Epilogue

1.8K 36 13
                                    

Epilogue

After 2 months.

Kylie's POV

"Misis ko! Gising na!" Naalimpungatan ako dahil sa paggising sa'kin ni Blake na ngayon ay niyuyugyog ang katawan ko.

"Teka lang, 1 minute!" Sabi ko at tumalikod ako sa kaniya.

"Misis ko, kanina mo pa sinasabi 'yan! Bahala ka! Hindi na tayo makakapunta sa surprise ko sa'yo at sa wedding nila Kate at Jake!" Pananakot niya sa'kin.

"Ano ba kasi 'yong surprise mo?!" Inis na tanong ko sa kaniya habang nakapikit. Inaantok pa 'ko eh!

"Surprise nga diba? Ba't ko sasabihin sa'yo? Hays, Misis ko! Tumayo ka na r'yan!" Pagpupumilit niya at ngayon ay hinila na niya ang kamay ko para makatayo. Pero binibigatan ko ang katawan ko kaya hindi niya ako mahila.

"Hay nako, misis ko! Ang hirap-hirap mo gisingin!" Inis niyang sabi at binitawan na niya ang kamay ko.

Hindi ako sumagot at nakapikit pa rin ako. I really want to sleep more.

"Sige, ayaw mong gumising ah!" Rinig kong sabi niya at mga ilang segundo lang ang nakalipas ay naramdaman ko ang mabigat niyang katawan na nakapatong na sa'kin.

"Blake! Ano ba! Umalis ka r'yan! Ang bigat mo!" Reklamo ko sa kaniya habang tinutulak siya.

"Ayaw mong gumising eh! Sige, tignan natin kung 'di ka pa tatayo r'yan." Sabi niya sa'kin.

"Oo na! Oo na! Tatayo na! Umalis ka na r'yan! Hindi ako makahinga!" Sigaw ko sa kaniya at unti-unti naman siyang tumayo mula sa pagkakadagan niya sa'kin.

Hiningal ako dahil sa bigat niya. Hindi ako nakahinga roon ah.

Umupo na ako sa may kama at tinignan ko si Blake na ngayon ay humahalakhak na.

"Hahahaha. Hiningal! Hahaha!" Asar niya sa'kin.

"Sino bang hindi hihingalin sa bigat mong 'yan?! Hindi ka na hot, Blake! Mataba ka na!" Asar ko sa kaniya at tumungo na ako sa banyo para maghilamos. Agad naman siyang natigilan. Akala niya, ah?

Habang nasa banyo ako ay isasara ko na sana ang pintuan nang bigla siyang pumasok.

"Mataba na 'ko?" Kinakabahang tanong niya sa'kin.

Hinayaan ko nalang siya rito sa loob ng banyo at kinuha ko na ang toothbrush ko at nilagyan ko 'yon ng toothpaste. Nagsimula na akong magsipilyo.

"Misis ko! Mataba na ba ako?!" Ulit niyang tanong sa'kin. Pumunta siya sa may likuran ko at nakatingin siya sa salamin na nasa harap ko.

Tumingin ako sa salamin at tumango ako.

Nakita ko ang pagtingin niya sa katawan niya at halata sa kaniyang mukha na kinakabahan siya. Hahahaha.

Hindi talaga siya mataba, sa totoo lang ay maganda pa rin ang hubog ng katawan niya. I'm just kidding him. Ang dami niya kasing kumain kapag ako ang nagluluto.

"Pangitan mo kasi ang lasa ng niluluto mo!" Inis na sabi niya sa'kin. Natawa naman ako. Ano raw? Pangitan? Hahahaha. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya at nagsimula na akong maghilamos ng mukha.

"Hindi naman ako mataba, ah? Sexy pa rin naman ako." Kausap niya sa sarili niya.

"Mataba ka na. Mas macho pa sayo si---" sabi ko sa kaniya pagkatapos kong maghilamos. Sinadya ko na hindi ituloy ang sasabihin ko dahil wala naman talagang mas macho pa kesa sa lalaking 'to.

"Sino?! Sino ha?!" Galit niyang tanong sa'kin. Nagkibit-balikat ako ulit at lumabas na ako sa banyo para kumuha ng damit ko sa drawer. Nararamdaman ko naman ang pagsunod niya sa'kin.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now