-Kab 32-

112 6 0
                                    


**************

Sophia's P.O.V

Kasalukuyan akong naka sakay ngayon sa kotse ni papa papuntang Makati. Di ko parin mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko lalo na't naisipan kong may mang-iiwan na naman sa kanya.

I should be the one to avoid him kahit noon pa man pero sobrang tanga ko at umibig ako sa kanya.

Ngayon ang Flight ko patungong state habang sina mama at papa ay magpapaiwan lang sa Makati.

"Oh Anak? Kanina ka pa umiiyak, gusto mo bang makita mo na si Marty bago ka umalis?" untag ni mama na ngayo'y nakaharap saken. Halos di na ako makahinga dahil sa pingot ng ilong ko.

Alam din ni mama na naghiwalay kami ni Marty pero di ko sinabi kung bakit. At kung gustuhin ko mang makita si Marty ay hindi ko rin kaya.

Naisip ko tuloy nung gaano siya kasaya nung araw na sinagot ko siya. Minsan rin akong napatanong sa sarili ko, totoo rin kaya yung saya niya? Yung luha niya? O ginawa niya lang yun para lang sa gusto niyang makuha.

Pag nasa harap ko siya parang ang seryoso niya. Hindi ko nga masyadong maisip kung bakit mahal niya pa yung ex niya.

"Okay lang ma, may mamimiss lang ako. Di kasi ako nakapag-paalam kay Joyce." yun nalang ang sinagot ko at pinilig ang ulo ko sa may bintana. Hindi ko pinlanong pumunta ng states ngayon.

Pero dahil pagdating ko sa bahay kanina ay naka impake na lahat ng gamit dahil umuwi si Papa sa bahay. Kinuha ko na yung pagkakataon na makalayo at naisipang di na hintayin ang graduation.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako at andito na sa Airport. Ngayon lang din ako kumuha ng ticket dahil sa di kahandaan.

Inisip ko nalang na magiging masaya ulit si Marty kung makakasama niya yung Ex niya. Masakit sa part ko, pero tulad ng sinabi ko sa kanya. Kung saan siya masaya ay ibibigay ko.

Inidiactivate ko ang Facebook account ko at ang Cellphone number ko. Ayoko munang may communication dito sa pinas dahil naaalala ko lang siya.

I will take the job, yung pareho kay Ate Grace. Sabi niya ay settle na daw ang lahat at binigay niya rin naman yung number niya kung sakaling makakabili ako ng bagong sim card doon o di kaya tatawagan ko siya through Telephone.

Nagpaalam na ako kay mama at papa. Medyo naiiyak pa si mama dahil agad-agaran daw ang pag-alis ko pero alam naman ni mama na may masakit kaming pinagdaanan ni Marty ngayon.

Hindi naman ako yung tipong tinatakbuhan ang problema, ayoko lang kasing maisip na kapag andun pa ako ay di ko maramdamang pinalaya ko na siya. Baka din magiging sagabal pa ako sa mata ng ibang tao.

10minutes before ang take-off ay nasa loob na ako ng eroplano. Di ko nadala lahat ng gamit ko dahil sa pagmamadali na maabutan ako dun ni Marty.

Biglang may parang tumitinik sa puso ko sa tuwing naiisip siya. Mahal na mahal ko siya, siguro nga pagbalik ko sa Pilipinas sa susunod na taon ay di ko parin siya kayang harapin.

Hindi ko alam kung nasaktan ba siya dahil sa pag-alis ko. I want to give him the happiness he deserves. Di naman parang pasan niya ang mundo palagi.

Sobrang nasaktan lang din ako dahil nagkakilala lang kami dahil gusto niyang magkabalikan sila ng Ex niya. Either seryoso siya or hindi I want to give him time to heal his own wounds. No regrets at tanging masayang alala lang ang dadalhin.

Nag take-off na ang plane at gusto kong umidlip muna.

"Miss Dela Ricca? May call request po kayo." nagulat ako sa isang flight attendant na lumapit saken pag take off ng eroplano. Buti nalang at Pinay siya at di ko na kailangan pang mag eechos mag english.

"Uhmm Sino daw?" tanong ko pero di niya ako sinagot. Nginitian niya lang ako at binigay ang phone.







"Cherry Pie ko?" parang biniak ang puso ko sa pagbasag ng boses sa kabilang linya. Di ko mapigilang maluha habang nilalakad ang arrival area.

Di ako nagsalita hanggang marinig ko ang paghikbi niya.

"Why did you leave me? Diba sabi mo di mo'ko iiwan? Diba nangako ka? Pero bakit ganito? Asan ka na Cherry pie ko? Miss na miss na kita." di ko na pinagpatuloy at nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang phone. Nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko upang pigilan ang paghikbi. Kailangan ko tong gawin Marty. Kailangan kong ipakita sa kanila na hindi ka sa akin magiging masaya. Kung minahal mo man ako ay lilipas din yan. Ayoko ring ganito ang first love ko kaya pasensya na.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang pamilyar na postura ni Ate Grace. Ganun pa din siya, sexy at maganda ang tindig.


"Ate!" Sigaw ko sa kanya na ngayo'y papalapit na rin saken. Niyakap niya ako ng mahigpit ang ganun rin ang ginawa ko.

"I missed you baby girl." napangiti nalang ako sa pagtawag sa palayaw na yun. Palagi niya kasing tinatawag yin saken kahit na ayaw na ayaw ko.


"I missed you too ate!"



"Bakit di mo nalang inantay graduation mo? Wala ka tuloy'ng picture na naka toga ka." untag niya at nakasimangot ang mukha. Niyakap ko ulit siya at nagsimula ng maglakad palabas.


"Okay lang, excited lang talaga ako. Sobra." ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol samin ni Marty. Siguro darating din yung araw na malalaman niya pero wag muna ngayon dahil presko pa ito saken.

"Uhmm, So anong plano mo? Job? O tambay lang muna." tanong niya. I want a gig muna. Like Modeling or something. Siya kasi ay isang model sa isang resort. Kapag summer at yung on call minsan.


"Stay muna, then Job." simpleng sagot ko. Ayoko munang magtrabaho dahil parang pagod pa ako sa kaaaral eh. Tsaka I want to enjoy my life here at ipagpaliban muna ang pag-iisip sa mga masakit na karanasan sa Pinas na kahit na alam kong impossibleng mangyari.




"Boyfriends ba? Wala kang mamimiss dun?" nagulat ako sa agarang tanong niya. Umiling lang ako.


"Nope. Wala."



*******************

End.


The Love to Reign  ✔COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora