-Kab 28-

109 7 0
                                    

***************

Sophia's P.O.V

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. This Jerk is smiling at me and the f*ck narinig niya yung mga sinabi ko. Kaya pala hindi man lang siya nagpaalam saken kanina dahil may plano siyang sumunod at pumasok sa bahay namin. Paano nalang kung andito si mama? Di maiihaw siya ng maaga.


"Bakit ka andito? Ba't--" pinutol niya yung sana'y sasabihin ko. Tumayo siya at nakapameywang habang pahakbang papunta saken.


"What do you think? Na aalis nalang ako basta? Magcecelebrate tayo dito. Double Celebration, masaya to!" abot tenga ang ngiti niya habang sinabi yun.


Kahit paman iniba niya yung tungkol kanina ay nakaramdam parin ako ng kahihiyan sa buong sistema ko.



"Wha--ah..Di pwede pa'no kung makita ka ni mama dito? A-anong sasabihin nun?" utal kong sambit sa kanya habang siya ay nakahalukipkip sa harapan ko at para bang hindi narinig ang pinagsasabi ko.



"Asan ba si mama?" untag niya. Hinagisan ko siya ng isang basahan pero not totally madumi at basa.


Gusto kong matawa sa inis o sumabog sa galit. Anong mas magandang gamitin? Ang mainis? o matawa? shocks! pati ba naman ito ay dapat pagplanohan? Gaga this girl to the max.


"Oh? Ba't ka nagagalit? birthday na birthday mo at nagkakaganyan ka? Diba dapat masaya ka? Your boyfriend is here! Celebrating with you isn't it sweet?" utas niya na ngayo'y palapit na nang papalapit saken.



Ako nama'y todo atras na animo'y natatakot mahalikan ng isang lalaking makisig at malakas ang sex appeal na kapag kasama mo ay isusumpa ka ng mga tao sa paligid.



"Nababaliw ka na ba?! Hindi alam ni mama ang tungkol dito. Gosh! patay ako neto." natataranta na ako dahil baka sa mga oras nato ay dadating si mama baka akalain niyang nagdadala ako ng lalaki dito. Shocks! Im not that kind of girl.



"It's better like, getting to know each other, diba mas better yung wala tayong tinatago sa mga magulang natin?" utas niya. HECK! di niya kilala si mama baka mabuhusan siya ng mainit na tubig Ghad! It can't be.


"Listen, alam ko. Pero siguro hindi ngayon. Hindi ko pa naipapaliwanag sa kanya. Pa'no kung malaman to ng ate ko. Baka hindi niya ako papupuntahin sa state--" pinutol niya ako.


"Pupunta kang States?" medyo nabasag ang boses niya at nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Tumango lang ako.

"Pa'no tayo Sophia? sht! Diko maisip kung kakayanin ko." utas niya. Grabe naman to. May 6months pa bago kami gagraduate ng college. Hi-tech narin naman ngayon. May videocall o messenger pero nung naisip ko yun ngayon parang di ko rin ata kaya.

"Uuwi din naman agad ako pag nakalugar ako At isa pa di rin naman sigurado kung matutuloy ako." bumalik siya sa pagkakaupo sa couch. Sana nga lang hindi pa makakarating si mama kundi tibog kami dalawa dito.

"You'll leave me?" parang nabasag ang boses niya. I've heard na sa states din daw pumunta yung ex niya at Grace din daw ang pangalan it was mere a coincidence.

"Marty, Sayang din naman kasi ang oppurtunity dun. At isa pa, di ka ba masaya na may maganda akong trabaho dun balang araw?" tugon ko sa kanya. Bahagya siyang yumuko at umiling.

"Masaya? Sa tingin mo makukuha ko pang maging masaya? Kung sa bawat oras na wala ka ay palagi nalang akong mangungulila Sophia. Kahit malayo pa yung araw na yun para hindi ko kaya. Naiisip ko kung pa'no nalang pag di ka na babalik? Pa'no kung katulad ka din niya na iiwan ako? Ano pang silbi ko dito sa mundong to Sophia?"

