-Kab 41-

94 4 0
                                    

**************

Sophia's P.O.V

Hindi ako makapaniwalang andito si Bryle sa States. Alam kong dito siya galing, pero ba't andito siya? Siya ba ang papalit kay Leandro?

"Do you know him right?" Tanong ko kay Leandro na ngayo'y walang kibo at nakatingin parin sa dalawang taong nasa loob ng salon.

"Maybe, I can't recognize who's the guy." Untag niya. I want to tell him na si Bryle yun pero baka magtaka siya kung bakit ko kilala. Kinuha niya yung phone niya mula sa bulsa at may tatawagan ata.

Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero rinig ko ang halakhak ng isang babae. Nahagip ng tingin ko ang babaeng may hawak na cellphone sa tenga na papalapit sa direksyon namin.

Napayuko ako nang mapansin kong nakasunod si Bryle sa kanya. Tinakpan ko ang mukha ko ng bouquet at tumalikod ng bahagya.

"Oh Leandro, kanina ka pa? By the way si Bryle. Magkakilala kayo right?" Utas nung Julianne. Naguguluhan ako. Kaano-ano niya si Bryle? Bakit siya hinalikan nito sa noo?

"Yea. I know him." Simpleng tugon ni Leandro. Gulo ba to? Dahil kung ganoon nga, tatakbo nalang siguro ako.

"Leandro it's good to hear that you made out with Julianne." Untag nung isa. I know who's speaking. Shiz si Bryle!

Bago paman magsalita si Leandro ay pinutol na agad ito Julianne.

"Uhm who's with you?" Tanong ni Julianne. Sht eto na, ako ata yung tinutukoy.

Tinapik ako ni Leandro sa balikat. Sht Leandro! Huwag mokong mahawak-hawakan.

"She's my new friend and soon to be my secretary." Untag nito habang pinipilit akong humarap pero nagmamatigas parin yung katawan ko.

"Oh I see, ba't siya nakatalikod?" Utas nito. Ghaad! Wag kayong ganyan. Mag-usap nalang kayo kung gusto niyo wag niyo nalang akong pansinin.

"I don't know, Sophia okay ka lang?" Laglag ang panga ko sa pagbigkas niya sa pangalan ko. Shiz! Kailangan ko na talagang harapin to.

"Sophia?" Rinig kong tugon ni Bryle. This is it. Wala ng atrasan to.

"Yes. Sophia yung pangalan niya." Naramdaman kong may parang lumalapit sa harap ko kaya tumalikod uli ako. Ngayo'y kaharap ko na si Leandro at Julianne habang di parin tinatanggal ang bouquet sa mukha ko.

"Sophia? What's happening to you?" Bulong ni Leandro saken. Napansin ko na namang papalapit na si Bryle kaya binigay ko agad sa kanya yung dala kong bulaklak at paper bags.

"Cr muna ako. Masama pakiramdam ko." Tugon ko sabay karipas ng takbo sa north side wing. Hindi ko alam kung saa ang Cr dito pero isa lang ang gusto kong mangyari. Ang makalayo sa kanila lalo na kay Bryle.

Sakto namang nakita ko agad ang isang sign ng Cr kaya tumuloy na ako. Haays! Pumasok agad ako sa isang cubicle at napa face palm. Feel na feel ko ang pangiginaw ng palad ko. Shiz! Ano ba tong pinasok ko.

Lumabas na ako at naglagay ng pulbo at kaunting tint. Namumutla na yata kasi ako dahil sa nangyayari ngayon. Sabi ko na nga ba may kutob ako nito eh.

Napadighay ako.

"Haay Salamat!" Untag ko ng makaramdam ako ng guilt-free. Itetext ko nalang siguro si Leandro na mauna ako. Hindi ko kaya ang environment dito, mababaliw siguro ako.

Nakayuko ako ngayon habang nagtytype sa cellphone habang palabas ng Cr. Sa pagmamadali ko ay nabunggo ko ang isang lalaking nakahilig sa pader na naka cross arms.

Kahit pa hindi ko itaas ang ulo ko ay alam na alam ko kung sino to.

"You didn't tell me Sophia na pupunta ka pala dito." Utas nito at nakacross arm pa din. Napa face palm nalang ako at unti-unti siyang tinignan.

"Why are you here?" Utas ko. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano na ang mga pinagsasabi ko.

"I should be the one to ask you why." Tugon nito. Alam ko kung bakit siya andito. Tinanong ko siya dahil wala ng ibang lumabas na salita mula sa bibig ko.

"My sister is here, At sa narinig mo kanina. Nag apply ako as a secretary of a company." Sa oras na ito ay diretso na akong nakatingin sa kanya. Shiz! This guy is so handsome. Bakit ba Bryle? Bakit ang gwapo mo lalo. Nakangiti lang siya at sumilay na naman ay malalim niyang dimple.

"A company? Nasabi ba ni Leandro ang lahat? Alam mo na b---.."

"Oo alam ko na." Putol ko sa kanya. Naalala ko pa nung una kaming nagkita sa Jeep. Ang yaman pala ng mokong to.

Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Marty pero di ko kaya. Malaman ko lang sana kung okay lang siya. I admit that I really miss this two guy.

"You already know about the event tonight?" Untag niya. Event? Anong event ang tinutukoy niya. Even Leandro ay wala siyang nabanggit.

"Para sa'n?" Tanong ko. Wala akong ideya sa event na tinutukoy niya.

"About the new CEO of our company." Biglang kumabog ang puso ko at natulala. The new CEO.

"Ikaw ba ang papalit sa kanya?" Hindi ko alam kung sino ang papalit kay Leandro. All I know is last day na niya ngayon as a CEO.

"Malalaman mo." Pagkasabi niya nun ay hinila niya ako palabas ng comfort room. Gusto kong magpumiglas pero kaibigan ko naman siya wala naman siguro siyang balak na ipahamak ako choss.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at dumiretso lang sa daan papunta sa salon kanina.

"Sa salon. You will be my date for tonight's event." Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano daw? Date? Not really na di ko gusto pero di naman masama.

"What? Di ako kasali dun ah." Giit ko sa kanya. Nang makarating na kami ay napansin ko agad si Leandro na nagbabasa ng magazine at hindi namalayan ang pagdating namin.

"I'll pay for everything. Just fix yourself and be beautiful tonight." Untag niya at tsaka may binulong sa stylist. Rinig ko ang pagtikhim ni Leandro mula sa likuran. Alam kong nagtataka na yan ngayon.

"Magkakilala kayo Soph?" Untag nito. Bumaling ako sa kanya.



"Mahabang kwento Leandro. I'll just talk to you later."

***********
End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon