-Kab 08-

150 9 0
                                    

*******************

Sophia's P.O.V


Pagkatapos ng class namin with Teacher Jess ay dumiretso na ako sa room nila Joyce para sunduin siya at para samahan niya ako sa cafeteria.


Paranoid parin ako sa nangyari. Naiinis ako kapag naaalala yun lalo na yung ngumisi siya. Sht! Nasiyahan talaga siya ah. Plano ba niya yun? O sadyang sobra lang talaga ang lapit niya saken nun.


Nakita ko agad si Joyce sa may pinto at hinila siya.


"Kumusta ang klase bess? How about ang community service with Marty? Ok ba? Yieeee." untag niya saken habang papuntang cafeteria.


"Mamaya na yan bess. Order mo'ko ng ice tea nang iinit ako sa inis dali!" ngumiti siya ng nakakaloka.


Ano kayang nasa isip nito na ginawa namin ni Marty syempre halata naman sigurong naglinis kami no community service nga diba.


"Oh eto, ako na ang nagbayad niyan. Kwento muna. Dali!


Aba naisahan din ako ng bruhang to ah. Ugh sasabihin ko ba sa kanya lahat ng nangyari? Natulala ako habang nakatitig sa ice cubes ng ice tea.


"Sht!" padabog kong nilagay sa lamesa ang ice tea nang may naalala ako habang nakakatutok sa six cubes nakausli. Ayokong maalala yun. Ayoko talaga.


"Ayoko!"


Nakita kong nanlaki ang mata ni Joyce.


"Oh, anyare na naman sayo?"  nagtatakang tanong niya.


"Wala. Nevermind." utas ko sa kanya at tumayo na.


"Anong wala? Huwag mo'kong ma wala-wala diyan Sophia kilala kita." tugon niya habang sinusundan ako.


"Bess, nawala na ang first kiss k-"


"WHAAT?" putol niya. Tinakpan ko ang bibig niya habang tumatakbo palabas ng school.


"Huwag ka ngang overacting--.


"Anong over? Myghad di lang kita nakasama half of the day nawala na ang first kiss mo? Sino ba si Mart---.


Tinakpan ko ang bibig niya na pagkalakas-lakas kung maka putak.


"Di naman siguro kailangan ipagsigawan diba?" utas ko sa kanya.


"Si Marty ba? Kayo na ba? Agad-agad?" sunod-sunod niyang tanong.


"Ikukwento ko sayo nextweek! Happy weekend!" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo.


Nakita ko siyang  umirap.


Di muna ako sumakay ng jeep at naglakad-lakad na muna. Ayoko munang umuwi dahil sa napakaraming chika na naman ni mama.


"Oh, ineng bilhan mo naman ako ng suman masarap to. Masarap pa sa boypren mong nagloloko."


Nagulantang ako sa sinabi ni manang nang napadaan ako estante na may nakasulat na.

Mabuti pa yung suman malagkit, stick to one

Ang hugot naman ata ni manang, ano to nagmahal, nasaktan then nagtinda ng suman.


"Sorry po manang wala pa po akong boyfriend."


Nangunot ang noo niya.


"Sayang iha, may discount sana pag kasama mo yung bf mo. Pwera bumalik ka nalang pag meron ka na."


Napatunganga lang ako. Parang lahat ata ng tao ngayon tinutulak ako para magkaboyfriend. Ato to binubugaw nila ako? Shocks naman.


"Sige na babalik nalang ako pag mer--" di ko natapos ang sasabihin ko nang may biglang sumulpot sa likuran ko.


"Manang isang supot ng suman, ako po yung boyfriend niya. Pa discount ha."


Nalaglag ang panga ko sa pinagsasabi ng lalaking to.

"Oh meron ka pala bak--"


"Hindi po manang! Hinding hindi po talaga."


Tumalikod na ako para lumayo sa lalaking to.


"Sus, pakipot pa tung girlfriend ko." inakbayan niya ako at napafacepalm.


"Tigilan mo'ko Marty ah. Pinag iinit mo'ng ulo ko."


"I like it babe."


"Marty!"


"I said I like it."


Panay ang sabi niya ng I like it. Oo nga pala baliw nga pala to sabi niya pala ginaganahan daw siya pag nagagalit ako. So ayaw niya ako pag nakangiti ako.


*smile puppy eyes*


"Oh ba't ka nakangiti?" utas niya.


"Oh ngayon ayaw mo na saken diba? Nakangiti na ako oh." para naman akong timang dito na abot tenga ngiti.


Humagalpak siya ng tawa


"Layuan mo na ako pwede?"


Umatras ako.


"Pagkatapos ng nangyari kanina? Ganon lang ba yun?" lunapit siya saken.


Shit! Bakit pa niya pinaalala yun ugh.


Kalahating metro nalang ata yung pagitan namin.

"Lumayo ka please!"

"Bakit Sophia? Ayaw mo bang mahulog ka saken?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the heck! Ano bang pinagsasabi niya? Shocks! Dito pa talaga siya sa labas ng school gagawa ng kabalbalan? Shit this guy.


"Marty stop chasing me. Kung may nagawa man akong hindi maganda sa'yo kung bakit ka nagkakaganito, confront me. And one thing, isauli mo yung diary at album ko. Please ngayon lang ako manghihingi sayo neto." walang prenong untag ko sa kanya.


I want to end this. Narealize ko na mali tong ginagawa ko. Pinapaikot.
ko lang ang sarili ko sa walang kwentang bagay. I want to go to states with ate and I don't want someone to ruin my dream.



Natahimik siya. Parang may malalim siyang iniisip. Kung pwede ko lang sana basahin kung ani ang laman ng kanyang isipan ay ginawa ko na. Mahirap siyang espilingin. And I want to ask him kung bakit niya to ginagawa pero hindi niya ako magawang sagutin sa mga tanong ko.


Ganito na ba talaga ako ka malas sa mundong to? Simula pa lang iniwan na kami ni papa. Si ate umalis at ngayon may isang tao pang hahadlang sa lahat ng walang dahilan? My emotion is bursting right now. Gusto kong tanungin ang tadhana kung bakit.



"Oh Marty? Ano na?"


Patuloy parin siya sa pagsipa ng mga maliit na bato sa ilalim. Ano ganito nalang kami hanggang gabihin kami dito? Wala man lang ba siyang sasabihin?


Padabog akong umalis at napansin ko ang pagsunod niya at paghablot sa braso ko.


"Sophia, Im sorry pero I think Im fallin' in love with you."


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nabuhusan ng yelo dahil sa narinig ko. Kumalabog ang puso at tumakbo ako nang hindi alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko makalayo lang sa kanya okay na.





******************************

End of Chapter 8

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now