Parang biglang may tinik sa puso ko ng marinig yung mga salitang sinabi niya. He's indeed wounded.

I hugged him mula sa likuran. Hinawakan niya ang kamay ko just to be with him tightly. I want to stay for him, it's a sacrifice.


"Pangako, mananatili ako. Hinding hindi kita iiwan." untag ko habang dahan-dahan niya inilapit ang mukha niya saken. I closed my eyes and then...


"Jusmiyo! Anong ginagawa ninyo?" nagulat ako. Habang si Marty ay nakangisi. Napalundag kaming dalawa at ngayo'y nakaharap kay mama.

"Huli tayo." bulong niya na para bang hindi siya kinakabahan o nagulat man lang.

Tumayo siya at nagmano kay mama. Wth? Di galit si mama? Di man lang siya nagtanong kung sino to?

"Iho, tulungan mokong buhatin yung pinamili ko labas." namilog ng mata ko. Ako lang ba ang walang alam dito? Nagkakilala na sila? Kaya pala chill na chill lang yung mokong na yun. Pero pa'no?

"Opo Tita." sinundan ko ng tingin si Marty hanggang makalabas siya ng bahay. Nakatayo parin ko at walang imik hanggang pagpasok nito ulit.

Napansin kong papalapit si mama kaya umatras ako.

"Anak tulungan mo yung boyfriend mo. Magluluto tayo." nagulat ako sa kanya. ALAM NIYA!? Sht that guy alam na agad ni mama?

Bahagyang inilapit ni mama ang bibig niya sa tenga ko.

"Gwapo pala ng boyfriend mo anak, mabait pa. Di na kailangang kilatisin. Huwag kang mag-alala sa ate mo. Ako ang bahala dun." tumango ako ng wala sa huwisyo.

Hinila ko si Marty sa may kusina.

"Ano to? Bakit? Pa'no?"untag ko pero tumawa lang siya.

Sinapak ko siya at kinurot ang kanyang tagiliran. Umawang-awang pa siya kahit di ko naman talaga nakurot yun dahil sa tikas nito.

"Kwento ko sayo mamaya. Let's cook! MASARAP AKO, magluto." pagmamayabang niya. Napa facepalm nalang ako at umakyat sa kwarto para magbihis. Di ko parin maisip kung paano niya nakumbinsi si Mama. May naisip ako.

To Joyce:

Hoy punta ka sa bahay dali!

From Joyce:
Bakit na naman ba? It's your moment

Moment? Alam niyang andito si Marty? O talagang alam niyang pupunta si Marty. May pakiramdam ako sa babaeng to.

To Joyce:

Pinapapupunta ka ni mama dali!

Sa sobrang close nila mama ay minsay pinagtutulungan nila ako kaya di malayong kunchabo silang dalawa.

From Joyce:

Okay Fine


Bumaba na ako. Nakasuot ako ngayon ng fitted white sleeveless at denim short.

Pagkalabas ko ay aktong nahagip ng tingin ko si Marty na ngayo'y nakabihis na din.

White sando na bakat ang muscles niya at regatta shorts na gray na above the knee. Ugh! Parang diyos ang boypren ko bes!

"Oh cherry pie? Tulungan mo na ako dito oh." gusto kong umangal sa tinawag niya saken pero naalala ko na yun pala yung sinabi ko sa kanya na magiging callsign namin.

"Coming Cupcake!" natatawa talaga ako. Ngayo'y nakatingin siya saken and stunned.


"You're so beautiful." biglang kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Nangunot ang noo niya habang nakatitig sa sleeveless na suot ko.


"Bakit?" tanong ko.

Umiling siya.

"Wala lang may naalala lang ako. Bagay sayo ang suot mo."

Napangisi ako.

"Sa ate ko tong damit na to."

****************

End.


The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now