-Kab 05-

185 11 0
                                    


Dedicated to @ateng_cute16

**********

SOPHIA'S P.O.V.

Maaga akong pumasok sa school kahit alam kong maglilinis lang kami dalawa ni Marty. Ewan ko ba eh parang excited ata ako. Iba kasi yung ambiance ng nagbabago yung ugali mo and yourself bringing into your life na parang ginaganahan ka rin. Ewan ko ba.

Pagdating ko sa school nilibot ko ang mata ko nagbabasakaling makita ko si Marty o si Joyce man lang. Sa likod daw kasi kami ng building maglilinis and I'm sure mainit dun baka may dalang jacket si Joyce, ngayon ko lang din kasi naisip yun.

"Oy pre, eto na pala si Ms. Ganda oh yung nagkakagusto kay Marty."

Napalingon ako sa likuran ko. Isang lalaking may pitong kumikinang na bagay sa may tenga at may tattoo sa may braso. Eh adik pala to eh.

Tss.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dumaan mismo sa gitna ng mga lalaking todo chismis. Pati rin pala mga lalaki ngayon ay nakikichismis narin? Ano to new evolution?

Inirapan ko silang lahat habang malagkit na nakatitig saken. Syempre maganda rin naman ako hindi nga lang yung tipong fashonista pero keri narin pang magazine cover. Ansabee?

Habang naglalakad kita ko ang mukha ni Joyce na todo ngiti.

Ano na naman kayang balitang dala nitong bruhang to.

"Oh ano? Anong ngiti na naman yan?" untag ko sa kanya ng kinalabit niya ang kamay ko.

"I have surprise beh." suminghap siya."Pero mamaya ko na sasabihin."

"Ano na naman yan? Prank na naman ba? Aysus--" di niya ako pinatapos.

"Ikakalundag to ng puso mo sigurado ako." kutya niya saken.

Gagawa siya ng paraan para madate ko si Bryle? Sana nga ganon. Ako naman tung napaka assuming.

"Sus tigilan mo'ko Joyce, by the way nakita mo ba s--"

"Bryle"? putol niya saken.

"Gaga! Si Marty, syempre maglalaro kami diba? Este maglilinis pala." nangunot ang noo niya." Sige na baka malate ka pa."

"Talaga lang Soph ha. Kinacareer mo na talaga ang pagka badgirl mo bes."

"Pumunta ka na nga lang dun. Umeechos ka pa dito." umirap siya habang pasimpleng tinutulak palayo.

"Siguraduhing mong mahuhulog si Marty sayo, dun panalo kana."

Lumingon siya bago kumaripas ng takbo palayo.

What the heck? Pero minsan ko rin naman yung naisip. Pero hindi eh gusto ko lang naman maghiganti and to fall for me? Hindi naman ako yung tipong sakto sa standards niya at hindi pa nga siguro yun nagmahal ng seryoso, ang sa kanya lang isang gabi tapos na. Parang wala lang nangyari another girl, another taste at ano new beginning? Ganon lang parang naglalaro lang. Di pwede saken yung ganon.

Ganun ba talaga pag playboy? Kinabukasan parang wala lang sa kanila yung mga pinanggagawa nila sa mga babae? We are not toys, pero di ko naman madiktahan lahat ng babae dito na lumayo sa kanila, yung iba nga ginaganahan pa. Nasaan na yung mga maria clara kuno ng Pilipinas. Iilan nalang ata kami tss.

"Oh Ms. Dela Ricca wala ka bang pasok ngayon?" tugon ni Teacher Jess mula sa likuran ko. She's our gorg teacher dito sa University. Tinatanong nga namin kung bakit siya nag teacher eh pak naman siya pagka model.

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now