-Kab 39-

96 4 0
                                    

***************

Sophia's P.O.V

Basang basa ako pagkauwi ko ng bahay. Hindi yun napansin ni Ate Grace dahil dumiretso ako sa Cr at naligo. Binuksan ko ang pintuan nang maramdaman kong nasa kusina siya. Malapit lang kasi ang kusina at Cr at kailangan kong humingi ng favor sa kanya.

"Ate Grace? Towel please? Bathrobe nalang kung meron ka." Utas ko. I didn't prepare anything after bath. Baka mahalata niyang nagpakabasa ako sa ulan pag nakita niya ako.

"Ngayon ka lang ba dumating? Di ko napansin pagpasok mo ah?" Tanong niya. Nagluluto siya ngayon habang humihigop ng kape.

"Sa likod ako dumaan eh. Towel na po please?"

Umiling lang siya.

"Oh sige, maghintay ka diyan." Umakyat siya sa kwarto ko at paglabas niya bitbit na niya ang isang towel at ang DIARY ko!?

"Ate diary ko yan!" Sigaw ko. Geez! First page palang nun ay may full name na ni Marty na naka doodle. Hindi niya alam na may naging boyfriend ako.

Ngumisi lang siya at akmang buklatin ito. Pero bago pa niya nabuksan nang tuluyan ay nahablot ko yun kahit wala akong saplot. Agad kong kinuha ang towel at pinulupot sa katawan ko.

"Ate naman eh! It's private po!" Natawa lang siya habang nagmartsa pabalik sa kusina. Shiz! Muntikan na yun. Ayoko pa naman malaman ni Ate ang tungkol samin ni Marty. Pero tapos naman din yun pero ayoko parin.

Nagblower ako ngayon ng buhok at tsaka ng apply ng cream sa mukha. Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay biglang sumagi sa isip ko yung lalaking nakasuot ng mascot kanina. Hindi kasi ako makapaniwala sa ginawa niya, maybe it's a part of his job pero may iba akong naramdaman. It gives me a satisfactory comfort at kakaiba ang dating niya saken.


Siguro nga dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay gusto kong may isang nilalang sa mundo ang mag paramdam ulit saken nung mga panahong kasama ko siya. We don't have a relationship that last in a long time. Pero kahit sa mga maikling panahong kasama ko siya ay parang taon na kung bibilangin. It is worth remembering.

Kinuha ko ang phone ko at nakitang may isang message.


Leandro:

Free ka bukas?


                   Yes.

Leandro:

Okay tomorrow at the Cafe. Magkita tayo at exactly 9am:)



Sige:)


Leandro:

Goodnight:)

Same to you:)


Wala akong idea kung bakit gusto niyang makipagkita saken bukas. Magpapatulong na naman ba siya? Uhm baka may sasabihin, ano naman? May pupuntahan? Asan naman?

~

Andito ako ngayon sa Silla's Cafe. Dito kasi yung tinutukoy na cafe ni Leandro na malapit sa company building.


Limang minuto palang ako nakaupo dito at nakita ko na agad siyang paparating. Nagulat ako dahil hindi siya naka business attire at may dala siyang bulaklak. I don't want to mean it pero may napagkahulugan agad ako dito.


"Goodmorning." Untag nito at umupo sa kabilang side ng table. Magkaharap kami ngayon. Nilagay niya ang bulaklak sa gilid niya.

"Uhm. Goodmorning too. Bakit mo nga pala gusto makipagkita saken ngayon? By the way put your flowers here at the table. Nag abala ka pa" untag ko. Iba ang pakiramdam ko. I think bibigyan niya ako ng bulaklak at magcoconfess? Sht di ako handa, mahal ko pa si Marty. Sorry Leandro pero I think di ko matatanggap ang flowers mo.

"I want to ask you a favor again, can I?" Pagseseryoso niya. Favor ba kamo? Ano naman kaya. Magcoconfess ka lang may pa favor ka pang nalalaman.


"Yes sure." Nagka goosebumps ako dahil dun. Myghad di ko alam ang irereact. Baka masaktan siya pag nireject ko? Pero totoo naman eh di ko siya type.


Bumuntong hininga siya at tumingin saken. Geez eto na yun.

"Help me to court a girl." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Shiz! Nanlatay sa buong katawan ko ang sariling kahihiyan. Shunga! Assumera ka kasi akala mo lahat ng lalaki sa mundo ikaw ang gusto eh no.

"Hey? May langaw." Natauhan ako at sinara ang nakabukas kong bibig na kanina pa pala nakabuka habang nakatingin sa kanya.

"Ah...ehh...sorry." Ano ba tong kahihiyang pinasok ko. Dahan dahan kong binaba ang flowers at inilagay sa ulit sa gilid niya. Shiz! Sinabi ko pa talaga kanina sa kanya kung bakit pa siya nag abala na bigyan ako ng bulaklak eh hindi naman pala yun para saken.

"Payag ka?" Tanong niya ulit. Umupo ako ng matuwid at nagbalik sa huwisyo.

"Ofcourse! Sa'n ba?" Kahit na kinain na ako ng kahihiyan ay nagawa ko paring ngumiti at makipag usap ng normal.

"Nasa mall siya ngayon. Just help me to buy some things that the girl wants." Uhmm something fishy here. So ako ang mentor niya? That's interesting.

"Oh sure, tara na?" Tumango lang siya at ngumisi. Sheems yung bulaklak talaga ang kinaiinisan ko sa sarili ko. Bakit ba ang shunga ko?

Bago kami tumungo sa mall na tinutukoy niya ay dumaan muna kami sa isang boutique.

Tinatanong niya kung anong gusto ko, pero di naman para saken. Haays! Lesson learned talaga to. Huwag umasa dahil masakit nga naman talaga kapag nagkataon.


Nang matapos na kaming maglibot sa buong boutique ay tinulungan ko siyang dalhin ang mga paper bags at iba pang plastic bags. Uhmm di pa nga ako na hire pero ginawa na niya agad akong Personal Assistant.

"Thanks for this Sophia." Utas niya ng makasakay na kami sa kotse.

Pasalamat ka lang talaga at napaka friendly ko.


"Huwag muna ngayon, pasalamatan mo'ko pag napasagot mo na siya." Ngumisi siya at tumatango-tango. Baka kasi magpasalamat siya saken tapos basted pala.

Papasok na kami ngayon sa west wing ng mall kung saan si Julianne, yung nililigawan niya. Nakita ko ang ngiti sa mukha niya pero biglang napawi ng makita yung isang babaeng hinalikan ng isang lalaki sa isang salon.

Even me was surprised sa nasaksihan namin. Siya ba yung Julianne? Akala ko ba nililigawan niya dahil walang sabit. Pero ba't meron ata?


"Siya ba si Julianne?" Di siya umimik at nanatili lang sa sa pwesto niya.






Nanginig ako dahil kilala ko ang lalaking humalik kay Julianne. Hinding-hindi ako nagkakamali.



*************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora