Chapter 34: Reason

1.4K 32 4
                                    

Chapter 34: Reason

Kylie's POV

Pagkabukas ko ng ref niya ay napanganga ako dahil walang itong laman.

Hinarap ko si Blake na nasa likuran ko.

"Bakit wala itong laman? Anong kinakain mo?" Tanong ko sa kaniya.

"I am just ordering food in the restaurant. What can I do? I don't know how to cook." Sabi niya sa'kin at nagkibit balikat siya.

Napasinghap ako. Hindi healthy ang mga kinakain niya!

"Tara, mag grocery ta'yo. Ipagluluto kita." Sabi ko sa kaniya at isinara na ang ref na wala naman palang laman.

Nagulat ako nang niyakap niya ako mula sa aking likuran.

Isinandal niya ang mukha niya sa balikat ko na para bang inaamoy niya ako.

Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Kylie.. you know what? Hanggang ngayon hindi pa rin nag pro-process sa utak ko na meron na akong ikaw."

Napakalambing ng pagkakasabi niya nu'n sa'kin.

"Huwag mo 'kong iiwan ah?" Dagdag niya.

Kinalas ko ang mga kamay niya na nakayakap sa bewang ko at hinarap siya.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa may batok niya. Inilagay naman niya ang mga kamay niya sa bewang ko.

Tinignan ko siya ng mariin.

Kahit gulo-gulo ang buhok niya ay napaka gwapo pa rin niya talaga. Hindi lang ako medyo comfortable ngayon dahil naka boxer short lang siya! Hahaha.

"Blake.. ilang ulit mo nang sinasabi sa'kin 'yan.. hindi kita iiwan okay?" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Eh paano kung bumalik si Brylle? Paano kung may rason pala siya? Paano na ako, Kylie?" Nag aalalang tanong niya sa'kin.

"Shhh.. diba sabi ko sa'yo rati, hindi ko na siya ba-balikan kung hindi katanggap-tanggap ang rason niya o di kaya may mahal na akong iba? Blake, iniwan niya ako dahil may iba na siya. At bakit pa ako babalik sa kaniya, eh ikaw na ang mahal ko."

Napangiti naman siya.

Hinaplos ko ang kaniyang maamong mukha.

"Napakatanga ko na talaga kung pa-pakawalan pa kita." Sabi ko sa kaniya at pinisil ko bahagya ang ilong niya.

Napapikit naman siya. So cute!

"Ako rin, Kylie.. hindi na kita papakawalan. Ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa'kin neto. Ikaw lang ang babaeng tanggap kung sino ako. Mababaliw na ata talaga ako kapag nawala ka pa sa'kin." Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako.

"Hay nako! Tama na nga ang kadramahan na 'to! Tara na, mag grocery na tayo." Sabi ko sa kaniya at kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya.

Kinuha ko ang bag ko.

"Kylie, pu-punta ka ba sa grocery ng ganyan ang suot mo?" Tanong niya sa'kin.

Napatingin ako sa suot ko. Naka uniform kasi ako ngayon. Eh 'yong uniform na 'to ay napaka formal tignan.

Tinignan ko ang oras sa aking relo. Mayroon pa kaming tatlong oras bago pumasok. Baka pagpawisan pa ko neto.

"Uhm.. p-pwede manghiram nalang ako ng damit sa'yo?" Nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Oh, sure.. pati ba brief?" Nakangising tanong niya.

"Ewan ko sa'yo! May panty naman akong suot 'no! Anong akala mo sa'kin?!" Naiinis pero natatawa kong sabi sa kaniya.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon