bigtime person.


"Just walk like normal, wag kang kabahan. Magiging masaya ka sa gabing ito at ipinapangako ko." Ngumisi lang ako at sabay kaming bumaba. Pinulupot niya ang kamay ko sa braso niya habang nakipagkamayan sa mga bisita.


************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now