Chapter 7: Bakla ka ba?

1.6K 41 1
                                    

Chapter 7: Bakla ka ba?

Kylie's POV

Haay! I am so stressed. Mag i-isang linggo na rin akong nagtra-trabaho rito. Ang daming ginagawa. Ang daming kailangan tapusin. I thought naranasan ko na ang pinaka nakakapagod na gawain sa buhay ko. Pero hindi pa pala, mas nakakapagod ito.

Inunat ko ang aking mga kamay at sumandal dito sa swivel chair ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko para mag-facebook. Wala na kasi akong update sa nangyayari sa mundo ngayon.

Habang nag scro-scroll ako ay umiinom ako ng kape. I always drink coffee hindi dahil sa inaantok ako. Kundi dahil coffee always taste good. Ewan ko ba, pero naging coffee lover ako simula nung pumasok ako sa kompanyang 'to.

Nag facebook lang muna ako, at nakita ko ang selfie nila Kate at Jake na magkasama. Namasyal ata sila sa isang mall. Mukhang masaya pa rin silang dalawa, walang pinagbago.

Good for them. They deserve each other.

Hindi ko matatanggi na.. na mi-miss ko na sila. Wala akong communication sa kanila simula nuong pumunta ako sa America. Ayoko kasing magka-connection pa sa taong malalapit kay Brylle dahil gusto ko nang kalimutan siya habang nasa America ako. Baka kasi kapag nagkaroon ako ng communication sa kanila, ay magkwento pa sila nang magkwento about sa kaniya. Kaya minabuti ko na putulin nalang ang lahat ng komunikasyon ko sa kanila. Hindi ko sini-seen ang mga messages nila. Inbox zoned lang.

At ngayon, na nakalimutan ko na si Brylle? Makikipag-meet ako sa kanila kapag may oras ako. I really miss them.

Habang nag scro-scroll ako ay wala na akong nakikita na pagmumukha ni Brylle sa Facebook ko. Hindi ko naman siya binlock eh, ewan ko ba.. bahala siya. Hindi ko na chineck ang account niya, dahil wala naman na akong pakialam sa kaniya.

Nilapag ko na ang cellphone ko at patuloy na iniinom ko ang kape ko. Tinignan ko ang mga papers na nandito at naalala ko na mayroon pa pala akong kailangan pa-pirmahin kay Blake.

Inubos ko muna ang kape ko bago ako tumayo at kinuha ko ang lahat ng papeles na kailangan kong pa-pirmahin sa kaniya.

Ilang hakbang lang ang nilakad ko at nakarating ako agad dito sa office niya.

"Knock before you enter."

Iyan ang nakalagay sa harap ng pinto ng office niya. May pa knock-knock pa siya d'yan. At dahil ako naman ang Vice President ng kompanyang 'to. Hindi na ako kumatok. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at may narinig agad ako na tumutugtog.

Jumpshot by Dawin

Let's give it a shot (shot)
You and I on the court (court)
Time ticking on the clock (clock)
Baby, I'mma try to score (score)

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masusuka ako sa nakikita ko ngayon. Really, Mr. Jefferson? Sumasayaw ka?

'Cause you the hottest on the block (block)
Nothin' dimmin' your light (light)
But all the options that you got (got)
Wouldn't ever treat you right, no

Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil para siyang bakla sa galing niyang gumiling. Hahaha! Wait... bakla nga ba siya? Kasi kumg bakla siya. Malaking laban 'ko ito sa kaniya.

I don't need a telescope to see that you're the one
But I do need your time, and if ain't yours, I'd rather have none
I don't need a fortune teller to tell me my fortune
I have a million signs that my fortune just begun

Pero, sa nakikita ko ngayon parang hindi eh. Parang, may talent talaga siya sa pagsasayaw. Magaling siya. Pero paano? Businessman siya pero magaling siya sumayaw?

You got me jumping like
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shaka, boom shake, ooh
Wanna hold you down (yeah)
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakala, boom shakala, ooh
Wanna hold you down

Hmmm.. yes, a-aminin ko na. Ang hot niya kapag sumasayaw siyang ganyan. Pero hindi pa rin maalis ang thought ko na baka bakla siya?

"MS. MENDOZA!" Sigaw niya sa akin at umayos siya ng tayo niya. Pinatay niya muna ang tugtog bago siya nagsalita.

"Nababasa mo ba 'yong nasa labas ng pintuan ko? KNOCK BEFORE YOU ENTER! Oh, baka kailangan ko pang i-tagalog para maintindihan mo?"

"Why so guilty, Mr. Jefferson?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. A-asarin ko nga muna 'to baka sakaling mapa-amin ko siya. And once na, napa-amin ko siya. Ga-gamitin ko 'yon para mapabagsak siya.

"I'm not guilty, Ms. Mendoza, I just need privacy." Seryoso niyang sabi sa'kin.

"Hmmm, privacy for what?" Panga-asar kong tanong sa kaniya. Nagsimula akong maglakad sa office niya, wala namang bagay na pink dito o kahina-hinala. Kung bakla ang isang 'to, magaling siyang magtago.

"At ano ba ang pakialam mo doon, Ms. Mendoza? Vice President ka ng kompanyang 'to. Stop talking about useless things huh."

"This is not a useless thing, Mr. Jefferson! You should be kind to me, dahil parang alam ko na ang tinatago mo." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Sobrang lapit na ng mukha namin ngayon sa isa't isa.

"Tinatago?" Nagtataka niyang tanong sa akin. Diretso rin niya akong tinitignan ngayon.

Nginitian ko siya sabay sabing, "Don't worry, safe sa'kin ang sikreto mo."

Natawa naman siya bahagya. Oh, he's cute when he's smiling.. kaya lang..

"Ano bang sinasabi mo, Ms. Mendoza?"

"Wala naman. Gusto ko lang sana pa-pirmahin 'tong mga papeles na hawak ko." Naka-ngiti kong sagot sa kaniya.

"Ms. Mendoza, are you turn on to me dahil nakita mo 'kong nagsasayaw? You know what, you're lucky one. Dahil ikaw palang ang nakakita sa kompanya na 'to na nagsa-sayaw ako." Sabi niya sa'kin.

"S-so.. may nakakita na sayong nagsa-sayaw ka na wala dito sa company mo?" Tanong ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat lang siya at sinimulan nang pirmahan ang mga papeles.

Sayang, gwapo pa naman siya.

Napasinghap ako. Siguro ay tinatakasan niya lang ang posibleng kong itanong sa kaniya. Kaya eto na, ta-tanungin ko na para mahuli ko na.

"Bakla ka ba, Mr. Blake P. Jefferson?" Seryoso kong tanong sa kaniya.

Napatigil naman siya sa pagpi-pirma ng papeles. Nakita ko ang pagkabigla niya at saka biglang humalakhak.

What?!

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now