-Kab 13-

122 8 0
                                    

********************

Sophia's P.O.V

Dahil hindi ko naman siya mapipigilang sumali, yun nga sumama. Ugh! anong nangyayari sa lalaking to at ako na naman ang pinagdidiskitahan.

"Sophia wait lang ha, punta muna akong sacristy." untag niya nang makapasok na kami sa simbahan.

"Joyce wait! Sama ako." sumunod naman ako sa kanya at iniwan si Marty dun sa may mga upuan. Di ko siya binalingan ng tingin at kusa nalang siyang iniwan.

Pagkapasok ko nakita ko agad si Kuya Josh.

"Hi Kuya." untag ko.

"Oh Sophia buti at nakarating ka."

"Opo kuya wala rin naman akong ibang gagawin."

Tumango lang siya at nag sign na pupunta sa loob.

Naglibot-libot ako sa buong sacristy. Di ko naman first time na pumasok dito pero hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar.

"Sophia?" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Oy Bryle." sagot ko sabay ngiti.

"Prayer meeting ba?

"Ah Oo." untag ko.

"Sige mauna na ako."

"Uhm sige." sabi ko. Aysh! Hindi ko man lang siya nasabihan tungkol dun sa libro.

Kumaway siya habang todo parin ang ngiti. Ayy ewan ko ba kung bakit napapalibutan ako ng mga gwapo.

Yung isa malademonyong gwapo, tung isa naman mala anghel ang swerte ko naman ata.

I need to roam around, kailangan kong mahanap ang libro. For pete's sake ito lang yung chance ko makuha yun.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko ang isang maliit na door sa may bandang kaliwa sa labas. Sa walang pag alinlangan binuksan ko ito at nasilayan ang neat and clean room na may mga miniature sa itaas.

Napansin ko rin ang nakadikit sa may dingding na


BRYLE ANTHONY DELA COSTA



So ito yung room niya. Andito lang yung libro and I want it now no matter what

Inisa isa kong hinalubgob ang mga bookshelves niya mabilisan pero maingat nang hindi niya mahalata.

Napatigil ako nang may marinig kong footsteps papunta dito. Di muna ako kumibo at iniobserbahan muna ang paligid.

Pinagpatuloy ko ito nang parang nawala na yung kaluskos sa may pinto.

*crick*

Narinig kong may pumihit sa doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.








"What are you doing there?"


Parang nabuhayan na kinabahan ako nang makita kong si Marty ang iniluwal nito at hindi ang may-ari ng kwarto na'to.

"Bryle Anthony Dela Costa?" basa niya sa nakadikit sa dingding.

Di parin ako kumibo habang gulat na nakatingin sa kanya.

"Uhm-I-jus--Uhmm. Naghahanap lang ako ng libro, yes that's it."

Kumunot ang noo niya at parang diko siya nakumbinsi.

"Sure? I thought it was a restroom pero kwarto to ng isang sakristan right? Ba't ka andito?"

Eto na yun eh. Na hotseat pa tuloy ako.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now