Chapter 11: Different

1.4K 38 2
                                    

Chapter 11: Different

Kylie's POV

Pagkatapos ng nakakapagod na araw na 'yon ay agad akong pumunta sa sasakyan ko. Napapikit ako sa sobrang pagod. Hays, ang hirap talaga ng may trabaho.

Binuksan ko ang mga mata ko at kinuha ko ang cellphone sa bag ko.

I want to talk to Kate. Pero hindi ko alam kung paano.

Tinype ko ang pangalan niya sa messenger. Binuksan ko ang mga messages niya at nagulat ako nang sobrang dami ng mga 'yon.

"Kamusta ka na?"

"Ano bang nangyari sa'yo?"

"Ayos ka lang ba?"

"Bakit ba hindi ka nagre-reply?!"

Ang mga messages na 'yan ay dati pa. Nung nasa America pa ako. Pero ngayon? Hindi na siya nag me-messages. Siguro ay galit na 'to sa'kin. Huwag naman sana.

Napasinghap ako at nagsimulang mag type.

"Kate, I'm so sorry sa lahat. Pwede ba tayong magkita?"

Kinakabahan ko iyong sinend sa kaniya at mga ilang minuto lang ay na seen na niya! Pero, hindi siya nag ta-type.

Hinintay ko na mag-type siya, pero hindi niya ginawa. Napabuntong hininga nalang ako at binalik ko ang aking cellphone sa bag ko.

Nag simula na ako mag drive ngunit napatigil ako nang makita ko si Blake sa kalsada. Ano nanaman bang trip ng isang 'to?! Hindi nanaman ba siya sinundo ng driver niya?

Nakanuot ang noo kong lumabas ng kotse at napatigil ako nang makita ko kung ano ang ginagawa niya sa kalsada.

Is this really Blake?

Nakita ko siya kasama ang mga pulubing bata sa kalsada. Binibigyan niya 'to ng mga pagkain. I think, 'yong grinocery niya ay ito 'yon. Dahil nakita ko na parang mga pambata ang mga binili niya.

Hindi ko makilala si Blake ngayon habang kasama ang mga batang 'to. Ibang Blake ang nakikita ko. Pero, aaminin ko. Mas gusto ko ang nakikita ko ngayon.

Nako-konsensya tuloy ako sa mga balak ko. Ang patumbahin siya. Paano ko ba makakaya na patumbahin ang isang ganitong tao? Napailing nalang ako sa sarili ko.

Pa-pasok na sana ako sa aking kotse nang bigla niya akong tawagin.

"Kylie!"

Napalingon ako. Nakita ko na kumislap ang mga mata niya at saka ngumiti.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ngayong araw, dahil sa office ay lagi siyang nakasimangot.

Napangiti tuloy ako. Nakakahawa ang ngiti niya.

Kumaway ako at lumapit ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti, siguro natutuwa lang ako sa kaniya. Dahil, bihira na lang ang mga ganitong tao.

"Kylie, huwag mo naman masyadong pahalata sa'kin na gwapong-gwapo ka sa'kin!" Sabi niya habang nakangisi. Agad ko naman siyang pinalo sa braso niya. Nice, ang tigas ah?

"Hahahahaha. Wag ka masyadong feelingero ah!" Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Ayieeee." Napatingin ako doon sa mga bata. Nakangiti sila sa amin.

"Gf niyo po kuya?" Tanong nung isa.

Agad namang namula ang pisngi ko. Nakakahiya!

"Kung pa-payag siya." Sagot niya.

Agad ko siyang pinalo ulit sa braso.

"Hay nako, huwag niyo nang pakinggan ang isang 'to. Baliw 'to!"

"Sa inyo po ate? Ayieeeee." Tukso nung isa.

Napasinghap nalang ako tinignan ko si Blake. Nagkibit balikat lang siya.

"Oh sige, maglaro at kumain na kayo roon. Pagkatapos n'yan, matulog na kayo ah?" Sabi ni Blake sa mga bata.

"Okay po, Kuya Blake! Salamat po!" Sagot nung mga bata at agad silang pumunta sa isang sulok dala-dala ang mga pagkain na bigay ni Blake.

Pinagma-masdan lang namin ang mga masasayang bata ngayon.

"Akala ko hindi ka la-lapit sa amin kanina." Sabi niya habang nakatingin pa rin doon sa mga bata.

"Huh? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

Humarap na siya sa'kin.

"Base sa itsura at ugali mo, napaka-arte mo. At mukha kang di mabait." Sabi niya at biglang humalakhak.

"Ang sama mo naman sa'kin! Hahaha. Hindi naman ako ganoon." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Napasinghap siya at tumingin ulit sa mga bata.

"Alam mo, Kylie. Minsan, tinatanong ko ang Diyos kung bakit hindi nabiya-yaan ang mga bata na 'to ng mga pagkain, maayos na tirahan, maayos na damit. Minsan, naiisip ko rin na bakit ba ang unfair ng mundo? Pero simula nung makasama ko ang mga batang 'yan, na realize ko na hindi pala sila 'yong pinaka worst. Dahil sila? Kahit wala ang mga bagay na 'yan sa kanila, marunong silang maging masaya. Marunong silang makuntento. Hindi sila mayaman literally, pero ang mga puso nila napakayaman. At alam mo ba Kylie kung sino 'yong pinaka worst?" Tanong niya sa'kin and this time nakatingin na siya sa'kin.

"Sino?" Tanong ko.

"Iyong mga taong nasa kanila na ang lahat, pero hindi pa rin sila marunong magpasalamat sa Diyos. Nasa kanila na ang lahat, pero hindi pa rin sila sumasaya. At alam mo kung bakit?"

"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Hindi ko na kaya ang mga sinasabi niya. Naluluha na ako.

"Dahil hindi sila marunong makuntento. That is the fact that I prove when I am adventuring the world. Things can make you happy, but they can't fufill the true happiness that you are searching for in your whole life. Because only love can do that. And God is love."

Napayuko nalang ako. I'm guilty.

"Don't worry, Kylie. I'm guilty too."

Napatingin ako sa kaniya.

"Bakit ganyan ka magsalita ngayon? Ibang Blake ang nakikita ko ngayon." Honest kong tanong sa kaniya. Gusto kong malaman kung sino ba talaga siya.

Napangiti siya.

"Alam kong mas gusto mo na ganito ako. Right?" Nakangiting tanong niya sa'kin.

Hindi ako makasagot.

"You don't need to answer it, Ms. Mendoza. Someday, you will know why."

Napatango naman ako.

"Napagod ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"Oo! Sobra! Ano bang pumasok sa isip mo at bakit dalawang araw lang ang pa audition?!" Galit kong tanong sa kaniya.

"Kailangan nating gawin 'yon. Wala na tayong oras. Malapit nang ipalabas sa telebisyon ang endorsement."

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Nakanuot kong tanong sa kaniya.

"Para.. magpanic kayo?" Nakakaloko niyang sabi!

"Ewan ko sa'yo! Ang sama mo talaga!"

"Hahaha. Joke lang! Actually, nung isang araw lang sinabi sa amin eh. Pero, ayos na ba ang lahat?"

"Yes, ayos na po ang lahat." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now