Chapter 25: Saved

1.2K 34 15
                                    

Chapter 25: Saved

Kylie's POV

"K-kuya.. m-maawa po kayo sa'min. May kasama po akong matanda oh." Pagmamakaawa ko.

Takot na takot ako ngayon. Ano bang binabalak ng isang 'to?

Humalakhak naman siya.

"Anong pake ko?! Ga-gawin ko kung ano ang gusto ko." Sabi nung lalaki.

Tinignan ko siya. Parang addict ata ang isang 'to!

Sa sobrang pag kainis ko ay hindi ko namalayan na parang addict pala ang driver  ng nasakyan namin!

Kinalabit ko si manang para gisingin siya. Pero hindi siya nagigising!

Tinigil ng lalaki ang sa-sakyan. Pinuntahan niya kami ni manang dito.

"Alam mo, ang swerte ko ngayon. Ang ganda ng pasahero ko." Sabi niya sa'kin habang nakangisi.

Nilapitan niya ako at hinimas niya pataas ang legs ko.

Agad ko siyang sinipa sa may ari niya. Napasigaw siya sa sakit.

Habang namamalipit siya sa sakit ay agad kong ginising si manang.

"M-manang... g-gising! Tumakbo na po tayo rito!" Nanginginig kong gising kay manang.

Nagising ko naman siya.

"A-anong nangyayari, K-kylie?" Kinakabahan na tanong niya.

"Basta, tumakbo nalang po tayo!" Sabi ko at lumabas kami ng taxi ni manang.

Hindi makatakbo si manang nang mabilis kaya naman nahabol kami nung lalaki.

Hinila niya ang buhok ko patungo doon sa lalaki. Naluha ako habang tinitignan ko ang umiiyak na si manang. Sinisigaw niya ang pangalan ko.

Wala na akong nagawa pa kundi humagulgol.

Pinasok niya ako sa taxi, at pinahiga roon.

Nakita ko ang pagtanggal niya ng tshirt niya at pag unlock sa botones niya.

Hindi ko alam ang ga-gawin ko!

Nanginginig ako ngayon sa takot.

Hinalikan niya ako sa leeg ko.

"T-tama n-na p-po, please... m-maawa po kayo sa a-akin." Pagmamakaawa ko doon sa lalaki pero ayaw pa rin niyang tumigil sa ginagawa niya. Halos masira na ang damit ko habang pinipilit niyang hubaran ako.

Napasigaw nalang ako nang bigla niyang tinanggal ang panty ko.

Ta-tanggapin ko nalang siguro na ito ang nakatadhanang mangyari sa'kin.

Pumikit nalang ako at nagulat ako nang biglang may humila roon sa lalaki at sinuntok 'yong lalaki ng isang beses.

Itinaas ko ang panty ko at inayos ang nasira niyang damit ko.

Pinalupot ko ang braso ko sa katawan ko. Buti nalang ay 'di natuloy.

Humagulgol na lamang ako rito sa taxi at naaninag ko ang lalaking pumigil at sumuntok doon sa lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Brylle 'yon.

Nagkatinginan kami.

"Brylle! Sa likod mo!" Sigaw ko sa kaniya dahil su-suntukin na siya nung lalaki mula sa likod niya.

Hindi niya 'yon naiwasan at bumagsak siya. Nakita ko na hinang-hina siya habang hawak hawak ang ulo niya.

Bakit pumayat siya?!

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now