Chapter 20: Job well done

1.3K 32 3
                                    

Chapter 20: Job well done

Kylie's POV

Nakasimangot na ako habang nakaupo rito. Katabi ko si Blake.

"Break time muna tayo!" Sigaw nung bakla.

Hay salamat naman! Naka ilang shot na kami pero hindi pa rin namin nakukuha 'yong gusto nung photographer. Ano ba kasing gusto nya? 'Yong nag aanuhan na kaming dalawa rito? Napaka awkward na nga nung suot namin pati pa 'yong mga pinapagawa!

"Mr. Jefferson at Ms. Mendoza. Pwede ko ba kayong makausap?" Narinig kong tanong nung photographer.

Napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ko po alam kung ano 'yong gusto niyo, ginawa ko na po lahat." Mahinahon kong sabi sa kaniya.

"Ms. Mendoza, ang gusto ko po ay 'yong NATURAL. Sobrang naiilang po kayo sa isa't isa at kitang-kita 'yon sa mga pictures niyo."

Napasinghap ako.

"Bakit po ba kayo naiilang sa isa't isa? May problema ba kayong dalawa?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ni Blake.

"Kung wala, eh bakit kayo naiilang? May gusto ba kayo sa isa't isa?"

"Wala!" Sigaw ni Blake.

"Of course not!"  Sigaw ko.

Nagkasabay pa kami sa pagsagot.

"Oh, wala naman pala! Kaya dapat hindi kayo naiilang sa isa't isa! Gusto ko 'yong natural! Game na ulit tayo!"

"Guys! Game na!" Sigaw nung photographer.

"Ha? Ang bilis naman!" Reklamo nung isang staff.

"Kailangan natin 'to matapos! Kapag nagdilim na, hindi na maganda ang ka-kalabasan ng picture!" Sigaw nung photographer na mukhang galit na.

Napabuntong hininga ako.

Kinuha ko ang baso na may wine at ganoon din siya.

"Kylie, let's make it natural." Bulong sa'kin ni Blake.

"Paano bang natural?!" Pagalit kong tanong sa kaniya.

"Relaz! Easy! Imagine mo na ako ang cute, hot, at yummy mong boyfriend. Okay?"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Yummy, huh?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Try me." Sabi niya sa'kin at kumindat.

Nagulat ako ng biglang kaming pinicturan nung photographer.

"That's what natural I am talking about! Go!" Sigaw niya sa amin.

"Oh diba sabi sa'yo, eh. Hindi natin magagawa 'to kung wala ang kalokohan ko!" Humalakhak siya.

Sinuntok ko naman siya sa braso niya. At nagkamali akong sinuntok ko ito dahil ang kamay ko lang ang nasaktan.

"Let's drink this wine, Kylie." Nakangisi niyang sabi sa'kin.

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Sabay naming ininom ang wine.

Parang iniisip ko na kami lang dalawa rito at walang ibang taong nakatingin. Pero ang totoo ay lahat ng tao rito ay nasa amin ang atensyon. At patuloy na kumukuha ang photographer ng mga picture sa amin.

"Masarap ba?" Tanong niya sa'kin.

"Of course! Sa-sabihin ko bang pangit ang lasa, eh products natin 'to?" Pagbibiro ko sa kaniya.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now