Chapter 47: Mister ko/Misis ko

1.3K 31 2
                                    

Chapter 47: Mister ko/Misis ko

Kylie's POV

"I-I'm s-sorry, B-Brylle. P-pero, m-mahal k-ko na s-siya."

Pagkasabi ko sa kaniya nu'n ay agad bumuhos ang kaniyang mga luha.

Naiiyak na rin ako. Hindi dahil sa mahal ko pa rin siya, kundi naawa ako sa kalagayan niya ngayon.

Hindi ako pwedeng magsinungaling sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng paasahin lang. Dahil mas lalo lang lalala ang sitwasyon.

I'm saying the truth. Mahal ko na si Blake. May pangako ako sa kaniya at kahit kailan hindi ko 'yon sisirain.

"T-totoo n-nga 'yong s-sabi ng iba.. h-hindi lahat n-ng iniiwanan, n-nababalikan.." pagkasabi niya nu'n ay pilit siyang tumawa.

"Brylle, m-magpagaling ka. M-maramimg naghihintay s-sa'yo.. k-kaya mo 'yan." Nauutal kong sabi sa kaniya.

"M-magpagaling? D-doctor nga s-sinukuan na ako, k-kaya susukuan k-ko nalang d-din 'yung s-sarili ko."

"Brylle! Don't do that! Walang imposible!"

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"K-Kylie, s-sa tingin m-mo kung h-hindi k-kita iniwan n-noon, m-masaya p-pa rin k-kaya tayo n-ngayon?" Nanginginig na tanong niya sa'kin.

Tumitig ako sa mga mata niya.

"B-brylle, hindi mo magugustuhan ang isasagot ko. H-huwag nalang."

"N-no! S-sagutin m-mo.. I w-want to hear your a-answer."

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"B-brylle.. siguro kahit na hindi mo 'ko iniwan noon.. ganito pa rin ang mangyayari.. Brylle, kapag ang Diyos na ang nagplano wala na tayong magagawa pa. P-pero, lagi mong tatandaan.. na lahat ng plano ng Diyos sa atin ay nakakabuti para sa'tin kahit na minsan.. hindi natin 'yon naintindihan." Sagot ko sa kaniya. Tumigil na ang paghagos ng luha ko. Kalmado na ako ngayon.

Napapikit siya sa sinabi ko.

"H-hindi ko l-lang matanggap n-na m-may mahal k-ka ng i-iba." Sabi niya habang nakapikit.

Sasagot na sana ako nang biglang may babaeng tumawag kay Brylle na nasa likuran ko.

"B-Brylle!"

Napatingin ako roon sa babae. Siya ba 'yong kahalikan ni Brylle noon? Hindi ko sigurado dahil medyo malayo ako noon, pero malakas ang kutob ko na siya 'to.

Pero.. bakit siya nakapang hospital? May sakit din siya?

"L-lumayo k-ka sa'kin! L-lumayo ka!" Taboy sa kaniya ni Brylle.

Humagulgol naman 'yong babae at tinignan ako ng masama.

Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pangyayari. Sa tingin ko ay mababaliw na ako. Kaya lumabas nalang ako sa room na 'yon. Napabuntong hininga ako. I'm so tired emotionally.

Binalikan ko si Blake kung saan namin siya iniwan. Pagkakita ko kay Blake ay kasama niya si Kate.

Walang emosyon ang mukha ni Blake at si Kate naman ay parang may pinaglalaban.

Napatigil sa pagsasalita si Kate nang lumapit ako sa kanila. Hinarap ako ni Kate at saka nagsalita.

"Oh? Ano? Ngayon alam mo na, kung anong nangyari kay Brylle! Napakasarili mo, Kylie! Napakasarili mo!" Sasampalin na sana ako ni Kate nang biglang hinawakan ni Blake ang kamay niya.

"Tumigil kang babae ka, bago ko pa makalimutan na babae ka." Galit na sabi ni Blake sa kaniya.

"Mabait ako, Kate. Pero kainlaman, hindi ako magiging mabait sa g*go! Don't hurt my wife again!" Sigaw ni Blake sa kaniya.

Kinalas naman ni Kate ang pagkakahawak ni Blake sa kaniya.

Tumingin ulit siya sa'kin.

"Napaka selfish mo." Sabi niya ulit sa'kin.

Medyo naiirita na ako rito kay Kate. Paulit ulit ang mga sinasabi!

"Bakit ako naging selfish?" Kalmado kong tanong sa kaniya.

I want to end this peacefully.

"Dahil hindi mo man lang inisip si Brylle!" Sigaw niya sa'kin.

"Bakit? Alam ko ba 'yong nangyari sa kaniya? Eh kung sana, sinabi mo sa'kin nung una palang kung ano ang nangyari sa kaniya. Dahil parang alam mo naman ata simula pa lang. Edi sana nakatulong ako sa kaniya." Sabi ko sa kaniya. Pinipilit kong huminahon. Pagod na 'kong makipag-away sa kaniya.

"Paanong tulong? Babalikan mo siya? So ngayon, siguro naman iiwanan mo na si Blake. Dahil nalaman mo na ang totoong nangyari kay Brylle." Sabi niya sa'kin.

Napatingin ako kay Blake. Nakatitig lang siya sa'kin. Nakita ko ang paglunok niya.

Blake, don't worry ikaw na ang mahal ko.

Hinarap ko si Kate ulit.

"Bakit parang inuunahan mo ang pangyayari, Kate? Ang galing mong mag-predict. But I'm sorry, hindi tama ang prediction mo. Yes, tutulong ako kay Brylle bilang kaibigan niya, not as his ex-girlfriend. Dahil una sa lahat, I'm Kylie M. JEFFERSON already." Diniinan ko ang Jefferson. Baka kasi nakakalimutan niya, kasal na 'ko.

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko.

"Let's go, Kylie." Sabi ni Blake at hinawakan niya ako sa aking kamay.

Nang makarating kami sa kotse ay agad akong humingi ng tawad kay Blake sa nangyari.

"B-Blake, I'm sorry.. kung umalis tayo sa reception. I'm sorry dahil alam ko nagulo ko ang isip mo. Alam ko na iniisip mo ngayon, na baka balikan ko si Brylle dahil nalaman ko na kung ano ang totoo. But no, Blake.. oo, tutulungan ko siya. Pero, hindi kita iiwan. Dahil ikaw na ang mahal ko, Blake. Ikaw na." Naiiyak kong sabi sa kaniya.

Agad namang tumulo ang mga luha niya at niyakap ako ng mahigpit.

"T-thank y-you, K-Kylie.. a-akala ko iiwanan m-mo na ako. A-akala ko m-magiging totoo 'yong s-sinabi s-sa'kin ni Kate na.. m-malaki ang possibility na iiwan m-mo ako d-dahil n-nalaman n-na niya ang totoo. T-thank you." Umiiyak na sabi ni Blake sa'kin.

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Sinapo ko ang mukha niya. Namumula ang kaniyang mga mata. Alam ko, kanina pa niya pinipigilan 'to.

Pinunasan ko ang mga luha niya at hinalikan ko siya sa labi. Nilaliman naman niya ang paghalik niya sa'kin.

Naglakbay ang mga kamay niya sa may hita ko. Ako naman ay naglakbay ang mga kamay ko sa may abs niya.

Mainit ang halikan naming dalawa.

Hanggang sa.. naalala ko, nasa kotse pala kami!

Tinulak ko siya palayo sa'kin.

Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.

"Nasa kotse tayo, Blake! Baka may makakita sa'tin!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi siya nakinig at lumapit siya sa'kin hinalikan niya ako sa leeg. Ugh, nakikiliti ako.

"Don't worry, tinted 'to." Sabi niya sa'kin habang hinahalikan ako.

"B-Blake, b-bumalik m-muna t-tayo sa reception.. a-uh.. t-tama na 'yan." Angal ko sa kaniya.

Napatigil ko naman siya.

Napabuntong hiningi siya at ginulo niya ang buhok niya.

"Mamaya ka sa'kin, misis ko." Nakangisi niyang sabi sa'kin.

Natawa naman ako.

"Yari ka rin sa'kin mamaya, mister ko." Natatawang sabi ko sa kaniya.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon