-Kab 18-

109 8 0
                                    

***********

Sophia's P.O.V

Bahagya ko siyang itinulak nang magkaroon na ako ng lakas. Hinubad ko ang heels ko at patakbong bumalik sa Gym.

Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay natapilo ako at bumagsak sa sahig. Narinig ko ang mura ni Marty at ang mabilis niyang hakbang papunta saken. Pero bago paman siya nakarating ay may humawak na agad sa kamay ko at pinatayo ako.

"Thanks." untag ko. May sasabihin pa sana si Bryle pero diretso lang ako hanggang umabot ako sa Cr. Pumasok ako sa isang cubicle at biglang bumadya ang pagbagsak ng mga luha ko. Alam kong mali yun besides di'ko yun ginusto pero bakit ganun? Bakit hinayaan lang ako ng tadhana na umabot sa ganun?

Rinig ko ang mga babaeng nagtawanan bago pumasok sa Cr. Ang grupo ni Allaisa at ang mga alipores niya.

"See? walang nagawa si Sophia diba. Akala niya siguro na papayagan kong sila ni Marty ang magiging partner sa prom. No way!" rinig na rinig ko ang pag bulalas ni Allaisa. Ako yung laman ng usapan nila.

"Hindi tumutol si Marty na pinalitan ang partner niya kasi nga hindi talaga siya inlove kay Sophia. Kasi dahil ito sa dare ng barkada niya."

Hindi ko alam kong bakit iba ang pangangahulugan ko sa narinig ko. Anong dare? At anong kinalaman nito sa akin at kay Marty?

"Yes. The Dare, gusto niya yung makuha mula sa barkada niya. I know the whole detail." ani Allaisa. Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila pero lumabas na sila.

Sobra akong naguluhan sa pinag-uusapan nila. Gusto ko tanungin ang bawat isa sa kanila tungkol dito. Natatakot ako na ako yung tinutukoy nila na dare ni Marty. Eto ba yung panliligaw niya?




~

Hindi ko na hinintay pang matapos ang party kaya umuwi na ako. Bahagya kong tinilapon ang katawan ko sa kama. I want the whole details. Baka lang kasi ay na mis-interprete ko lang ito.

Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang wallet na may lamang isang litrato. Nakuha ko ito sa locker ko nung araw na na'kay Marty ang diary at album ko.

May isang quote na nakalagay.

Just give it to me, please and Im sorry.

Yun lang ang tanging nakalagay sa likod ng picture ko. Hindi ko alam kung sino ang sumulat nito pero may hinala ako. On that day nawala ang diary at album ko at kinabukasan nangyari ang pagpapahiya ni Marty saken at nang araw ding yun ay nakita ko ang litratong to na galing sa album na nakadikit sa gilid ng locker ko at may nakasulat na rito.

Hindi kaya si Marty ang sumulat nito? Pero hindi niya to sulat kamay at alam ko yun dahil siya yung nagsulat sa report namin nun.


Naguguluhan ako. Hindi ako makatulog at inisa isa ang mga pangyayari. May kaugnayan kaya to sa sinasabi nilang dare? Pero paano at bakit?



Magdamag akong nag-isip hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Kinabukasan maaga akong pumunta sa paaralan kahit na alam kong may nangyari samin ni Marty kagabi *kiss*. Hindi yun big deal sa kanya pero saken malaking bagay yun lalo na ngayong may nalaman ako.

Nakita ko si Joyce na papasok sa paaralan hinila ko ang bag niya at pati siya.

"Oh? Bakit?" tanong niya. Pero di'ko siya sinagot at hinila pa siya hanggang nakarating kami sa kiosk.

"Anong nangyari kagabi? Okay ba? Yiee." di ko yun binalingan ng pansin at seryosong tumingin sa kanya.

"I have a plan." untag ko.

Nangunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin. Naghihintay siya sa sasabihin ko.

Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat ng hinala ko kahit paman hindi pa ako sigurado. I can't do it by myself kailangan ko ang tulong niya at sana naman ay makakatulong siya.

"So anong plano mo?" medyo lutang din siya dahil sinabi ko lahat pati yung kagabi.

"Can you do me a favor? Please?" seryoso lang siyang nakatitig saken at hinintay ang susunod kong sasabihin.

"Flirt with one of Marty's friend." laglag ang panga niya sa sinabi ko na parang hindi siya makapaniwala.

"What? Baliw ka na ba? At bakit ko naman gagawin yun?" kahit ako ay naguguluhan sa hahakbangin kong to pero ito lang ang tanging paraang naisipan ko para malaman ang plano nila Marty.

"Please. Alam kong nakuha mo yung point ko." may pagdadalawang isip siyang naramdaman. Alam ko dahil nakikita ko sa kanya.

"I'll try." yun lang naging sagot niya at naunang maglakad. Hindi kami magkaklase ngayon kaya naglakad na rin ako papuntang classroom.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko kaklase si Marty sa subject na yun. Pero sa next subject ay alam na alam kong magkaklase kami.

Pagkapasok ko sa next class ay nagulat ako dahil andun si Bryle at bahagyang nakangisi habang nakatitig saken. Ginantihan ko lang siya ng ngiti at umupo sa may bandang likurang bakante na wala medyong nakaupo.

Umurong yung upuan niya papunta saken at tumabi.

"Hi. Okay ka lang ba kagabi?" tanong niya. Wala sana akong ganang makipag usap pero alangan namang tanggihan ko siya.

"Okay lang naman ako." tipid kong sagot. Ilang sandali pa'y dumating na yung prof namin. Akala koy babalik siya sa inupuan niya kanina pero nagkamali ako. Plano niyang tumabi saken.

Nagtanong ulit siya kaya natauhan ako.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Hindi ba namamaga ang paa mo?" ang kulit naman ng cute na to sabi ko nang okay lang ako eh.

"Yes. Okay lang talaga."

Nagsulat si Prof sa board kaya tahimik lang ang lahat ng may biglang kumatok sa may pinto.

"Goodmorning Everyone, Im late again." untag niya at nag peace sign. Yumuko agad ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Mukhang nagulat ko ata tung katabi ko sa inasta ko.

"Nag away ba kayo? Napansin ko lang kasi, kagabi pa." tanong niyang mariin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil baka pag sinabi kong Oo may follow up questions pa kaya umiling nalang ako. Hindi naman talaga kami nag-away pero ako lang yata yung may frustrations dito.

"Good Couple." rinig kong boses mula sa likuran. Sht!

**************

End









The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now