Chapter 1: After 1 year

3.7K 60 3
                                    

Chapter 1: After 1 year

Kylie's POV

After 1 year

"Magkita tayo sa resto ng 12PM."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko nang nabasa ko ang text ni Brylle. Sa wakas! Magkikita na rin kami. Miss na miss ko na siya eh.

Ilang days din siyang hindi nag paramdam. Hindi siya nag te-text, tumatawag o nagpapakita sakin. Pero bago ang mga hindi niya pagpaparamdam ay nasabi niya sa akin na may a-asikasuhin muna siya. Hindi ko na tinanong kung ano yun, dahil may tiwala ako sa kaniya.

Nagsuot lang ako ng simpleng white v-neck shirt at pantalon. Kinuha ko ang bag ko mula sa aking table at saka lumabas ng aking kwarto.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Ate Nick.

"Ma'am Kylie, saan po kayo pu-punta?" Tanong niya sa akin.

Agad ko naman siyang nginitian at nilapitan. Tinapik ko ang balikat niya at saka nagsalita..

"Ate, please drop the "ma'am" and "po" okay?" Pakiki usap ko sa kaniya.

Sa totoo lang, kahit paulit ulit kong sabihin 'yon sa kaniya ay hindi niya maiwasan ang tawagin akong 'ma'am" at gumamit ng 'po" at "opo".

"Eh, Ma'am.. kayo po kasi ang Boss dito."

"Boss?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Opo."

"We are family here, Ate Nick. And you are my Ate. Okay? Walang mataas at mababa dito." Nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Thank you Kylie." Nahihiya niyang pasasalamat sa akin.

Napangiti naman ako at saka nag pa alam na.

"Ate, magkikita lang pala kami ni Brylle sa resto."

Napatango naman siya at a-alis na sana ako nang bigla niya akong tinawag.

"M-ma'am--- A-ay, sorry.. Kylie.."

See? Hindi talaga sila sanay.

"U-uhm..Pwede ko na bang makuha ang sweldo ko ng maaga? Kailangan na kasi ng pamilya ko." Sabi niya sa akin habang nakayuko.

Napangiti naman ako. Nahihiya pa siya sa akin.

"Walang problema Ate." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Kinuha ko ang wallet ko mula sa aking bag at ibinigay ang sahod niya. Actually, dinadagdagan ko pa 'yon. Alam ko kasi ang buhay ni Ate Nick. Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya, kaya naman hirap na hirap siya. 23 pa lang si Ate Nick.

Agad naman niya itong kinuha pero nakayuko pa rin siya.

Nang makita niya ang pera ay nanlaki ang mga mata niya.

"A-ang laki nito.. s-sigurado ka? B-baka magalit ang mommy mo.."

"No, Ate. She will understand."

Napangiti naman siya sa sinabi ko at agad akong niyakap.

"The best ka talaga Kylie!" Sabi niya sakin habang yakap yakap ako.

Hinagod ko naman ang likod niya.

"Anything for you and for your family. Basta gawin mo lang ang obligations mo dito sa bahay and don't forget to take care of manang okay?" Pagpa-paalala ko sa kaniya.

"Opo.. maraming salamat!"

Pagkasabi niya nuon ay ngumiti na lang ako. Hindi ko na cinorrect ang pagkakasabi niya ng "opo" dahil mukhang di talaga siya sanay.

Lumabas ako sa aming bahay at pumunta sa aking kotse.

Yep! My own car.

Unexpectedly eto ang birthday gift sa akin ni Daddy noong nakaraang taon. Noong una, ayaw pa ni mommy na mag drive ako mag isa baka dahil raw mapahamak ako. Pero dahil sa sinabi ni Brylle na tu-turuan niya ako, pumayag na si mommy. Basta daw ay si Brylle ang malalagot kapag napahamak ako.

Napailing nalang ako. Na mi-miss ko ang kasungitan ni Mommy at ang ka sweetan ni Daddy. Umuwi agad sila ng U.S pagkatapos ng birthday ko. Dahil mayroon pa daw silang a-asikasuhin doon. I understand naman, dahil para sa akin din ang mga ginagawa nila.

Habang nag dri-drive ako ay nagpapatugtog ako sa aking kotse. Excited na ko na makita ulit si Brylle.

Nang makarating ako sa resto, ay nilingon lingon ko muna ang labas. Baka kasi hindi pa siya pumapasok. Pero nang hindi ko siya nakita sa labas, ay agad akong pumasok sa loob.

And here he is!

Kahit na nakatalikod siya ay nakilala ko agad siya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ganito pa rin ang epekto niya sa akin, kahit medyo matagal na kaming nagkasama.

Tumakbo ako pa-palapit sa kaniya na mayroong isang malawak na ngiti.

Niyakap ko siya at hinalikan si pisngi.

"Hey, Brylle! Miss na miss na kita." Sabi ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko. At nakaramdaman ko ang panginginig at panlalamig nito

"I miss you too, Kylie." Tugon niya.

"Bakit nanginginig at ang lamig ng kamay mo?" Nakanuot kong tanong sa kaniya.

"Ah, w-wala. M-malamig lang dito."

Tumango nalang ako at ngumiti. Pumunta kami sa isang table at umupo kami doon.

Tinignan ko siya ng mabuti. Parang may problema siya na hindi niya masabi sakin.

"Brylle, anong problema?" Tanong ko sa kaniya.

Agad naman siyang nag iwas ng tingin sa akin at lumunok muna siya ng ilang beses bago magsalita.

"Wala." Malamig niyang tugon sakin.

"Ano nga?"

"Wala nga."

"Brylle, alam kong---

"WALA NGA SABI EH!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya. Sa tagal naming magkasama ay ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito.

"Sinabi ko na nga kasing wala, ang kulit mo pa."

"Brylle, ano bang nangyayari sa'yo? Ilang araw lang tayo di nagkasama at nagkausap naging ganyan ka na."

Hindi siya nagsalita.

"Brylle..." tawag ko sa kaniya.

"Kylie, umorder ka na."

"No, Brylle. Anong problema?" Tanong ko ulit sa kaniya. Wala na akong pakialam kung para akong tanga na tanong ng tanong sa kaniya kung anong problema kasi kahit na sabihin niyang wala, ramdam ko na meron.

"B-brylle..." naluluha kong tawag sa kaniya. Hindi ko kaya na ganito siya sa akin. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko na dahilan kung bakit siya ganito ngayon.

"B-brylle, m-may nagawa b-ba ako?"

Hindi siya umimik.

"B-brylle, a-ano ba kasi 'yun? Mahirap manghula.. brylle.."

Hindi pa rin siya umiimik.

At may biglang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung tama bang itanong sa kaniya 'to pero ito nalang 'yung tanging pwede kong itanong sa kaniya.

"B-brylle....

m-may iba na ba?"

Nakita ko ang pag ayos niya ng pag upo at tumingin sa malayo.

"B-brylle.."

"B-brylle s-sagutin mo naman ako o-oh.."

"B-brylle h-huwag naman ganito pls--

"Oo, Kylie. May iba na ko."

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now