-Kab 44-

107 4 0
                                    

************

Marty's P.O.V


"Huwag na huwag kang lalapit lapit saken gag* ka!" Galit kong sigaw kay Bryle na ngayo'y todo sa pangbebwesit saken. All day long since andito kami sa States ay palagi niya nalang ginagawa to.

"Chill bruh! Wala tayo sa Pinas. Iba ang Bryle sa Pinas at Bryle sa States. Pero huwag kang mag-alala God-Fearing pa din naman ako." Tinapunan ko siya ng unan at nalaglag ang dala niyang container na puno ng popcorn.

"It's Okay bruh! Di parin ako mapipikon sayo." Untag niya at pinulot yung popcorn sa sahig at yung iba ay nilagay sa bunganga niya. Geez. This guy is getting into my nerves. He is a piece of shit!

"Can you please get out of my sight?" Halos mapunit ko na ang couch dahil sa pagkalmot ko nito. Hindi ko na naiintindihan tung pinanood ko dahil sa ingay na dulot ng kumag na'to.

"Bruh! Bukas magiging CEO ka na. Hi Mr. CEO." Talagang pinapakulo ng lalaking to ang dugong lumalatay sa ugat ko. Sht!

Tumayo ako kinwelyuhan siya. Pero di natinag ang gag* at dinulingan lang ako na parang baliw.

"Are you going to kiss me bruh? Uhm bromance." Hinagis ko siya pero di natumba. Nagmartsa nalang ako paakyat at baka mapatay ko pa tung gag*ng to.

"Alam kong alam mo bro." Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Diba alam mo? She's here. Di pa kami nagkita pero alam kong andito siya." Dugtong niya. Pa'no niya nalaman? Magsasalita na sana ako pero muli siyang nagsalita.

"Do you want me to settle anything? Para magkausap kayo? Mabuti rin naman akong kapatid kung tutuusin." Naliwanagan ako sa sinabi niya. I can settle it for myself, pero pano? Hindi ko alam kung haharapin niya ako pag nalaman niyang pinlano ko. I should seek some help.

"Pa'no?" Simple kong utas. Kahit paman nanlatay parin sa ugat ko ang galit sa lalaking to ay kailangan kong magpakumbaba. For the sake na makaharap ko si Sophia ulit.


"Between Grace and Sophia? Alam mo rin ang koneksyon nila diba?" Untag niya. Nagulat ako sa pagbanggit niya kay Grace sa usapan. Nung una ay mahirap paniwalaan.

And I realize na lahat ng bagay ay may kapalit.


Di ko sineryoso si Grace noon. At dun ko lang nalaman ang halaga niya saken nung wala na siya. At ngayon si Sophia naman. Ito na siguro yung sagot sa mga pinangagawa ko noon. All things have its own consequences. At swerte lang ako kung maibabalik ko yung mga panahong sinayang ko.

"Alam ko." Utas ko. Alam ni Bryle ang tungkol sa amin ni Grace noon. Siya yung nagpakilala saken kay Grace kaya di malayong may komunikasyon sila hanggang ngayon.

"Im trying to contact Grace. Bukas sa event. Mag-usap kayo tatlo. At si Sophia naman, gagawin ko ang lahat para makapunta siya bukas. Don't worry, wala pala tung kapalit. Helping a brother kumbaga." Untag niya at nagmartsa palabas. He's always like this. Kahit paman noon na hindi ko siya kinilalang kapatid ay wala siyang poot na tinanim sa sarili niya. Naisip ko nga rin minsan kung ano ang pakiramdam ng may kapatid na karamay mo sa lahat ng bagay.

Bukas na ang event at alam kong hindi ako bibiguin ni Bryle. Ginapangan ako ng kaba. Hindi ko alam kung paano harapin ulit si Grace at lalo na si Sophia. Ang alam niya lang kasi ay yung tungkol sa dare ng barkada. She doesn't feel na seryoso ako, na mahal ko talaga siya. Nagsisi ako kung may nagawa akong kamalian sa kanya noon. Pero gusto kong ibahin yung ngayon, to be with her and to have her again.

Naghanda ako ng suit ko para bukas. Habang hinahalukat ang mga gamit ko sa maleta ay napansin ko ang isang papel na nakabalot ng damit. Hindi ko ito napansin nung nag-impake ako dahil kusa ko nalang  nilagay sa maleta lahat. A piece of paper na nilagay sa isang envelope.

Nangilid ang luha ko nang mapansin kung kaninong sulat kamay yun.


September 22, 2017

Dear Marty,

Hindi ko alam kung paano ipapaabot sayo ang sulat na'to. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinusulat ngayon to. May 2 absences ka na at hindi ko alam kung tungkol ba to sa nangyari nung isang araw. Please Marty mag-usap naman tayo. Kung totoo ngang mahal mo'ko bakit may dare? Narinig ko sila Allaisa na nag-uusap at di ko alam kung bakit ako? Sinabihan mo nalang sana ako at ibibigay ko naman ang gusto mo. Magpapanggap? Sige okay ako. Pero sana naman wag mong gaguhin ang buhay ko. Nanahimik ako. Kung sakaling mabasa mo to. Mag-usap tayo.



Naalala ko yung date na yun. Yun yung nagkaroon ako ng 3 absences at pumunta siya sa bahay. Nilagay niya siguro tong sulat na'to sa cabinet ko sa mismong araw na yun. Bakit di niya nalang sinabi sa akin ng personal na alam na niya pala ang tungkol sa dare? Besides, wala na naman talaga akong pakialam dun.



~~~

It's already 5pm at marami ng tao sa hall. Di ko nakita si Bryle ngayong araw na'to kaya baka imposibleng mangyari yung plano. Nagsimula nang magplay ang music na at nagsipasukan na din ang mga bisita. Nag-usap kami ni Dad at sobrang thankful niya raw at okay nadaw ako. Sabi pa niya na ienjoy ko ang trabaho at maging mabuting tao sa harap ng empleyado.

Kinabahan ako. Hindi ko masyado maisip ang gagawin sa gabing to. All I want ay makita si Bryle ngayon. Nasa harapan na ngayon si Dad at seryosong nakikinig ang lahat. May tumapik sa balikat ko.

"Ang alam niya ay ako ang bagong CEO." Yun lang sinabi ni Bryle at nakuha ko na agad kung ano ang tinutukoy niya. Humanda na kami sa likod. Nasa harap siya dahil siya ang unang lalabas at nasa likuran niya naman ako.

"Thanks for this." Kahit paman labag sa kalooban ko na pasalamatan ang mokong to ay nagawa ko parin. May mga tao rin palang handa kang tulungan kahit masama yung pakikitungo mo sa kanila.

"You're always welcome brother."

Bumaba na siya. Nag dim yung lights at naging suspense ang music. Im wearing an half mask and I walk down slowly. Halo-halong emosyon ang nanlatay saken ng unang mahagip ng tingin ko ang isang taong gusto kong makita ngayon. Nagkatitigan kami at dama ko ang kalungkutan sa kanya. Diretso lang ang tingin ko sa kanya habang siya'y patakbong lumabas sa hall.

Pupuntahan ko sana siya pero pinigilan ako ni Dad. Tinapik ko siya at tumakbo palabas. Nakita ko siyang tumatakbo patungo sa garden at umupo sa may bench. Mula sa malayo ay rinig na rinig ko ang hikbi at hagulgol niya. Hinugot ko sa bulsa ko ang isang panyo at binigay sa kanya.

"Just cry, napapanis ang luha pag di mo pinapalabas." Untag ko.


***********

End.





The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now