-Kab 29-

94 6 0
                                    


Happy Easter Everyone!🐣🕊

*************

Sophia's P.O.V

Minsan kong napapansin sa kanya ang iba't ibang emosyon sa kanyang mukha. Minsan ngumingiti pero alam kong sa kaloob-looban nito ay malungkot, sobrang lungkot. I want to ask him pero baka lang kasi ganyan lang talaga siya. I want to know him more. Kung may sikreto man siyang tinatago saken I want to know it.


Nakita kong masaya silang nag-uusap sa hapag. Si Marty, si mama at si Joyce. Paminsan minsan rin itong tumitingin saken na ngayo'y nagliligpit sa sala.


"Tulungan na kita." nagulat ako dun. Hindi ko kasi napansing lumapit pala siya. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Ang kalungkutan, ang pangungulila.


"Okay lang." bahagya kong binawi sa kanya ang vase pero di sinadya ko itong nabitawan at naihagis dahil sa madulas kong kamay.


"Sorry." dali-dali kong kinuha yung mga bubog ng vase.


"Ughh.." naramdaman kong nasugatan ako.


"Shit!" napamura siya at daling hinubad ang sando niya at nilagay ito sa kamay ko upang matakpan ang sugat kong nagdudugo.


"Mart--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang nilagay ang index finger niya sa kamay ko.

Nakita kong andito narin si Mama at si Joyce.


"Omhyyghad bes! sabi nila malas daw ang makabasag kapag birthday, may hindi magandang mangyayari!" natatarantang putak ni Joyce na dali namang binatukan ni Mama.


"Tumahimik ka nga! di ka nakakatulong eh." utas ni mama sa kanya. Para lang talaga silang magkaibigan din.


"Oh Phyaang anak? Anong nangyari?" seryosong tanong ni mama.

"Ah--


"Nadulas lang po sa kamay niya tita, pero okay nato. Ako nalang maglalagay ng bandage." inalalayan niya akong tumayo at iginaya patungo sa kwarto ko.


"Gamutin mo lang ha! Gamot lang!" sigaw ni Joyce. Nako tung bruhang to may kasalanan pa to saken eh.


Pumasok kami sa kwarto at tinuro kung nasan yung first-aid kit.


"Okay ka lang ba?" tanong niya saken habang nilalagyan ng betadine ang sugat ko.


Suminghap lang ako at tinignan siya sa mata.


"Ako, okay lang ako. Pero Ikaw okay ka lang ba talaga?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya.


"Bakit ako ngayon ang tinatanong mo? Eh ikaw naman tung nasugatan." seryoso siyang nakatingin saken na may pag-aalala sa kanyang mga mata.


"Ang sugat sa kalooban ay mas masakit sa sugat na pisikal." namilog ang mata niya at hindi siya nakapagsalita.


"Marty, admit it. May problema ka ba? You can tell me." yumuko siya at tumabi sa kama.

"What do you mean? Wala naman---" di niya natapos ang sanang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya. I want to heal those wounds inside of him. He responded and deeply moaning.

Inilayo ko sa kanya ang mukha ko. Mukhang nagulat ko siya. Kung hindi niya ako maintindihan mas lalong di ko siya maintindihan.

"Tell me." untag ko.

"It's nothing Sophia, wala akong problema. Now you're here and Im happy." tumango lang ako at humiga sa kama.

"Goodnight." simpleng utas ko.

Lumapit siya saken at hinalikan sa noo.

"Goodnight, magpahinga ka na. I love you."


Di ko siya pinasadahan ng tingin at narinig nalang ang pagsirado ng pinto. Wala sa sarili kong inilabas ang mga maiinit na likido sa mata ko. Di ko alam kung bakit ako ang nasasaktan. Para kasing pakiramdam ko ay panakip butas lang ako. Does he truly love me? Dahil para saken Oo, mahal niya ako. Pero may bumubulong saken na parang may kulang.




~



Two weeks after ay ganun parin. Parang nagpapanggap na masaya sa mata ng mga tao. It's Christmas Eve at sabi niya dito siya magpapasko. Masaya din naman akong makasama siya tulad ng mga ganitong mga espesyal na araw ng taon sa buhay ko.


"Merry Christmas Cherry Pie ko." di ko napansin na andito na pala siya. Nakasuot siya ngayon ng formal. Poloshirt and Jeans habang ako ay naka red floral dress na above the knee.


"Merry Christmas Cupcake ko." hinalikan niya ako pero smack lang. Natatawa lang din kami dahil baka makita ni mama.


"How about your dad? May kasama ba siya dun?" tanong ko. Inurong niya yung dalawang upuan sa mesa at inalalayan akong maupo.


"He's out of country ngayon. Magcecelebrate lang daw kami pagdating niya." tumango lang ako.


"Sa'n si Mama?" tanong niya at kinurot ang tagiliran niya."Tita I mean." dugtong niya at natatawa pa.


"Nasa simbahan pa, naiwan lang ako dito dahil walang ibang maghahanda ." tugon ko.


Bigla namang umaliwalas ang kanyang mukha.


"So, tayong dalawa lang ang andito?" muwestra niya at ngumiti ng nakakaloko. Kahit naman magpa as if ako na hindi ko naintindihan ang pinapahulugan niya eh alam ko naman talagang ano yun.


Binatukan ko siya at tumawa ng malakas.


"Shut up."


Tumawa rin siya.


"Sa New year na nga lang." untag niya at binatukan ko ulit. Haays umiiral parin talaga ang pagka manyak niya sa di inaasahang mga oras.


Pagkatapos ng Noche Buena ay naisipan naming pumunta sa may veranda sa taas.


Kinuha niya yung gitarang nakasabit sa gilid at tumabi sa gilid ko.


"Anong gusto mong kantahin ko para sayo?" tanong niya na ngayo'y nakaharap saken.

"It's up to you."



He started to strum the guitar.


Anywhere you are, I am near

Anywhere you go, I'll be there

Anytime you whisper my name, you'll see

Ang sarap pakinggan ng bawat hibla ng kanyang boses. Every words of the lyrics are clearly said. Hindi nakakasawang pakinggan.


What are words

If you really don't mean them

When you say them.

Ngayo'y nakapilig ang aking ulo sa balikat niya. Habang isinasapuso ang bawat lyrics ng kanta. Hindi lang ordinaryo para saken ang boses niya. It was very good to hear. Ibinaba na niya yung gitara at humarap saken.

"You are the most valuable thing I ever received in the whole christmas of my life. The most precious person who gave the true meaning and the purpose of living here." tugon niya.



"And my life, was merely untinted until you came. The Jerk, the pervert and the cold-hearted guy once being part of my life." utas ko at nangilid ang mga luha niya. Pusong bato pero may pusong mamon.


*****************

End.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now