Chapter 41: Selfish

1.3K 35 8
                                    

Chapter 41: Selfish

Kylie's POV

Nandito kami ngayon sa kotse ni Blake. Ipinasundo na siya ng daddy niya sa driver nila, para makauwi ka na siya ng bahay. Pinilit ko siya na huwag nang manirahan doon sa condo niya. Ang sabi ko sa kaniya ay give his father a chance. His dad deserve it anyway.

"Kylie, hindi ata ako makakatulog kapag doon ako sa bahay tumira." Reklamo sa'kin ni Blake.

Nandito kami sa likuran ng kotse. Hinihintay namin 'yong driver na malagay na sa likod ng kotse ang lahat ng gamit ni Blake.

"At bakit hindi ka makakatulog? May lamok ba doon?" Mataray kong sabi sa kaniya.

Natawa naman siya.

"Ikaw ah, nagbibiro ka na ngayon."

"Hindi 'yon biro, Blake. Give your father a chance. Mag kakaayos din kayo." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nag iwas naman siya ng tingin.

"I hope so." Sabi niya.

Napasinghap naman ako at hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. Tinignan niya muna 'to at agad niyang pinalupot ito sa kamay niya at saka hinigpitan niya ang pagakakahawak.

"Blake, ang forgiveness may oras 'yan. Oo, hindi ngayon. Pero dadating at dadating din ang araw na mapapatawad mo siya. Ako nga eh, imagine? Hindi nga siya nag sorry at nagpaliwanag sa'kin, napatawad ko na siya. Bakit? Dahil pagod na pagod na akong magtanim ng galit dito sa puso ko. At naka move on na talaga ako sa kaniya. Kaya kung ano man ang nagawa niya rati sa'kin, wala na 'yon. Ganon ka rin, Blake. Dadating din ang araw na mapapatawad mo siya. At makakalimutan mo lahat ng masasamang sinabi niya sa'yo." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Gusto ko na magkaayos si Blake at ang Daddy niya. Dahil una sa lahat, sila nalang ang magkapamilya dahil patay na ang mommy niya at ang kapatid niya.

"Yeah, it's all about time. Thanks, Kylie!" Pagpapasalamat niya sa'kin.

Nginitian ko naman siya at ipinahinga ko ang ulo ko sa balikat niya. Agad naman niya akong inakbayan.

"Alam mo, Kylie. You don't know how thankful I am na dumating ka sa buhay ko." Sabi niya sa'kin habang hinihinas ang buhok ko.

"Ako rin naman eh. Mas sobra pa sa sobra ang pagpapasalamat ko sa Diyos na ibinigay niya sa'kin ang isang katulad mo." Sagot ko.

Sumakay na ang driver ni Blake sa kotse at nag simula na siyang magmaneho.

"Don't be too hard to your Father, okay? Tatay mo pa rin siya." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Yes po, ma'am." Natatawang sagot niya sa'kin.

-

Hinatid muna nila ako sa bahay namin. At nang palabas na ako ay agad akong hinila ni Blake.

"Kylie.. tumira ka nalang sa'min. Please.." pagmamakaawa niya.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Nababaliw ka na ba? Hindi pa ta'yo mag asawa!" Bulong ko. Baka kasi marinig pa kami nung driver niya nakakahiya.

"Hehe. Joke lang! 'Yon lang 'yong way ko na, mamimiss kita." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"Mamimiss? Pupuntahan naman kita sa bahay niyo, bukas. Magpahinga ka muna ah? Wala munang work." Sabi ko sa kaniya.

"Ikaw ang mag aalalaga sa'kin? Aalagaan mo 'ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.

"Opo, bakit? Anong gusto mo? Mag hire pa ng personal katulong para lang mag alaga sa'yo?"

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now