Chapter 19: It's not working

1.3K 40 1
                                    

Chapter 19: It's not working

Kylie's POV

Eto na ang araw ng pag e-endorse namin ng mga products.

Tumingin ako sa salamin naka bikini ako ngayon.

Ako pa lang ang nakakakita sa sarili ko ay hiyang-hiya na ako, paano pa kaya kung maraming tao?

Hindi naman sa pangit ang katawan ko. Actually I get the perfect curve. Pero, hindi talaga ako sanay na nakaganito ako.

Napasinghap ako.

Nasa banyo pa si Blake at naliligo.

Sinuot ko muna ang maikling short ko, at nagsuot ako ng malaking t-shirt na white. Siguro ay doon ko nalang 'to hu-hubarin, kapag nag shooting na.

Wala pa akong make-up at hindi pa naaayos ang buhok ko. Sabi naman ni Blake ay may make-up artist naman daw na mag a-ayos sa amin. Mabuti nga kung ganoon. Dahil wala akong alam sa pag aayos. Simple lang ako. 'Yon ang bagay na hindi nagbabago sa'kin.

"I'm done!" Napatingin ako sa nagsalita na si Blake.

Lumabas siya ng half naked. Naka short lang siya at walang t-shirt.

Napalunok ako ng nakita ko ang abs niya! May abs pala ang lalaking 'to!

"Oh.. 'wag ka naman ganyan makatingin. Baka matunaw ako n'yan." Nakangising sabi niya sa'kin.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Nakakainis talaga ang lalaking 'to!

"Tara na nga! Hinihintay na tayo roon!" Sigaw ko sa kaniya at kinuha ang maliit na bag ko.

Natawa naman siya. Agad siyang nagsuot ng t-shirt at sumunod na sa'kin.

Bumaba kami para makarating na roon sa beach.

"Mr. Jefferson and Ms. Mendoza! Dito po kayo." Tawag sa amin nung bakla ata? Siya siguro ang kinuha ni Blake para mag asikaso sa amin.

Pina upo kami sa bangko. Magkatabi kami.

Natanaw ko ang dagat. Napakaganda nito. Hay, maganda siguro kung makikita namin ang sunset dito mamaya. Tanghali pa kasi eh.

May naalala ako sa sunset.

Napapikit ako.

"Kylie, sa tingin mo.. paano naging maganda ang sunset kung ito naman ay sumisimbolo sa wakas?"

"Hmmm.."

"Dahil, hindi lahat ng wakas ay puro pangit? Pwede rin itong maging maganda?"

"Exactly."

Honestly, hindi ko pa napapatunayan ang bagay na 'yon. Paano magiging maganda ang wakas, kung wakas na nga ito? We are all scared of ending. Pero, sana.. one day.. mapatunayan ko na hindi lahat ng wakas ay pangit.

"Kylie?" Tawag sa'kin ni Blake.

Agad akong napadilat at tumingin sa kaniya.

"Yes?"

"Loving the view?" Nakangiting tanong niya sa'kin.

Napatingin ako sa dagat. Napangiti ako. I don't know but sea makes me calm.

"Yeah." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Oh guys! Ready na tayo! I ready niyo na ang mga bagay-bagay for the photo shoot! A-ayusan na rin sila Sir Blake at Ma'am Kylie! Go go!" Sigaw nung bakla.

Agad silang nag trabaho. At agad din nila kaming inayusan.

Nilagyan ako ng make-up nung babae. At 'yong bakla naman ay inayos ang buhok ko. Inistraight niya pa lalo ang buhok ko.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now