-Kab 31-

99 7 0
                                    

******************

Marty's P.O.V

Andito ako ngayon sa isang establishment at hinihintay si Kurt dahil meron daw siyang sasabihin. I told him na i chat or itext nalang pero dapat daw sa personal. Gayshit.

Malapit ko nang maubos ang isang shake na kanina ko pa binabarik. It's been 10 minutes na naghintay ako dito.

Kinuha ko yung phone ko para ichat sana si Sophia pero napansin kong papunta na si Kurt sa kinauupuan ko.

"Bro!" sabay taas ng kamay niya para makapag-apir.

"Ano? Anong sasabihin mo? What a gayshit bro! Pupuntahan ko sana si Sophia eh." untag ko ng di pinansin ang nakataas niyang kamay.

Tumikhim siya bago umupo at nagsalita.

"Pa'no na yan? I think napasagot mo na si Sophia how about the da--"

"Stop, Stop it." simple kong sabi.

"What? Di mo itutuloy ang dare ng barkada? Ang langya mo naman. Listen up. We organize everything para makapag communicate kay Grace." namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"What?"

"Yes. Actually they are trying to contact her now." nakaramdam ako ng ibang sensasyon sa buong sistema ko.

"Please, Stop it." wala na akong kailangan pang sabihin and just to stop the dare.

"Dahil ba mahal mo na siya? Ang hina mo pre! Umibig ka sa babaeng yon!" untag niya at halatang galit na siya sa mga oras na to.

"Oo. Ano naman ngayon? Paki niyo?"

"Sht! Parang binaba mo ang sarili mo sa babaeng yon!" umigting ang tenga ko sa sinabi niya. Kinwelyohan ko siya sa sobrang galit ko.

"Don't you ever call her just like anyone. Di mo siya kilala!" utas ko at hinawi niya ang kamay ko.

"We're talking about the dare here. Wag mong sabihin ganon nalang yun, hanep naman oh!" wala na akong pakealam kung ano pa ang sabihin nila.

"Basta forget it." bumuntong hininga siya at umiling.

"Fine. Pumunta ka sa bahay bukas ng umaga sabi ni Dad. Wag kana daw pumasok tomorrow morning at wag munang ichat si Sophia dahil ako na ang magsasabi sa kanya na may importante kang lakad." untag niya at napanganga ako.

"Para sa'n daw?" tanong ko. I Really don't have an idea about this.

"I don't know, but I think it's all about your brother na bibigyan ng daddy mo ng share sa company." umigting ang panga ko sa sinabi niya. Dad is always giving attention sa kaliwa niyang pamilya. I don't even claim them as my family. A gold digger tss.

"What a bullshit!" yun nalang ang naging sagot ko. Mainit na ang dugo ko sa lalaking yun. Simula pa nung lumalapit lapit siya kay Sophia nun sarap sapakin.

"Oh, sige na una na ako." tugon niya sabay tapik sa balikat ko. Ugh! Parang bigla atang sumama ang pakiramdam ko. Naalala pa nila yung dare? And besides naman kung hindi dahil sa dare ay siguro ngang hindi kami nagkakilala ng lubos ni Sophia.



Kinabukasan maaga akong pumunta kina Kurt. Ang daddy ni Kurt at si Daddy ay shareholder's sa same company. Wala akong pakialam sa kung ano ang maging takbo ng kompanya. Wala akong alam tungkol dun. Pero pag nasali na ang pamilya Dela Costa iba ng usapan to.

Nakita ko agad si Tito sa may balcony habang hinihigop ang tasa ng kape.

"Goodmorning tito." yun nalang ang pagbati ko sa kanya.

"Oh Iho andito ka na pala, umupo ka muna." untag niya sabay baba sa isang magazine.

"Yes. Kurt told me yesterday na pinapupunta mo raw ako?" tanong ko at tumango naman siya.

