-Kab 06-

174 11 0
                                    

************************

Sophia's P.O.V


"WALANGHIYANG MALANDING LALAKI KA! BAKIT KA NAKAHUBAD?!?"

"Bakit Sophia? Nadedestruct ka ata sa katawan ko?" utas niya na ikinamula ng pisngi ko.

Kahit wala akong gusto sa kanya nagbublush talaga ako sa mga sitwasyon na tulad nito.


Di ko naman maitatagong gwapo siya at maganda ang katawan pero yung label niya na playboy? Kahit magka jowa ako ng panget wag lang sa mga playboy na tulad niya.

"We're in school, ano nalang ang sasabihin ni Prof. pag nakita niya tayo dito?" tugon ko sa kanya. Ngumiti ito at lumapit saken.


"Bakit Sophia, natatakot ka bang madagdagan ang consequence natin? Akala ko ba hindi mo'ko uurungan?" Lumapit siya saken. Sobrang lapit.


"Hindi..uhmm.. Lumayo ka nga! Manyak. Shit!"


Tinitigan niya ako bago siya tumalikod at muling kinuha ang walis.


Ugh. Pinagpawisan ata ako ng malamig na tubig neto.


Di ako makapag concentrate sa ginagawa ko. Parang may kung ano saken na gusto siyang tignan na nakahubad. Ghad! Namamanyak na rin ata ako.


Lumingon ako sa kanya. Seryoso parin siyang nagwawalis. Kawawang playboy kung noon babae ang iniwasiwas niya ngayon walis na.


Habang tumatagal lalo ding tumitirik yung init. Para akong nahihilo kaya nagpasilong muna ako sa isang puno ng mangga na maraming bunga.


Habang nakaupo ako dito di ko maiwasang maglaway sa mga manggang naghalandusay sa mga sanga. Talbog ko pa ata ang naglilihi nito.


Tumayo ako at sinubukang batuhin ang yung pungpong ng mangga sa taas ako.


"Oh SHT! Ahh!" napakurap ako kung sino yung sumisigaw.

Hala?!



Natamaan ko ata si Marty sa batong hinagis ko. Dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon niya.


"Ouch ang sakit! Ugh." utas niya habang tinatakpan ang ulo niya. Sinubukan kong kunin yung kamay niya pero hindi niya parin ito tinatanggal sa ulo niya.



"Sorry Marty! Sorry talaga di ko sinasadya" sa sobrang kaba ko niyakap ko siya. Parang tumigil ang mundo ko sa ginawa ko. Pero I think dito lang ako makakabawi sa kanya.


"Ang sakit talaga Sophia, sige pa higpitan mo pa." untas niya na ikinalas ko.


Umatras ako.


"Are you making fun with me?" irita kong tanong sa kanya.


Tumawa siya ng malakas atsaka tumalikod.


Humarap siya ng nakapameywang. Tumambad sa harapan ko ang pawisan niyang katawan na kung may anong mabangong amoy na nanggagaling dito.


"You're stunned."


Nakaramdam ako ng kunting hiya sa sinabi niya. I can't hinder to look over his body. Para itong gintong kumikinang kapag naiinitan.


"Shut up Marty! Napaka arogante mo! I hate you!"


Tumalikod ako sa kanya at nagmartsa palayo. Bakit ko ba nasabing hate ko siya? Baka isipin niyang pinipilit niya akong magustuhan siya.


The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now