Epilogue

262 7 0
                                    


~●~


◇◇Sophia Alexandra Dela Ricca's Point of View◇◇




















"Phiaaaaang! Sa'n ba'ng anggulo ang maganda! Nahihirapan na ako dito oh!"

Natawa kami lahat dahil sa pagreklamo ni Joyce. Lahat kasi ng anggulo niya ay hindi tumpak sa position namin dito sa itaas ng puno.

Andito kami ngayon sa isang beach resort na binili ni Marty. It's been a year simula nung naging CEO siya ng kompanya. Ako naman ay inaantay ang promotion as Manager sa isang malaking Hotel dito sa Maynila.

Kahapon lang kami nakarating dito galing sa States. Si Ate Grace naman ay nagpaiwan dun dahil ikakasal na sa susunod na buwan. Lahat ng mga pangyayari ay talaga nga namang hindi inaasahan.

Si Bryle ay pumasok na sa bokasyon ng pagpapari.

Si Mama at Papa ay ikakasal uli sa susunod na linggo.

Si Joyce ay may sarili ng Cafe'.

Ang guess what's the next?

Our Engagement Party.


Lahat ay nakahanda na. Yung venue, yung mga bisita ay andito na at ang guest speaker ay handang-handa na. Guess who? Si Prof. Frios. Siya ang magiging guest speaker sa event sa gabing to. Nakakatuwa nga isipin. Siya kasi yung nag-iisang teacher na naging memorable sa amin ni Marty nung college.

~~

Hindi masakit, pero nakakatawa isipin yung mga pinagdadaanan namin noon. Nang dahil sa mababaw na rason, umalis ako at iniwan siya. But look, nagawa namin ibalik lahat. Mas naging kampante kaming sumugal ulit.

Experience is the best teacher. Sa lahat ng mga karanasan ay natuto kang kang lumaban sa buhay. Katulad nung sa amin ni Marty. Di namin inaasahang magbabalik pa ang naudlot naming relasyon noon.

Hindi ko pa nakikita si Marty simula kaninang umaga. Nagtataka nga ako kung bakit. Engagement party pa naman namin ngayon gabi.

Bumaba na kami ni Joyce sa puno. Marami pa kaming gagawin. Busy ang lahat sa paligid. Pagkatapos nito ay ang kasal ni Mama at Papa sa susunod na linggo at kailangan din namin yung paghandaan. Nakakatawa din yung kwento nilang dalawa. Para rin silang mga bata, may pre-nup pa silang alam.

"Sophia! Nasa'n na yung kumag kong kapatid?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Bryle mula sa likuran. Nakasuot siya ngayon ng black polo while holding his scapular.

"Hindi ko nga rin alam Bryle, baka may pinuntahan lang siguro." Luminga-linga siya sa paligid.

"The Venue is good, good also for the wedding."

Wedding? Yes. After the engagement ay yung kasal na naman ang pagpaplanohan namin. Gusto nga ng mokong na agad-agad right after the engagement ay kasal agad. I think pwede naman ipasantabi muna yung kasal.

"Bro!"

Napalingon kaming dalawa ni Bryle. Marty is running towards us while holding a bouquet of flowers. Natuwa din ako dahil magkasundo na silang magkapatid. Tanggap na ni Marty si Bryle at silang dalawa na ang nagpapatakbo ng kompanya. Pero si Marty ang mas nakatuon rito dahil kasalukuyang nag-aaral ng teolohiya si Bryle.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now