"Oo. We have two things na dapat pag-usapan. First is for your brother and yours and second for the business abroad." utas niya sabay higop ulit sa kape niya. Abroad? Alam kong palagi si daddy sa abroad but how can I deal with it.

"Abroad? That's new. I mean bakit ako? Why not dad." tugon ko.

"Yes. Iho. Your dad had planned na ibibigay ang ibang share sa kapatid mo yung ibang hold ng daddy mo dito sa pinas." tumikhim siya. " And for the abroad, you will be the one who will handle it."

Tamang tama. Sophia planned to take a job abroad. I think it's a better idea.

"Yes Tito."

Pagkatapos nun ay medyo maaga pa kaya naisipan kong pumasok sa school. Napansin kong marami pang tao sa labas kaya hindi muna ako pumasok dahil pala pa ang prof.

Pagpunta ko sa Kiosk napansin ko ang pamilyar na likod ng babae sa may puno. Lumapit ako para surpresahin siya pero nagulat ko ng lumapit si Bryle. Nag-usap sila atsaka hinigit ni Bryle si Sophia.

I think she's crying. Pero bakit? Hindi muna ako lumapit at pinagmasdan lang sila. I should be the one yung andun.

Pumasok sila sa room nung marinig ang bell. Di nalang muna siguro ako papasok.

Pumunta muna akong canteen at nakita sina Allaisa at Kurt na tumingin saken.

"What's with that face?" untag ko sa kanila. Wala silang sinagot saken kundi titig lang.

"Job well done, Marty." untag ni Allaisa at ngumisi. Wala akong ideya sa sinabi niya pero may naramdaman ako. Tumakbo ako palabas ng canteen at pumuntang room. Wala siya dun tanging isang sulat lang ang ibinigay saken ni Bryle. Binuksan ko agad yun.

'Sorry Marty, Di ko kinaya.'

"Shit!" napamura ako habang tumatakbo palabas. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Nilibot ko ang buong school pero wala siya.

"Guard nakit niyong lumabas si Dela Ricca?" tanong ko kay manong guard na ngayo'y nakahandusay sa may duyan.

"Oo Marty, kanina pa yun."

Di na ako nagsalita pa at pumunta sa bahay nila. Walang tao yung bahay nila. Sht! Sophia asan ka!

"Uhmm Iho, bago lang talaga umalis yung may-ari diyan." sabi nung isang manang na napadaan.

"Alam niyo po ba sa'n sila pumunta?"

"Parang matagal pa ata yun babalik, sinundo kasi sila nung papa niya. Nagkabalikan na kasi yung mga magulang niya kaya kinuha na sila." para akong nababaliw sa kakaisip kung saan siya hahanapin.

Wala akong kaideya-ideya kung saan siya hahanapin. Ugh! Please Sophia. Tumunog yung Cellphone ko at may message. Dali ko itong kinuha at naaliwasan ng makita kong sino ang nag message.

From: Cherry Pie ko <3

Hi Marty mahal ko! Sorry kung napakamahina ko. Sorry kung naniwala agad ako. Alam kong hindi kapani-paniwalang mahuhulog ang isang katulad mo sa babaeng tulad ko. Im not tough like any girl na nakilala mo. You know that you are my first love. Kahit na sinasabi nila na hindi tayo bagay at hindi ako karapat-dapat para sayo pero tiniis ko yun dahil totoong mahal na mahal kita. Tho, ito na yung last message ko sayo sana maging masaya kayo king sino man ang totoong mahal mo. Nasaktan ako pero tinanggap ko. Dahil alam ko na may mas isasaya ka pa sa mga bagay na naipakita ko. You'll always be in my heart forever. Mag-ingat ka, Mahal na mahal na mahal kita, Badboy ng buhay ko.

Napahagulgol ako habang binabasa yung message niya. Bakit? May nagawa ba ako? Iiwan niya nalang ba ako kahit di ko alam kung bakit?



**********************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin