-Kab 09-

141 8 2
                                    

****************************

Sophia's P.O.V

Ilang araw na ang lumipas wala parin kaming kibuan ni Marty. Natapos na yung reporting namin na hindi nag papansinan. Nag-uusap lang kami kapag about sa lessons o topic sa reporting matters.

Di parin ako naniniwala sa sinabi niya. Wala din naman akong planong maniwala. Ayaw kong mag assume na sobrang ganda ko at ang top pervert ng school ay magkakagusto saken. Playboy siya and he will always be like that.

I think no one can dictate na magseryoso siya pero darating din naman yung panahong he will find someone whom he can give his love and hindi ako yun.

Napansin ko ring minsan nalang siya sumasama sa barkada niya at eto namang si Joyce todo kantyaw saken kay Marty kahit paulit ulit kong sinasabi na hindi yun sinadya.

"Ok Class, For the Promenade and Acquaintance meron tayong Ms.Headturner and Mr. Dazzling and that to those partners na may dating sa sayaw."

Oo nga pala hindi ko pa na finalize kong partner ba talaga kami ni Marty dahil kasi dun sa nangyari and first time on the history na may nagyaya saking maging partner ako. Kalaunan kasi napupunta lang ako dun sa mga tira-tira pero okay lang naman din kasi saken  yun.

"Reeves and Dela Ricca is the representative for your course."

Nagulantang ako sa narinig ko. Papaanong kami? Di naman ako pumayag ah.

Wow ang swerte niya.

Oo nga bagay sila.

That bitch!

Di ako makagalaw nang magsimula nang mag bulung bulungan ang aking mga kaklase. Tinapunan ko ng masamang tingin ang nagsabi nung huling salitang narinig ko.

Si Allaisa. Yung patay na patay kay Marty na ang gusto ay makipagharutan lang sa kanya  buong araw at hindi ko pa rin malilimutan yung usapan nila sa Cr lastweek.

Iirapan niya sana ako pero bago niya pa nagawa yun ay inunahan ko na. Napansin kong dumabog ang upuan niya at ang mga boses ng mga alipores niyang pinipigilan siya.

May umurong sa upuan mula sa likuran.

"Sophia, sinabi ko na pala kay sir na ikaw ang partner ko. Okay lang ba sayo?" tanong niya nang pabulong pero sinigurado niyang malayo ito saken. Gustuhin ko mang tumanggi pero may kung ano rin saken na nagtulak na pumayag. Ayssh
 

"Maybe, wala akong magagawa." utas ko.

"Oh!" nagulat siya sa biglang pagharap ko. Parang na froze siya sa kinauupuan niya. Na trauma rin kaya siya sa nangyari?

Hindi ko na lang ito pinansin at muling itinuon ang tingin ko sa blackboard kung saan patuloy sa pagdidiscuss si Teacher Jess.

"Dengvaxia is a dengue vaccine that helps prevent dengue fever, but it is undeniably more extremely dangerous to take."

Nakatutok lang ako sa blackboard habang nagsusulat sa notebook pero hindi ko magawang makapagpokus sa pakikinig dahil sa nililikhang ingay ng katabi ko.

Lumingon ako sa kanya at sinita siya.
"Hey, Marty... " usal ko sa kanya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin ng may halong pagtataka.

"What?" Mahina niyang sabi. It's more like a 'lip-sync'.

"What are you doing?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko at napatingin sa kanyang ginagawa.

"The noise is very irritating and loud. I can't focus on the class," I said in an annoyed tone.

"Oh." Sambit niya atsaka binalingan muli yung ginagawa niya kanina.

Itinaas niya ang kanyang hawak na lapis at nag-level na ito sa kanyang noo. Mahina niyang dinampi sa kanyang noo pagkatapos ngumisi siya matapos ang limang segundo.

Kinuha niya ang yung notebook niya sa desk at pinakita sa akin yung ginagawa niya kanina.
Napataas ako ng kilay sa kanyang sinulat.

"Basahin mo." Nakangisi niyang sabi.

Pinakita niya sa akin ang notebook. Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa harap at di siya pinansin.

"Bahala ka sa buhay mo."

Nakinig na lang muli ako kay Mrs. Fortez at sinulat ang mga nakasulat sa blackboard.


"Hmmm... Ano bang masarap? Choco na gatas.. O gatas na choco?"

Nagulat ako sa kanyang tanong. Tsk. Iniiba niya yung topic. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at nagsulat na lang sa notebook ko.

"Psst... Sophia!" Tawag niya sa akin sabay kuhit sa braso ko.

"What?"

"Ano na? Gatas na choco o choco na gatas?" Tanong niya ulit.

Napakunot na lang ako ng noo.

"Ewan ko."
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa notebook. Wala akong ganang makipag-usap sa kanya.

"Sagutin mo na kasi."Pamimilit niya.

Napakurap ako ng dalawang beses sa sunod niyang ginawa. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at nilapit ang kanyang mukha sa dulo ng tenga ko. Napahinga ako ng malalim nang makaramdam ako ng mainit at parang nakakakiliti mula sa kanyang hininga.

"Kung hindi mo sasagutin di ko isasauli ang diary at album mo."bulong niya sa akin.

Ramdam ko ang malalim na paghinga niya sa may bandang tenga ko.

"Ok lang, sayo na yun. Wala na akong pakialam kung anong gawin mo dun basta tigilan mo na'ko" sa ngayon nilingon ko na siya.

Bumuntong hininga siya.

"Wala ka ba talagang alam Sophia kung bakit ko to ginagawa sayo? Manhid ka ba? Mahal na nga ata kita diba? Mahirap ba intindihin sayo yun?"

Napakurap ako at humarap sa board sht! na feel ko ang pamumula na naman ng pisngi ko. He'a acting strange right now o di kaya isa lang ito sa strategy of being a playboy and all I should do is to evade o hindi paniwalaan lahat ng sinasabi niya.

I don't want to fall and being played by a playboy.

"Shut up Marty, Stop playing games with me. Hindi ako yung tipong babae na basta mulang mapapaikot . Never wag ako please." pabulong kong tugon sa kanya.

"I will make anything just to prove to you what I really felt Soph."

"Do anything and I don't care."



**************************

End

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now