Chapter 46: The Truth

1.3K 34 9
                                    

Chapter 46: The Truth

Kylie's POV

"Anak.. Kylie, proud na proud ako sa'yo." Sabi ni mommy sa stage at naiiyak na siya.

Pinunasan ko ang luha ko.

"K-kasi, kahit na ilang beses kang nabigo sa pag-ibig. You still choose to love." Sabi ni mommy.

Tumingin ako kay Blake na nasa tabi ko. Napatingin din siya sa'kin.

"Thank you." I mouthed.

"I love you." Sagot niya.

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nandito kami sa reception. Nagbibigay na ngayon ng mga speech ang mga magulang namin.

"Kylie, ang hiling ko lang para sayo ay 'yong maging tunay na masaya ka. Kapag masaya ka anak, masaya na rin ako. I love you, anak." Sabi niya at bumaba na ng stage. Pinupunasan niya ang kaniyang mga luha habang pumupunta palapit sa'kin.

"Mommy, hindi naman po ako mawawala eh." Nakangiting sabi ko kay mommy.

Kumalas ako sa pagkakahawak ni Blake at tumayo ako. Niyakap ko si mommy.

"I love you too, mom. Kung wala po kayo, wala rin po ako rito. I love you so much!"

Niyakap niya ako pabalik.

"Huwag kang magdadalawang isip na puntahan ako kapag may problema ka ah? Nandito lang kami ng Daddy mo para sa'yo." Sabi niya at kumawala na siya sa pagkakayakap niya sa'kin.

Nginitian ko naman siya at tumango ako.

Ang next na magsasalita ay si Sir Brake.

"Uhm, anak.. alam ko, marami akong pagkukulang sa'yo. Pero sana, kahit na kasal ka na. Hayaan mo pa rin akong makabawi sa'yo. Mahal na mahal kita, anak. Magiging tatay na ako sa'yo mula ngayon." Sabi ni Sir Brake.

Nginitian naman siya ni Blake at tumango siya sa Daddy niya.

Natutuwa ako dahil okay na silang mag-ama. At mas nakakatuwa pang isipin na dahil sa kasal na 'to, naging maayos na sila. Sabi kasi sa'kin ni Blake eto ang hiniling niya sa Daddy niya para magkaayos sila. Na, tulungan siya para mapadali na ang kasal.

Habang may nagsasalita sa harapan ay nagulat ako nang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa maliit kong bag at nagulat ako nang makita ko na si Kate 'yon.

Hmm, she will congratulates me? O may dahilan kung bakit siya tumawag?

"Sino 'yan?" Tanong sa'kin ni Blake.

"S-si Kate." Sagot ko.

"Huwag mo nang sagutin, baka mangugulo lang ang baliw na babae na 'yan." Walang emosyon na sabi sa'kin ni Blake.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko. Baka may importante siyang sasabihin sa'kin? Napabuntong hininga ako bago sagutin 'yon.

"Y-yes? Kate?" Kinakabahan kong sabi sa telepono.

"K-KYLIE! SI B-BRYLLE! PLEASE PUMUNTA KA RITO! IKAW ANG KAILANGAN NIYA!"

Kumunot ang noo ko. Ano?!

"Wait---Teka, teka. Bakit? Ano bang nangyari sa kaniya?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"K-KYLIE, ANYTIME PWEDE SIYANG MAMATAY! PLEASE! PUMUNTA KA NA RITO! ITETEXT KO SA'YO KUNG ANONG HOSPITAL TO. BYE!"

Napatayo ako at nabitawan ko ang cellphone ko.

What is happening?

"Kylie, what's wrong?" Nag aalalang tanong ni Blake sa'kin.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now