-Kab 23-

95 8 0
                                    


**************

Sophia's P.O.V

Hindi ko na kaya marinig ang paghikbi niya kaya umalis ako. Hindi para iwan siya, pero dahil di ko kayang makitang nakaganoon ang taong iniibig ko. Im inlove with him. Sobrang ikli ng panahon. Noon di hamak na kaklase ko lang ang turing ko sa kanya pero ngayo'y isang taong iniyakan ko na ng sobra.

Isang normal lang akong studyante ng San Lorenzo University. Isa pa nga ako sa bumuto sa kanya as president ng school dahil kahit napaka manyak o badboy niya, may side parin siya ng pagkama-awtoridad niya.



Kinabukasan walang Marty ang nagpakita saken. Kaya nakaramdam ng kirot at konsensya sa pag-iwan ko sa kanya kahapon. Kaya as usual ko lang na ginawa ay tumulong sa mga estudyanteng nagdedesenyo sa entablado.

Naging isang malungkot na araw ang naramdaman ko ngayon. Dahil siguro walang nangungulit at walang nang-iinis saken. Kung noon ay gusto ko siyang lubayan niya ako pero bakit ngayon ay parang gusto ko nalang na magpa-inis sa kanya.

Three consecutive absences. Nag-aalala na ako sa kanya. Sinimulan ko ng kontakin siya at tawagan. Out of coverage nalang lage. Di na ako mapakali kaya pupuntahan ko na sana siya. Alam ni Joyce yung address kaya pinuntahan ko mag-isa.

Nag doorbell ako binuksan ako ng isang babaeng naka uniporme na pang katulong.

"Andyan ho ba si Marty manang?" ni head to foot muna niya ako bago sumagot.

"Sino po sila?" tanong niya. Medyo mataray siya kasi nasa katandaan na ito.

"Kaibigan po niya ako. Ilang araw na po kasi siyang hindi pumapasok." biglang umaliwalas ang mukha niya.

"Sige Iha, pumasok ka. Ilang araw na din yang hindi lumalabas ng kwarto niya. Pakidala na rin itong pagkain baka sakaling mapilit mo siyang kainin niya to." untag niya. Mabuti rin pala to si manang kaso may pagkamataray lang talaga sa mga hindi niya siguro kakilala.

Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumagot. Binigay ni manang saken yung susi at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng di makagawa ng ingay.

Nakita ko siyang nakapulupot ng kumot habang nakahiga sa kama. Hindi niya napansin ang pagpasok ko dahil nakaharap siya sa kabila. Nilagay ko ang tray ng pagkain sa mesa.

"Marty?" untag ko. Hindi siya sumagot. Alam kong hindi siya tulog dahil gumalaw yung kamay niya kanina. Umupo ako sa kama at naramdaman ang init nito. Dumapo agad ang kamay ko sa noo niya at napagtantong nag-aapoy siya sa lagnat.

"Marty?" hinarap ko siya saken. Nakapikit ang mata niya at nanginginig. Kumaripas ako ng takbo palabas at tinawag si manang.

"Manang may basahan po ba kayo diyan? Palangganita? Nag-aapoy po kasi sa lagnat si Marty eh." hindi na sumagot si manang at dali-daling kumuha nung mga nabaggit ko.

Nang matapos ng magpakulo si manang ng tubig ay binigay niya na  saken ito sabay ng isang gamot.

"Sige manang, Salamat."

"Sige Iha dahil tatawagan ko rin yung daddy niya." tumango lang ako at tinungo ulit ang kwarto ni Marty.

Hinila ko yung kumot atsaka dahan-dahang pinunasan ang noo niya. Nagdadalawang isip akong hubarin ang t-shirt niya.

Di ko na inalintana ang pagka-ilang. Pinunasan ko na ang kanyang buong katawan puwes nahawakan ko na rin naman to noon *walang halong kalaswaan*.

Pagkatapos nun ay kumuha ako ng damit mula sa cabinet niya.

"Grace..Grace.." napalingon ako sa kanya sa pagtawag niya sa pangalang 'Grace'. Napa-isip rin naman ako kung ito ba yung tinutukoy niyang kanyang unang pag-ibig.

"Sophia...Sophia...Sophia." kumirot ang puso ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ang akala koy gising na siya pero mukhang nanaginip lang pala.

Sinuot ko na sa kanya ang kanyang t-shirt at kinumutan ulit. Bahagya na akong tumayo at kinuha ang palangganita nang hinawakan niya ang braso ko.

"Dito ka nalang muna. Giniginaw ako." rinig kong utas niya. Siguro kung wala siyang sakit iniisip ko naman na minamanyakan niya lang ako. But it doesn't matter at all. Mahal ko tong lalaking to.

Nabigla ako ng bigla niya akong hinila at niyakap.

"Im cold, please stay for a while." di ako nagpumiglas. Ngayon lang naman to. May sakit siya.

Nakaharap kaming dalawa. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga.

Hindi ko naramadamang gumagabi na pala. Nakatulog ako at nakapulupot sa bisig ni Marty. Unti-unti kong kinalas ang kamay niya.

Mukhang namang tulog na tulog siya kaya hindi niya namalayan ang pagtayo ko.

Nakita ko ang tray ng pagkain na wala ng laman at iniinom narin niya yung gamot niya. So nagising siya habang natutulog ako? Shocks! Nakakahiya.

Pinihit ko ang doorknob at lumabas. Nakita ko si manang na nag-aayos sa may mesa.

"Parang okay na po ang pakiramdam niya manang, mauna na po ako." hindi siya sumagot at hinila ako.

"Hindi ka aalis kung hindi ka muna maghapunan. Si Marty ang nagpahanda niyan lahat sa may mesa." nagulat ako sa sinabi niya. Alam rin ni Manang na nakatulog ako? Ughh.

Wala akong nagawa kundi umupo nalang. Nilagyan niya ako ng plato sa harap.

"Akala ko ba magkaibigan lang kayo." natatawang tanong ni manang. Medyo nahilaw ako at hindi nakasagot.

"Ahh--uhm--." naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marty at iniluwal siya nito.

Bahagya akong yumuko habang sumusubo ng pagkain. Hindi ko ito nanguya  kaya nabilaukan ako.

*cough* *cough*

"Tubig! Iho! Bigyan mo ng tubig ang girlfriend mo!" natarantang tugon ni manang na ikinalaglag ng panga ko.

Ano daw? Girlfriend?

Iniabot niya ang baso at ininom ang tubig. Hinahagod pa niya ang likod ko.

"Salamat." nahihiya kong utas. Di ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Iho, tinawagan ko ang daddy mo. Padating na siya." untag ni manang habang naghuhugas ng pinggan. Namilog ang mata ko at tumayo.

"Marty, punta na'ko." utas ko atsaka tumayo.

"No, ubusin mo muna ang pagkain mo at ako ang maghahatid sayo." napalingon ako sa pagbukas ng pinto sa sala. Nalaglag ang panga ko ng makita ang older version ni Marty, eto na siguro yung daddy niya.

Nagkatitigan kami ng daddy niya. Kumunot ang noo nito habang pabalik-balik itong tumingin saken at kay Marty.

"Dad, si Sophia po pala. Girlfriend ko." biglang lumakas ang tibok ng puso ko di dahil sa daddy niya kung di dahil sa pagtawag niyang girlfriend saken.


Kainin na sana ako ng lupa ngayon! Pero tiles yung bahay nila kaya kainin nalang sana ako neto. Please!

*****************

End.


















The Love to Reign  ✔COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin