-Kab 16-

100 9 0
                                    

********************

Sophia's P.O.V

Mahinahong tumugtog ang kantang gagamitin para sa sayaw. Hindi ako masyadong makapag concentrate dahil ba naman kaharap ko si Bryle. Aatakihin ata ako sa puso nito eh.

"Eye to eye!" galit na sigaw ng trainor namin. Ayysh! Ayoko. Umiwas ako ng tingin pero napansin niya ata yun.

"Sophia, eye to eye daw oh." untag niya na nakapag-init ng pisngi ko. Sht! Hindi to joke di ko talaga kaya nakakahiya.

Nginisihan ko lang siya at bahagyang yumuko ulit.

Namilog ang mata ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Unti-unti niyang tinaas ang mukha ko. Shocks! Nagkakamatis ako.

"Nahihiya ka ba? Bakit?"

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Sabihin ko mang hindi pero halatang halata naman niya. Hinawi ko ang kamay niya at itinuon ang patingin sa kanyang ilong. Shocks! Sa ilong ko lang kaya siya'ng tignan.

"Dela Costa! Dela Ricca! Galaw! Kayo ang highlights dito huwag kayong maging squash! Yung kalabasa ba." seryoso siya sa sinabi niya. Napansin kong nahilaw siya. Aba! Joke yun? Inunahan kong tumawa at sinundan naman ng mga kaklase ko.

Nahagip ng paningin ko si Marty na seryoso ang titig saken. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Narinig ko ang malulutong niyang mura. Anong nangyari dun? Nagseselos? I don't think so.

"Okay, from the top." sigaw ulit ng trainor.

Rinig ko ang mga buntong hininga ng mga kaklase ko. Kanina pa kasi namin naririnig ang salitang 'from the top' at ni hindi man lang narinig ang salitang 'rest'.

Medyo kabisado ko na ang mga steps at nakuha ko na rin ang sinasabing eye to eye. Sa second music ay mas malumanay at mas closer daw. Naramdaman ko ang paghila ni Bryle sa baywang ko. Kuryente! Kuryente ang nararamdaman ko.

"Okay Break!"

Nabuhayan ako at ang mga kaklase ko nang sa wakas ay narinig ang salitang 'break'.

Dumiretso agad ako at sinalubong si Joyce na paparating.

"May chika ako!" agad na untag niya. Tumili pa ito.

"Ano?"

"Guess what?"

Aba pinapahula pa.

"Sabihin mo na. Wala ako sa mood." sabi ko kahit nangingisay na ako sa kilig.

"Dito na mag-aaral si Bryle sabi ni Kuya Josh!" tumili pa siya. Alam ko na kaya. Partner ko pa nga eh.

Di ako umimik.

"Di ka masaya? Isn't it surprising? Isn't it amazing? Isn't it?" baliw na ta tung babaeng to nakuha pa ang line ng isang pelikula.

"Alam ko na kasi, partner ko pa nga eh."

Nagulat siya sa sinabi ko. Di ata makapniwala ang babaeng nasa harapan ko.

"Impossible, surprising, amazing." untag niya at may palakpak pa.

"Sa tingin mo, anong nararamdaman ko." tanong ko sa kanya.

"Okay lang, pero paano si Marty? Diba siya ang partner mo?" pagtataka niya.

"Mahabang story, ikukwento ko nalang sayo mamaya."

Tumango siya at tinungo namin ang malawak na soccerfield ng San Lorenzo University.

Napatingala kami ng biglang tumunog ang intercom.

"Students of San Lorenzo" panimula nito. I know who's speaking. The President.

"Please clear the field for the preparation for the prom tomorrow." malautoridad niyang tugon.

Di ko alam kung bakit biglang ang lumakas ng tibok ng puso ko kapag naririnig ang boses niya. Those husky and baritone voice is really good.

"Sinagot mo na ba si Marty?" tanong ni Joyce na nakapagpamula ng pisngi ko. Hindi ako sure na totoo yung panliligaw niya saken kaya ayokong sumugal.

"Tss." yun lang ang tanging naging sagot ko. Ayoko munang pag aksayahan ng oras ang mga bagay na walang kasigurahan.

"Dahil ba kay Bryle kaya ayaw mo siyang sagutin?" di ko inexpect na itanong niya yun. Walang ibang rason handa akong magmahal pero hindi ako handang masaktan.

Like ate Grace alam kong may alitan sila nang naging jowa niya noon na hindi man lang niya ipinakilala sa amin bago sila naghiwalay and it's the reason kaya hindi siya nahirapan kunin ang oppurtunity sa state and besides ate Grace is Very truthful and loyal kaya yung Boyfriend niya siguro ang may kabalbagang ginawa. And it's a lesson though masakit pero diyan tayo natututo sa mga pagkakamaling masakit para satin.


Di ko man lang namalayan na kanina pa pala ako hinihintay na sumagot ng babaeng nasa tabi ko.

"Nope." yun lang yung naging sagot ko. Umasa ako na marami pa siyang itatanong pero napansin niya sigurong wala ako sa mood kaya hindi na siya nagtanong ulit.

Tumayo na kami at pumuntang cafeteria. Malakas ang tawanan ng  nasa kabilang table knowing na andun si Marty.

Napansin niya ang pagdating namin kaya tumayo siya nilapitan ako. Narinig ko naman na naghiyawan ang mga barkada niya. Lumapit siya saken at tumabi. Inirapan ko siya at titigan ako.

"Ang ganda mo."

Bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ko yun. Is this a Joke? Pinaglalaruan niya ako sa harap ng mga kaibigan niya? Di impossibleng mangyari yun. I think wala tung kahihiyan kung anong mapagtripan ng barkada ay gagawin niya.

"Stop me, Marty. Huwag ako please." marahan kong tugon sa lalaking nakahalukipkip at nakangisi.

Bumuntong hininga siya at tinitigan ulit ako.

"Bakit mo naman nasabi yan? Pinili kita kesa sa mga kaibigan ko." untag niya sabay turo sa lamesa kung saan naroon ang mga kaibigan niya.

Hindi ko siya pinansin.

"Alam mo bang may kasalanan ka pa saken?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano? Kapal." utas ko sa kanya.

"Siya pala yung Bryle? Now I know." namilog ang mata ko at parang may pagbabanta sa boses niya. Suminghap ako.

"Then? Ano ngayon?" taray kong sabi. Buti at wala pa si Joyce at medyo natagalan sa counter kaya hindi siya makakapag interrup sa usapan kalog pa naman yun sigurong pagtutulungan lang nila ako

"Taray naman. Tisoy lang naman yun mas gwapo parin ako." tumaginting yun sa tenga ko. Parang gusto ko siyang sakmalin o di kaya tirahan yung kanya para naman aawang ulit yung panga niya.


"Tss I don't care."

Saktong dumating si Joyce at tinaasan ako ng kilay na para bang sinasabing ano ang nangyayati dito.Umupo siya at sinimulan ng kumain.


"Bryle Anthony Dela Costa, ganda ng pangalan. Alam ba niya na--"

"Shit." pinutol ko siya ng mura. Hindi alam yun ni Joyce.

"Baka naman hindi rin ala--"

"Tatahimik ka o hindi kita sasagutin." dirediretso kung sabi na nagdahilan ng pagkagulat ni Marty at pagbuga ni Joyce ng iniinom niyang juice.

********************

End







The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now