-Kab 25-

102 9 0
                                    

****************

Sophia's P.O.V



Ilang oras na akong mulat at walang planong matulog. Sht! Di ako makatulog sa dami ng nangyari ngayong araw.

Kahit paman bago lang kami nagkita ay todo parin siya sa pagtetext saken. Ako namay napapalundag kapag natatanggap ang reply niya. Halos lahat ng posisyon dito sa kama ay nagawa ko na hanggang tuluyan na talaga akong nahulog, hindi lang sa kama, pati rin sa kanya. Kyaaaah!

Kinabukasan ay maaga akong dumating sa school dahil magpapatulong daw si Joyce sa kanyang opening remarks nextweek. She is the president of the Curricular Clubs ng school.

Nakita ko agad ang bruha na abot tenga ang ngisi. Masaya ata, akala ko pa naman stress siya sa Palaro Week.

Hinigit niya ako at niyakap. Pag ganitong mga sitwasyon alam kong may kagagahan na naman siyang gagawin saken.

Noong lower years pa kasi kami ay niyayakap niya lang ako bigla pagkatapos pala may plano siyang hindi maganda.

Like nung birthday ko, may regalo sa locker, at ang saya ko talaga nun dahil kay Joyce nagmula. And the heck, picture ng conversation nila nung ultimate crush ko nung highschool at sinabi niya dun na patay na patay ako sa hulk na yun. Malaki kasi ang katawan nun pero nga lang habang tumatagal nagiging chaka ang mukha.

And the second time around, pagdating ko sa bahay nila nung birthday niya. Miskan ako dapat yung yayakap sa kanya ay inunahan niya ako. Alam ko na agad ang plano ng bruhang yun. Blinindfold pa niya ako at para talaga ako ang nagbibirthday nun. At sinurprise sa kaibigan niyang pinagkaitan ng tadhana yung mukha. Hindi naman sa pangungutya pero masakit talaga sa mata.



~



"Joyce naman eh! Alam ko na naman yang plano mo. Ano? Sino na naman ba ang ilalakad mo saken? Please naman oh yung may itsura naman sana this time." naiirita kong tugon sa kanya at nagkibit balikat.

"Alam mo na agad? May sensory powers ka siguro no?" binatukan ko siya sa sinabi niya.

"Kilala kita Joyce, may topak ka eh." asta ko at inunahan siya sa paglalakad."Oh ano na? Maaga ako dito para tulungan kita, saan na?" tanong ko sa kanya.

"Natapos ko na pala, akala ko kasi wala pa."

Tss. Sinayang ko pa talaga ang 20 minutes earlier ko than the usual time na pagpasok sa paaralan.

"By the way, free ka this lunch?" dugtong niya. Tumango lang ako habang diretsong nakatitig sa hallway.

"Bakit?" seryoso kong tanong.

"Basta. Sigurado ka bang wala kang gustong ichika saken?" tanong niya na ngayo'y nasa harapan ko na. Anong ibig sabihin niyang ichichika ko? Yung kagabi ba? May idea ba siya tungkol dun eh wala naman akong nabanggit tungkol sa amin ni Marty.

"What do you mean?" seryoso kong tanong.

Tumawa siya ng malakas na nagdahilan ng pagkagulat ng mga tao sa paligid. Pasimple ko siyang hinila palayo doon hanggang makapasok kami sa music room.

"Oh bakit tayo andito bess?" tanong niya na ngayoy nakakunot ang noo.

"So gusto mong mag humiliate don?" nagkibit-balikat siya at humarap saken.

"Ganun ba? Sige na, see you sa lunch time."

Tumakbo na siya at iniwan ako dito sa loob ng music room. Ano namang gagawin ko dito? Tss lumabas na rin ako at pumasok sa first subject.

Umaliwalas agad ng mukha ko ng makita si Marty na naka halukipkip sa upuan niya. Nahagip ako ng kanyang mata pero di niya man lang ako nginitian o pinansin. Lumapit ako sa kanya.

"Goodmorning." umangat ang kanyang ulo at tinignan ako. Umiling lang siya at kinuha ang notebook niya at nagsulat.

Seriously? Di niya ako pinansin? Sht parang may kumirot sa puso ko, at may kung anong uri ng emosyon ang nanlalatay sa buong sistema ko.

Umupo nalang ako sa may huling upuan at nagsulat ng kung ano-ano sa notebook ko. Ba't ako nasasaktan? Dahil ba hindi ko alam kung bakit di niya ako pinapansin? O nasasaktan ako dahil baka ito na yung simula.

Dumating na yung prof. Bawat minuto ko siyang tinitignan pero seryoso lang siyang nakatingin kay prof. Dahil siguro di ko sinagot ang tanong niya kagabi kaya nagkakaganito siya?

"Find your partner for the activity." utas ng prof at nagkagulo ang mga kaklase kong maghanap ng partner. Masaya ko siyang binalingan ng tingin baka sakaling wala pa siya pero kumirot ulit ang puso ko ng makitang may kapartner na siyang nangingisay sa kilig.

Gusto kong umiyak o sumigaw. Naghahalo ang emosyon ko ngayon lalo pa't di ko alam ang dahilan nito. Whole morning session ay di niya ako pinansin. Di narin ako nag-abala pang tumingin sa kanya dahil nasasaktan lang ako.

Lunch break na nauna akong lumabas kesa sa kanya. Tumungo ako sa may kiosk at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Bakit siya ganun? May problema ba siya? Ayoko rin naman siyang tanungin dahil baka ay balewalain niya lang ako.

Nakita ko si Joyce na paparating kaya tumayo ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"At ba't ka naman umiiyak aber?" untag niya ng magkaharap na kami. Kinagat ko ang labi ko para maiba ang mood ko.

"Napuying lang ako." simple kong sagot sa kanya at inunahan siya sa paglalakad.

"Hoy! wag mokong iwan. May pupuntahan tayo." sabi niya mula sa likuran pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

"Puntahan mo nalang mag-isa, wala ako sa mood ngayon."

Suminghap siya.

"Remember the date today?" utas niya at napahinto ako.

It's my birthday today. Kaya ba niya ako niyakap kanina dahil birthday ko? Ngayon ko lang naalala.

"Yea, It's my freakin' birthday."

Naramdaman kong papalapit siya at hinila kaagad ako.

"Kaya nga may pupuntahan tayo eh."

Nagpahila lang ako sa kanya hanggang maabot namin ang hallway patungo sa new building ng school.

Lahat ng estudyanteng nakahilera sa hallway ay nagbigay ng roses saken at letters. They are all wearing a red shirt. Parang alam ko to. Napanood ko na to. Nilagyan niya ako ng blindfold habang inalalayang maglakad.

"Ano no? Anong gimik to?" untag ko. Pero alam kong may surpresa siya.

Hinablot na niya yung blindfold.

Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon at nangisay ang mga tuhod ko. Napahagulgol ako habang minamasdan ang paligid. Nakaluhod na ako ngayon hanggang sa nakita ko ang nag-iisang taong minamahal ko.





****************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now