-Kab 43-

101 4 0
                                    

********

Sophia's P.O.V

Sobra akong nailang dahil halos lahat sila ay nakatingin samin. Not totally sa aming dawala pero parang ako yung sentro ng atraksyon dito. Maybe Bryle is already known as a Son of the company's owner kaya parang naninibago sila saken.

Dahan-dahan akong naglalakad dahil natatakot akong matisod at baka mapahiya pa sa mga bigtime na tao sa harapan ko.

"Bryle, nakakahiya." Untag ko nang mas dumadami ang mga taong nadadaanan namin. Humigpit ang hawak ni Bryle saken at kulang nalang ay kalabitin niya ako.

"Breath In, Breath out. Wala silang alam kung sino ka. Kaya wag mo lang silang pansinin. Just focus on the event itself." Sinunod ko ang sinabi niya. Imbes na magpalingon-lingon ay tumingin nalang ako ng matuwid right immediate to the venue.


"Your Dad is here right? Pa'no kung---."


"Shhh..he wouldn't know na andito ka. Maraming guest, hindi ka niya mapapansin." Putol niya saken. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung bakit ako andito. Just to be Bryle's date? Yun lang ba talaga ang pinunta ko dito?


Nang makapasok na kami sa hall ay mas lumobo pa ang mga tao. Some are wearing mask and glamorous gowns and suit. Confident naman akong nakipaghalubilo sa kanila cause I wear mine too. I didn't just wear the garment but also my most precious smile kahit niisa ay wala akong kakilala.



"Bakit mo pa ako sinama? Diba ipapakilala ka mamaya as the new CEO? Magiging busy ka, sagabal lang ako." Tugon ko. Hindi ko maiwasang maisip yun. Pa'no kung magiging busy siya mamaya eh maleleft behind ako dito? Wala pa naman akong kakilala.



"Be with Leandro and Julianne kung sakaling mangyari yun." Umigting yun sa tenga ko. What? Magiging thirdwheel ako? Ayoko nung ganun.


"No. Uuwi nalang ako pagkatapos ng dinner." Humarap siya saken na nakakunot ang noo.


"No Sophia, tatapusin natin ang party. Please." Pagmamaktol niya. He's being serious this time. Ang pagkabuo ng boses niya ay naging dahilan nang aking pagtataka. I don't know kung bakit niya ako gustong maging date ngayon sa event na'to despite pwede naman yung mga anak ng business partners nila na andito ngayon.


Hindi naman sa hindi ko ito ginusto pero talagang nakakapanibago lang. Nagkasama kami noon sa Pinas, and we are just talking in casual and not like this and it is really strange. He change a lot along by this time.


Iginaya niya ako sa isang table na may magandang korte ng mga tela at parang pang VIP yung dating dahil naiiba ito sa ibang table sa paligid. Nasa harapan ito at nakaharap sa mga tao. I was just being amazed dahil kung iisipin wala akong naiambag at tanging naimbitahan lang.

"You will be with the big time investors and stockholders. Pero wag kang mag-alala wala silang ideya tungkol sa naging buhay ng anak ni Dad at lalong lalo na yung tungkol sa inyo ni Marty."

Nagtaka ako kung bakit niya nabaggit ang pangalan ni Marty. He's not even here.

"How about your Dad? Baka makita niya ako dito." Untag ko at nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. He said a while ago na mga bigtime person ang mga andito. Hindi imposibleng mapadpad ang Dad niya sa table na ito.

"Just trust me. Everything will goes right." Bumuntong hininga nalang ako at luminga linga at baka makita ko sina Leandro at Julianne. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sila sa may table na may mga lalaking naka suit na nasa middle 20's pa.


Kinabahan ako. May kutob kasi ako na may mangyayaring hindi ko inaasahan. Gusto kong umuwi nalang pero ayoko namang ma offend si Bryle sa aasalin ko. I will just make things right tonight at okay na.


Nagsimula ng tumunog ang music at ang nasa harapan na ang emcee. This party is damn prostigous. I think ito na yung pinakaengrandeng event ang napuntahan ko sa buong buhay ko.


Pinakilala na ng emcee ang mga bigtime na tao sa company na halos ay nasa table lang namin at busy sa pakikipag-usap kay Bryle.

The Lights started to turn dim. At hindi ko alam kung bakit parang nanindig ang mga balahibo ko. Hinila ako ni Bryle na ikinagulat ko.


"San tayo?" Seryosong tanong ko. Bago pa niya ako sinagot ay nasa harapan na ako ng table kung nasaan nakaupo sila Leandro at Julianne.


Naintindihan ko naman agad ang tinutukoy niya kaya umupo na ako. Ngayon na siguro ipakikilala ang bagong CEO. My heart started to beat fastly and it's killing me inside that I didn't know why.


"And the most awaited part of the event. Behind this big Incorporation we will now witness the words of wisdom which will be given to us by Mr. Marcelo Reeves." Sabi nung emcee. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na akong kinakabahan at nagha-hyperventilate. Naalala ko kasi lahat. Yung oras na nakasama ko ang Dad niya.

"Goodevening everyone. To our dearly visitors, investors and shareholders of the company. I will not make this long I will introduce to you the New Chief Executive Officer of the Reeves Commercial Incorporation."

Napunta ang spotlight sa hagdan kung saan bumababa ngayon si Bryle. He's wearing an ash gray coat with a white sleeve. Bagay sa kanya ang suot niya lalo na't nilagyan pa niya ito ng ngiti na nagdahilan ng pagbalandra ng dimple niya. This guy was perfect.

Nang makalast step na siya. Biglang tumahimik ang paligid ang nagulat sa isang lalaking ngayo'y nakamaskara at dahan-dahang bumababa sa hagdan.

The posture, ang tindig at ang dating niya ay sobrang pamilyar saken.


"My Son Marty Shawn Reeves."


Parang na fall out saken lahat ang kalungkutan at paninibugho as he take his mask off. Diretso ang tingin niya saken at ramdam ko ang kalungkutan dito.

Di ko napigilan at biglang bumuhos ang luha ko. Tumatakbo ako ngayon palabas at hindi alam kung saan papunta ang daang tinatahak ko. Napaupo nalang ako sa isang bench sa may tapat ng isang garden.

Napahikbi ako. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay pero hindi ko magawa. He's here. Sht! I miss him. Pero hindi ko alam kung paano ko ulit siya harapin. Napahagulgol ako sa iyak habang nakayuko parin.


There is one person who lay his hand at binigyan ako ng panyo.


"Just cry, napapanis ang luha pag di mo pinapalabas."

And I felt my heart fluttered.


*******

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now