-Kab 37-

109 5 0
                                    

***************

Someone's P.O.V

Sobra akong naguluhan sa mga nalaman ko. Ang akala ko'y si Bryle ang may malaking share sa company o ang possible heir. Pero ba't may posibilidad na hindi si Bryle ang papalit na CEO? Kung sakaling si Marty ang papalit kay Leandro, hindi niya alam na kay Bryle nakapangalan ang kompanya. And it is really impossible na hindi niya malalaman.

Siguro because hindi mausisa si Marty. But how come kung malaman niyang nakapangalan sa biological son ng dad niya ang kompanyang pinapatakbo niya? Gosh! Di ko alam. Sana naman hindi pa dumating sa puntong kasuklaman nila ang isa't isa.

May ideya ako na kay Bryle ipinangalan pero si Marty ang magpapatakbo nito dahil may credibilidad si Marty? Ganun ba yun? Bakit hindi nalang kay Marty ang dito sa States at kay Bryle ang sa Pilipinas?

Then? Pag andito si Marty sa States, magkikita kami? No. That wouldn't happen. Siguro naman hindi papayag si Mr. Marcelo nun. Baka si Bryle ang papalit na CEO at hindi si Marty kaya chill na muna ako ngayon.





Palabas na kami ngayon ng building at nilakad nalang ang kaharap na fastfood chain. Si Leandro ay tuloy parin sa pagsasalita habang ako ay tumatango lang at pilit na sinisink in sa utak lahat ng mga nalaman ko.

Umupo kami sa may malapit na bakante. Pumunta siya sa counter at ako naman ay nagpaiwan. Wala akong maisipang magawa kundi mag open nalang ng facebook. Nawindang ako sa 56 messages na galing sa taong hindi ko naman kilala.

John Drake Vellarde.

Siya yung inaccept ko last time nung nag online ako. Lakas ng topak nito ah.

From John Drake:

*Hey

*You

*Girl

*In

*The

*Mirror

Shit! Ang jeje niya. Kasali ata to sa grupong hypebeast na kumakalat sa pinas eh.



To John Drake:

Sino ka?


Wala na akong kailangan itanong pa kundi yun muna. Tigang! Si Joyce nga walang message eh siya pa na di ko kilala. Tama nga sila, dapat ipaclose ang facebook dahil di na siya useful napaka destructive minsan.

Tumunog ulit yung notification tone ko.

Johm Drake set your nickname to GirlInTheMirror😚

What the?

From John Drake :

Pamysterious lang muna ako. Hulaan mo. Ala Kuya Kib to.




Napailing nalang ako at di ko nalang siya pinasadahan ng pansin. Blinock ko nalang ito at dinilete ang convo. Tsk people nowadays.


"Oh eto." Untag ni Leandro nang bitbit na niya ang pagkain at inilapag ito sa mesa.

"Thanks."

Nagsimula na akong sumubo ng pagkain. Di parin mawala sa isip ko kung sakaling magkikita kami ni Marty dito. Babalik ba ako ng pinas? Napaka unreasonable naman ata nun. Ano nalang ang sasabihin nila mama na palagi ko nalang tinatalikuran ang mga ganitong sitwasyon. I admit, di pa ako handang harapin siya. Pero paano matatapos kung hindi tatapusin.

Malay ko kung papansinin niya pa kaya ako. Kung totoong minahal niya ako at hindi lang dahil sa lintek na dare na yun. I think mahihirapan siya sa ginawa ko. I just shrugged my shoulders at nagpatuloy sa pagkain.




"Thankyou very much Sophia." Untag niya nang makabalik na kami sa building.

"Wala yun. Mauna na pala ako." Tugon ko. Baka kasi hinahanap na ako ni Ate Grace dun at mag-alala na naman yun.

"Uhm. I'll drive you home. Wait I'll just get my car in the garag--

"Nope. You have your work. I can handle myself." Putol ko sa kanya. Ako naman ang kusang pumunta dito kaya ako rin ang kusang aalis.

"Ge Thankyou for the treat!" Tugon ko habang sinimulan nang maglakad at kumakaway sa kanya. May sasabihin pa sana siya pero nakalayo na ako kaya kumaway nalang siya pabalik. Kailangan ko ng meditation. I want the air from the seabreeze. Kaya di muna ako umuwi at tinext nalang muna si Ate Grace na may pupuntahan ako.

Gusto kong mapag-isa kaya pumunta ako sa may boulevard.

Tahimik ang paligid dahil wala masyadong tao. Nakuha ng pansin ko ang isang taong nakasuot ng stitch mascot then the music plays.

Miss you....

All I want is for this love to last forever.

You walked away never came back.

Parang may kumirot sa puso ko nang marinig ang isang kantang nakatugtog sa paligid. Imbes na umiyak ako dahil sa poot na nararamdaman ko ngayon ay nilibang ko nalang ang sarili ko sa mascot na ngayo'y nagsasayaw sa harap ng mga tao.

I miss you...

It's crazy to pretend that I don't think of you.

The more this feeling just seems to grow and grow.

Di ko na napigilan at tuluyan na talagang bumuhos ang luha ko. I really miss him. Kahit paano ko libangin ang sarili ko ay diko parin mawari kung bakit siya parin ang hinahanap hanap ko. Ang tunay na kasiyahan ko.

Ngayo'y bumuhos na ang ulan na para bang nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko. Malakas ito at mahangin pero diko ito inalintana.

I miss you...

Oh how much longer can I hold on to.

Maybe you can come and tell me that...

You miss me too.


Humagulgol na ako ng iyak. Nakaupo ako ngayon sa isang bench na nakaharap sa dagat. Hindi ko pinansin kung may mga tao bang nakatingin saken. All I want is to drift the sadness I felt right now.

Nagulat ako ng may lumapit saken at binigyan ako ng roses.

Mascot. Nakamascot parin siya at nababasa ngayon ng ulan. How I wish na siya tung nasa loob ng mascot nato. Siya yung nagbigay ng roses at sasamahan ako ngayon. How I wish.

Inilahad niya ang kanyang kamay. Kinuha ko naman ito at dahan-dahan niya akong niyakap at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Dun ko binuhos lahat-lahat ng pangungulila ko sa kanya. Marty I really miss you. Sana andito ka nalang.

Humupa na ang ulan at di ko namalayan na mag-isa na pala akong nakatayo dito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Gusto ko siyang pasalamatan pero di ko na siya makita. Sinakripisyo niyang sabayan ako kahit nababasa na siya. Sana  man lang nakilala ko siya bago siya umalis.










Mahal na mahal ko parin nga siya. Pero wala akong magagawa kung sakaling balewala nalang ako sa kanya.

It only just begun to leave.

***************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now