Chapter 16: Beach

1.4K 38 6
                                    

Chapter 16: Beach

Kylie's POV

"Hays, bakit ba kasi hindi ka nalang nang hiram ng kotse sa mga empleyado?" Reklamo ko sa kaniya habang nag pu-punas ng pawis ko. Nandito kami sa jeep ngayon at siksikan kami rito! Ganito ba talaga sa jeep? Pinagtitinginan pa kami ng mga tao rito dahil sa suot namin!

"Hay nako, Kylie! Okay na 'tong ganito, isang jeep lang naman." Sabi niya sa'kin.

"Ang sikip-sikip kasi." Bulong ko. Baka kasi may makarinig sa'kin dito at masabihan pa 'kong maarte. (Which is totoo naman hehe.)

"Mamaya, mababawasan din ang tao okay?"

At tama nga siya, mga ilang minuto lang ay marami nang bumaba. Napahinga ako ng malalim. Haay, salamat! Makakahinga na rin ako.

Hindi pa ako nakakahinga ng maluwag ay nandyan nanaman ang mga tao na sa-sakay rito sa jeep!

Anak ng!

Napa-irap ako sa hangin. Akala ko pa naman.

Punuan nanaman dito sa jeep. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko ang isang lalaki na nakangisi na sa'kin.

Tinignan ko si Blake sa kanan ko tinitignan niya ata kung malapit na kami.

Napatingin ulit ako doon sa kaliwa ko. At nagulat ako nang inuusog niya ng inuusog ang sarili niya sa'kin. At mas nagulat ako nang ngumuso siya sa'kin! 'Yong para bang ha-halikan na ko!

Agad akong humarap kay Blake at pinalupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya. At isinandal ko ang mukha ko sa balikat niya. Naramdaman ko na napatingin siya sa'kin.

"Blake, 'yong lalaki sa kaliwa ko." Bulong ko sa kaniya.

Agad naman niya akong inakbayan at naramdaman ko na tumingin siya ng masama doon sa lalaki.

"Masyado namang PDA ang mga 'to!' narinig kong sabi nung isang babae.

What?! What is PDA?

"Oo nga! Makayakap naman 'tong si ate gurl, kala naman niya may a-agaw sa boyfriend niya. Pero.. oo meron! Ako! Hahaha. Gwapo nya friend 'no." Sabi nung bakla ata?

Hindi ko sila matignan! Hays! Anong boyfriend? Hindi ko 'to boyfriend! No choice lang ako. Baka mahalikan pa ko ng katabi ko dito!

"Kylie, let's go." Sabi ni Blake. Hay salamat naman!

"Hey, can you please stop the jeep there?" Sabi ni Blake at natawa naman ang driver.

"Hey! I said, can you please stop this jeep there! Baba na kami ng kasama ko!" Sigaw ni Blake doon sa driver. Bakit ang init ng ulo niya? Well.. ganoon naman talaga siya sa opisina. Pero.. kapag kasama ko siya, hindi naman?

"Ang sabihin mo kasi kyah, "para" hindi "can you please stop the jeep here!" Masyado kang sosyal kuya! Nako! Kung hindi ka lang gwapo!" Sabi nung bakla.

"Okay! Para? Please?" Sabi ni Blake doon sa driver. At tumigil na ang jeep.

Nakita ko ang pagtawa ng mga tao rito. Hindi ko nalang sila pinansin. Mga abno! Tumatawa, wala namang nakakatawa.

Agad akong tumayo para lumabas na at nakasunod sa'kin si Blake.

Tumawid kami para makapunta doon sa mall. Habang tumatawid kami ay naka akbay pa rin siya sa'kin. Napatingin ako sa kaniya, nakasimangot siya.

Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa makarating kami roon sa mall.

"Kylie, where do you want to eat?" Tanong niya sa'kin.

"Anywhere." Sagot ko sa kaniya.

"Walang restaurant dito na anymore ang pangalan, Kylie."

Napatingin ako sa kaniya. Napangiti siya.

"Just kidding." Sabi niya sa'kin at kinurot ang pisngi ko.

"Ewan ko sa'yo, kanina nakabusangot ka. Ngayon, nginingitian mo na 'ko." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at saka suminghap.

"Mali talaga.. mali talaga na sinakay kita sa jeep. Muntik ka pa tuloy nabastos." Sabi niya nang hindi nakatingin sa'kin.

"Oo, Blake! Mali talaga. Mali talaga na sumakay tayo roon! At bakit ba parang hindi ka natatakot na sumakay ng jeep? Nakasakay ka na ba roon?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Ang lakas kasi ng loob niya na sumakay roon.

Napatingin siya sa'kin.

"Hmm, oo. Pangalawang beses ko na 'yon. Unang beses akong nakasakay sa jeep, dahil sa mga g*gong kaibigan ko." Paliwanag niya sa'kin.

"Huh? Sino naman ang mga 'yon?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Ang pagkakaalam ko, ay propesyonal ang lalaking 'to. Imposible naman na may kaibigan 'to na tambay lang sa kanto?

"Wala! Tara na nga! Doon nalang tayo sa favorite resto ko." Sabi niya sa'kin at hinawakan niya ang kamay ko.

Hobby niya ba ang humawak ng kamay? Masasanay ako neto eh.

-

Nang matapos kami kumain ay agad kaming namili para sa shooting.

Una muna ay ang damit. Of course! Ang pinaka importante sa lahat.

"Oh, pumili ka na ng swimsuit na su-suotin mo." Sabi niya sa'kin habang siya ay namimili na sa mga panlalaki.

"What?! Bakit swimsuit?!" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Huh? Hindi ko pa ba nasasabi sa'yo? Nasa beach tayo mag sho-shooting."

"Ano?! Hays, Blake. Ngayon ko lang 'to ga-gawin! Kailangan mong pagbayaran 'to lahat!" Sigaw ko sa kaniya.

Natawa naman siya at napatigil siya sa paghahanap ng mga damit.

"Anong dapat kong pagbayaran lahat? Etong lahat ng ga-gastusin natin? Don't worry, Kylie. Sagot ko ang lahat."

"Hindi! Dapat pagkatapos nito, bawian mo ko! Kung ano-ano pinapagawa mo sa'kin!"

"Hahahaha. Sige, ano bang bawi ang gusto mo?" Sabi niya sa'kin habang nakangisi.

Sinampal ko siya ng bahagya.

"Wag na nga! Baka kung ano pa gawin mo sa'kin! Asan na ba 'yong mga pambabae?" Tanong ko sa kaniya.

Tinuro naman niya kung saan.

Napangiwi nalang ako nang makita ko ang mga swimsuit dito. Parang nakahubad na 'ko neto eh! Alam niyo namang ayaw ko ng mga ganito. Conservative kaya ako.

Sa isang oras na pag i-ikot ikot ko dito ay wala pa rin akong nahahanap.

"Oh, Kylie? Tapos ka na ba? Tapos na 'ko." Sabi ni Blake sa'kin.

"Wala pa kong napipili." Sabi ko sa kaniya.

"Ano?! Isang oras?! Wala pa rin?" Gulat niyang tanong sa'kin.

"Naghahanap ako 'yong hindi naman masyadong bulgar!"

Humalakhak siya.

"Hahaha. Saan ka naman makakahanap nu'n? Lahat ng swimsuit, i bu-bulgar lahat ng pagkatao mo! Pero, huwag kang mag-alala hanggang tingin lang naman sila sa picture eh. Hindi naman nila 'yan mahahawakan." Sabi niya sa'kin sabay kindat.

Ugh! Nakakainis! Bakit ba kasi ako pumayag dito sa modelling na 'to?

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon