Chapter 22: Nice to meet you

1.4K 54 10
                                    

Chapter 22: Nice to meet you

Kylie's POV

At dahil tapos na ang shooting ay umuwi na kami papuntang Reality which is work.

Habang nasa eroplano kami ay hindi kami nag uusap. Actually, kahapon pa kami ganito. Ewan ko ba. I feel so awkward pagkatapos niyang ginawa 'yon.

Pagkatapos ng mahabang flight namin ay pinag drive niya ako pa-puntang bahay. Tinuro ko nalang ang daan sa kaniya at mabilis naman niya itong natutunan.

Baba na sana ako ng sasakyan nang bigla niya akong tinawag.

"Kylie."

Natigilan ako at tumingin ako sa kaniya.

"I-I'm s-sorry.. n-nadala lang ako ng emosyon ko."

Napatitig ako sa kaniya. Kinakabahan siya.

"Blake, okay lang 'yon." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Napatingin naman siya sa'kin.

"Ha?" Nagtatakang tanong niya.

"Okay lang 'yon. Kalimutan na natin 'yon." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Ayoko ng gawan ng issue 'yon. Kahit ang totoo, napakalaking impact sa'kin ang ginawa niya.

"O-okay." Ang tangi lang niyang naisagot sa'kin.

"Sige. Mauna na 'ko. Ingat ka! See you tomorrow!" Sabi ko sa kaniya at nagmadaling bumaba.

Eto nanaman ang puso ko, ang lakas nanaman ng tibok.

Napailing nalang ako at pumasok na ako sa bahay.

Nang pumasok ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Dad.

"Kylie." Tawag niya sa'kin.

"Yes?"

"Bakit hindi ka nagpaalam sa'kin? Na mawawala ka in 3 days? Kung hindi ko pa tinawagan si Blake kahapon ay hindi ko malalaman na magkasama kayo!" Galit na sabi niya sa'kin.

"I'm sorry, Dad. Napakabusy ko lang talaga." Sagot ko.

"Anak.. sana kahit gaano ka pa ka busy, magpaalam ka sa amin ng mommy mo. Okay?"

"Opo, dad. I'm sorry po."

A-akyat na sana ako para magpahinga nang tinawag niya ako ulit.

"Kylie."

Napalingon ako sa kaniya.

"I'm sorry, dahil nagkasagutan tayo dati. Noong pinatulan mo si Nick, para ipagtanggol si manang." Sabi ni Dad.

"I'm sorry rin po.. tama na kayo eh. Dapat po hindi ko nalang siya pinatulan. Siguro po, nadala lang ako ng galit. Sorry rin po kung nasagot ko kayo." Malumanay kong sagot kay Dad.

Narealize ko na.. mali naman talaga 'yong ginawa ko. Dapat pinalayas ko nalang siya para wala nang gulo.

Agad naman akong nginitian ni Dad.

"Oh sige anak.. magpahinga ka na." Sabi ni Dad sa'kin.

Nginitian ko si Dad bago ako umakyat patungo sa aking kwarto at saka nagpahinga.

Hay. Ang sarap sa pakiramdam na walang toxic na tao sa paligid mo.

Dati, sabi ko kay mommy. People destroy me. Pero narealize ko.. bakit ko ba hinayaan na sirain nila ako?

Sabi ko rin kay mommy na 'yong galit ang nagpakita sa'kin ng katotohanan. But I realize na.. that's not true. Dahil ang mga natutunan ko mula sa pagkakamali ko ang nagpakita sa'kin ng katotohanan.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now