Chapter 44: Excited

1.3K 32 14
                                    

Chapter 44: Excited

Kylie's POV

Nag aayos na ako ng mga gamit ko ngayon dahil aalis kami ni Blake.

I don't know kung saan pero I'm so excited already.

I'm so happy na ngayon ay engaged na kami. Hindi ko talaga akalain na dadating din kami sa stage na 'to. Hindi ko akalain na siya na pala talaga ang the one ko.

Napangiti ako.

Bago ako umalis ay binisita ko muna si manang sa kwarto niya. Sinilip ko muna siya sa may pintuan. Nagtatahi siya. Medyo nalungkot ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin natutupad sa kaniya ang pangako ko na ipapasyal ko siya.

"Anak, Kylie? Ikaw ba 'yan?"

Tuloy ko nang binuksan ang pintuan. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya.

"Manang, sorry po kung hindi ko pa po natutupad 'yung pangako ko na ipapasyal ko po kayo ah?" Pag hingi ko ng tawad.

"Nako, anak. Ayos lang. Oo nga pala anak, masaya ako para sayo. Ang sabi ni Ma'am Isa sa'kin ikakasal ka na." Nakangiting sabi niya sa'kin.

Napangiti naman ako.

"Salamat po, manang." Pagpapasalamat ko sa kaniya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Anak, kung sa tingin mo siya na ang para sa'yo. Huwag mo na siyang papakawalan kahit anong mangyari. Dahil anak, kapag mag asawa na kayo maraming problema ang darating. Higit pa sa inaasahan niyo. Mag iingat kayo, anak." Sabi ni manang sa'kin.

Nakaramdam naman ako ng kaba.

Higit pa sa inaasahan namin?

Hmm.. siguro ang tinutukoy niya 'yong sa pagkakaroon ng mga anak. Dahil alam ko, hindi talaga madali na magkaroon ng anak. Lalo na kapag first time mo palang.

"Opo manang. Salamat po." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

-

Nandito kami ngayon ni Blake sa sasakyan niya.

"Blake, san ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Makikipagkita tayo sa organizer ng wedding natin. Para ma i ready na ang lahat. And 'yong gown, sa isang araw na 'yon." Sabi niya sa'kin.

"Mukhang gusto mo talagang mapaaga ang pagpapakasal natin ah." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Syempre naman, excited na akong maging misis ka." Nakangiti niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ko. 'Yong kanang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko at 'yong isa naman ay nasa manibela.

"Huwag mo na nga akong hawakan, baka maaksidente pa tayo."

"Hindi tayo maaksidente kapag kasama ako." Sabi niya.

Asus, ang yabang! Hahaha.

Napatingin ako sa labas. Parang familiar sa'kin ang lugar na 'to.

"Uhm, Kylie. Tigil muna tayo rito sa isang restaurant. Mag oorder lang ako ng pagkain, take out. 'Di pa kasi ako kumakain eh. Anong gusto mo?" Tanong niya sa'kin.

"Kahit ano." Sagot ko.

"Sige, bibili ako ng kahit ano." Natatawang sabi niya at itinigil ang kotse.

"Ako na lang ang bibili, okay? Huwag ka nang lumabas." Sabi niya sa'kin bago lumabas ng kotse agad naman akong tumango.

Sinilip ko ang restaurant kung saan bumili si Blake.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now