Chapter 15: Shopping

1.5K 45 2
                                    

Chapter 15: Shopping

Kylie's POV

Nakahiga ako sa aking kama at nakatingin lang ako sa kisame.

Hays. Napag isip-isip ko ang sinabi ni Blake sa'kin kanina. Tama siya, bakit ba kailangan ko pang patunayan sa ibang tao na kaya ko? Basta as long as, alam ko sa sarili ko na kaya ko. Kaya ko!

Malaki ang naitutulong sa'kin ni Blake. Haay, nakokonsensya tuloy ako sa mga plano ko. Hindi ko na itutuloy 'yon. Hindi ko kayang pabagsakin ang ganoong tao. Hindi kaya ng konsensya ko.

Napatingin ako sa aking cellphone nang biglang tumunog ito.

President:

Hey, still up?

Me:

Yeah.

Pagka reply ko nu'n ay agad nag ring ang cellphone ko. Tumatawag siya!

Agad ko iyong sinagot.

"Yes?"

"Uhm, a-ayos ka na ba?" Tanong niya.

"Hmm, well.. yes! Thanks to you, Blake. Salamat talaga." Pagpapasalamat ko sa kaniya.

"No worries, Kylie. Basta ikaw."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hmm, by the way.. napatawag ako dahil may sa-sabihin ako sa'yo."

"Ano 'yon?" Tanong ko.

Bigla akong kinabahan, ano naman kaya 'yon?

"Alam ko na magagalit ka.. pero.."

"Hmm?"

"Tayo ang mag e-endorse ng products ng kompanya."

Agad akong napatayo sa higaan ko.

"WHAT?! Blake, wala akong alam sa pag e-endorse na 'yan!" Sigaw ko sa telepono.

"Ouch.. Kylie! Ang sakit mo sa tenga! Huwag ka ngang sumigaw!" Sabi niya sa'kin.

Napahawak naman ako sa bibig ko.

"S-sorry."

"Hay, that's okay. Alam ko naman na magugulat ka. Pero, si Diana at Derrick.. yeah, they have the potential. But for me, potential is 50% and attitude is 50% too. They fail, Kylie. They fail. Ayokong maka-trabaho ang ganoong klase ng tao, especially Diana. The way she talks is so immature, mahihirapan akong makipag trabaho sa kaniya at lalo na sa mga staffs."

Napabuntong hininga ako.

"I have that 50% of attitude, Blake. But I don't have that 50% potential." Mahinahon kong sabi sa kaniya.

"I rather choose 'yong taong may magandang ugali kesa sa may potential lang. You know why? Dahil ang may magandang ugali, natuturuan. At 'yong may potential lang pero walang ugali? Tsk. Alam kong su-sundin lang niya ang sarili niya at hindi niya pakikinggan ang sasabihin sa kaniya."

Hindi ako nakapagsalita.

"And don't worry, Kylie.. kahit ako.. wala akong alam d'yan. Napilitan lang talaga, dahil wala na tayong mahanap." Paliwanag niya.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Hays! Kinakabahan kasi ako, baka hindi 'ko magawa ng tama.

"Please, Kylie.. we can do this!"

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Okay, fine! Para sa kompanya." Sagot ko sa kaniya.

"Yes, Kylie! I love you! Salamat!" Sabi niya sa'kin.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon