Chapter 56: Free

1.4K 33 16
                                    

Chapter 56: Free

Kylie's POV

Nandito ako sa may hotel na tinutuluyan namin ni Blake noon. I'm not sure kung dito pa rin siya naninirahan. Pero, pinuntahan ko na. Baka sakaling nandito pa siya.

Tinanong ko sa isang empleyado rito kung may Blake P. Jefferson bang naka check in dito at nang sinabi niya na meron ay agad akong pumunta sa dati naming room.

Kagagaling ko lang ng airport. Yes, kakauwi ko lang galing America. Hindi ko sinabi sa kahit na sino na uuwi na ako dahil gusto ko silang supresahin.

Kinakabahan kong pinindot ang code sa room namin. Sana hindi niya binago ang code.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabuksan 'yon. Buti nalang, hind niya binago. 

Pagkapasok ko roon ay agad kong binuksan ang ilaw. At nagulat ako sa nakita ko.

Bakit ang gulo-gulo rito?! At asan si Blake?! Gabi na ah.

Habang papunta ako sa may kama ay nakita ko ang kalat-kalat na mga damit ni Blake at mga basag-basag na bote ng alak.

Alak?! Umiinom na ngayon si Blake?! Ano bang ginagawa niya sa buhay niya?!

Napailing ako. Hindi na maganda 'to.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa may kama at nagsimulang mag-linis dito.

At nang matapos ako mag-linis ay tinignan ko ang phone ko. Pumunta ako sa messenger at nakita ko na 6 hours ago siyang active.

Napasinghap ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinitignan ang mga message ko. Kahit seen man lang ay wala.

Kaya napag desisyunan ko na i-message ang isa sa mga kaibigan niya.

Pumunta ako sa may Facebook niya at pumunta ako sa mga Friends niya. Ang tinype ko agad na pangalan ay Oliver. Para kasing eto 'yong pinaka close niya sa mga kaibigan niya.

Nang makita ko ang profile ni Oliver ay agad akong nag friend request sa kaniya.

Mga ilang minuto ang nakalipas nang i confirm niya ako. Agad akong nagmessage sa kaniya.

Me:

Oliver, alam mo ba kung na saan si Blake? Gabi na kasi eh.

Mga ilang segundo lang ay na seen na niya ito. Agad siyang nag type.

Oliver:

Nasa Pilipinas ka na?! Kailan pa?!

Me:

Kauuwi ko lang ngayong araw. Bakit?

Pagkatapos no'n ay hindi na siya nag reply. Ano bang problema ng isang 'to?

Nag hintay ako ng mga ilang minuto. At nang hindi na talaga siya nag reply ay tinawagan ko na siya.

Calling Oliver..

"Uhmm.. y-yes, Kylie?"

Kumunot ang noo ko. Bakit parang kinakabahan siya?

"Where is Blake?" Diretso kong tanong sa kaniya.

"Ahh--ehhh."

Hindi na maganda ang kutob ko sa mga nangyayari.

"Oliver, please sabihin mo sa'kin kung na saan si Blake. Asawa ko siya. Karapatan kong malaman kung na saan siya ngayon." Sabi ko sa kaniya.

"Uhm.. I'm s-sorry to say t-this, Kylie. But, s-simula kasi nung umalis ka. B-blake is always in the bar."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya? What?! Bar?! Bar is not Blake's thing.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now