-Kab 33-

101 5 3
                                    

***************

Sophia's P.O.V

Isang buwan na ang nakalipas ng makarating ako dito. Halos isang buwan narin akong halos gabi-gabi na umiiyak. I really miss him. His voice, his touch and his charmness. Everything about him is a necessity.

Minsan nga ay napapatanong si Ate Grace kung bakit namumugto ang mga mata ko tuwing umaga, sinasabi ko lang na namimiss ko si Mama o di kaya ay si Joyce. Hindi alam ni Ate na may naging boyfriend na ako dahil palagi ko naman 'tong tinatanggi.

Palagi ko nalang siya naiisip sa lahat na bagay. Minsan nga ay napaparanoid na ako at iniimpake ang mga gamit ko dahil gusto ko nang bumalik ng pinas. Pero pag-naiisip kong magiging sagabal lang ako sa magiging buhay niya ay natatauhan ako. Ganito ba talaga ang lakas ng tama niya saken? Maybe because it's my first pero bakit ganito kasakit parin? It's been a month pero bakit wala paring pagbabago ang nararamdaman ko. I still love him.

Pumunta muna ako sa isang park para naman malibang ako kahit minsan. Wala kasi si Ate Grace sa bahay dahil may gig siya ako naman ay tatawagan pa lang kung kailan pwede na akong makapasok sa opisina. Nag-apply ako lastweek sa isang company. Gusto ko sana yung pareho lang kay Ate Grace pero mas maganda daw kapag regular employee dahil insured. Pinadala narin ni mama kahapon ang mga papers ko na naiwan dun.

May isang Filipino store dito kaya dito ako bumibili. Para naman kahit andito ako sa ibang bansa ay dama mo parin ang pinanggalingan ko.

"Ate? Pabili po ng suman." untag ko. Kumuha siya ng supot at iniabot saken. Parang may kumirot sa puso ko ng may naalala akong tungkol sa suman sa amin ni Marty.

Sabi pa nung tindera na nagtitinda ng suman sa gilid ng campus ng school na babalik daw kami dun pag kami na. Pa'no na yun? Di na namin magagawa yun.

"Eto na iha." di ko namalayang natulala na pala ako sa kawalan at biglang natauhan nang nagsalita na si Manang.

"Bago ka lang dito Iha? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh." tanong niya na ngayo'y nakakunot ang noo at nakaharap saken. Siguro nga ay kilala niya lahat ng bumibili dito lalo na yung mga kababayan niya lang.

"Uhm Opo manang." sagot ko naman at ngumisi. Tumango-tango naman siya at may kinuhang isang sea pearl sa drawer.

"Sayo na Iha, binibigyan ko lahat ng bagong bumibili dito sa tindahan ko lalo na yung mga kababayan lang natin." sobrang masayahin si manang. Ganito ba talaga kapag nagtitinda ng suman? Happy go lucky lang? Siguro nga dahil sino ba naman ang bibili sayo kung mukha mo palang ay parang galit na sa mundo.

"Ay Salamat po manang, nag-abala ka pa." ngumiti lang ito at bumalik kinauupuan niya kanina. Lumabas na ako at para makapag-kain narin sa sumang binili ko.

Pagbukas ko palang nito ay may biglang may lalaking nagbibisekleta na dumaan sa harap ko at nasagi ang suman ko.

"Owh Sorry, are you okay? I can buy you another." natulala agad ako ng makita ko sa kanya ang may pagka-Marty. Lahat nalang ata ng bagay dito ay si Marty ang naiisip ko.

"No, It's okay." simpleng untag ko. Kinuha niya yung aviator niya at nasilayan ang makinis niya mukha. Alam kong hindi siya amerikano ko mestiso. Purong pilipino to.

"By the way, what's your name?" tanong niya. Iniwasan ko siya at inunahan sa paglalakad.

"Hey?" nakasunod na siya saken ngayon habang nakasakay parin sa bisekleta niya.

"Sophia, Sophia Alexandra Dela Ricca. Tsaka huwag mo'kong maenglish-english diyan, pinoy ka rin naman." nagulat siya sa sinabi ko. Nagulat pa talaga siya? Anong paningin niya sa mukhang to, natibong amerikana? Maganda lang ako pero ayoko ang beauty ng mga amerikana.

"Oh really? My parents are both filipino too. But Im born and raised here in States. But naka-ka-in-tin-di naemaen aeko paero koenti laeng." gusto kong matawa sa pagka slang  ng tagalog niya. Kaya pala hindi niya agad ako kinausap ng tagalog dahil koenti laeng daew ehh.

"How about you? Pangalan mo?" ako naman ngayon ang may tanong sa kanya.

"Uhmm by the way, Im Leandro Jorge." nakalahad pa talaga yung kamay  niya sa harap ko. Uhm.

Nagshake hands kaming dalawa at dali-daling hinawi ang kamay niya dahil wala siyang planong bitawan ang kamay ko.

"Owh Sorry. How about lunch? Pwede ka?" utas niya. Agad-agad? Wala pa ngang isang oras kami nagkakilala yayayain na niya agad ako? Friendly lang siguro. Dahil medyo tanghali na rin kaya pumayag na ako. Di naman siya mukhang rapist.

"Uhmm Sure, san ba?" tinuro niya yung isang food court sa unahan.

"You sit here." untag niya sabay tapik sa upuang nasa likod ng bisekleta niya. Owhwow!

"Hindi na, maglalakad nalang ako." umiling siya at iginaya ako sa bisekleta niya.

"Sige na." nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso? He pleased me just to be with him?

Napabumuntong hininga nalang ako at umupo sa likod na upuan ng kanyang bisekleta. Nagulat ako ng pinulupot niya sa baywang niya ang mga kamay ko at sinimulan nang magsikad. Iba ang environment nila dito. Kung sa pinas ay pagtitinginan ka at pagtsitsismisan dito naman ay malaya mong gawin ang lahat ng gusto mo.

Hindi pa nagtagal at nakaabot na kami. Pinauna niya ako at siya naman ay nasa likod ko sumusunod.

Iginaya niya ako sa isang table malapit sa sculptured wood sa may gilid ng pinto. Isa itong maliit na restaurant na parang fastfood na rin. Dito siguro sila kumakain kapag madalian o namamasyal.

"Order ka, ako bayad." gusto kong matawa sa way kung paano siya magsalita ng tagalog parang intsik.

"No, I'll pay for it." usisa ko. Lumapit na yung waiter at binigyan kami ng menu.

"No, dahil you are new here. I'll treat you." ngumisi pa siya at nasilayan ang dimple niya. Naalala ko tuloy si Bryle na may dimple.

Tumango nalang ako at ngumisi.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna at nagkwento-kwento. Pumupunta rin pala siya sa Manila minsan pero siguro mga once a year lang. In his young age ay isa na pala tong CEO ng isang company ang kaharap ko ngayon.

"So what's the name of the Company?"


"Uhm, Reeves Commercial Incorporation, owned by Marcelo Reeves." nakasinghap ako ng masamang hangin kaya nabilaukan ako dito.

Shiz!

***********

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now