Chapter 23: Let's go!

1.4K 37 5
                                    

Chapter 23: Let's go!

Kylie's POV

"President niyo 'yon? Hmp! Parang ang sungit naman." Nakangusong sabi ni Kate.

Palabas na kami ng kompanya ni Kate. Gabi na.

Buong araw ay nandoon si Kate sa office ko. Pumayag naman si Blake. At dahil matagal kaming hindi nagkasama, ang dami naming pinag kwentuhang dalawa at isa na doon ang relasyon nila ngayon ni Jake.

Nasabi niya sa'kin na medyo nagkakalabuan na raw silang dalawa. Hindi niya raw alam kung ano ba talaga 'yong problema. Pero, lagi nalang daw kasi silang nag aaway.

"Kylie, ano? Dito na ako sa car ko ah. Nagpasundo kasi ako sa driver ko." Paalam niya sa'kin.

Ba't silang lahat may driver? Ako lang ata ang wala. Lols.

"Oh sige, ingat ka." Nakangiting sabi ko sa kaniya at saka nakipag beso.

Pumunta na ako sa kotse ko at nag drive ako pauwi.

Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong bumusina para pagbuksan ako ng guard namin.

Nakakailang busina na ako ay hindi pa rin niya binubuksan ang gate, kaya napagdesisyunan ko na lumabas na.

At nang lumabas ako ay napatalon ako sa gulat nang nandoon si Blake sa may gate namin! Nakasandal siya roon at mariin na nakatingin sa'kin ngayon.

Agad siyang lumapit sa'kin.

"O-oh, B-blake.. anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Hinihintay ka." Simpleng sagot niya sa'kin.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Bakit?"

"Remember, 'yong sinabi ko sa'yo na.. pa-patunayan ko na hindi lahat ng lalaki nagloloko? 'Yong gagawin mo kong testing. Diba may promise ako sa'yo na, mamasyal tayo at lahat ng gusto mo bi-bilhin ko? Bukas na 'yon." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"You know what, Blake.. hindi mo naman kailangan gawin 'yan. Wala ka namang dapat pang patunayan sa'kin. Dahil alam ko, na kahit ganyan ka... hahaha.. alam ko naman na hindi ka nagloloko kapag seryoso ka." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Asus, hahahaha! Basta.. gusto ko pa rin." Sabi niya sa'kin.

Napa cross arm naman ako.

"Bahala ka." Nakangiti ko pa ring sagot sa kaniya.

Ilang segundo kaming nagtititigan nang bigla akong may naalala.

"Hmm.. Blake, pwedeng magsama?" Tanong ko sa kaniya.

Naalala ko kasi 'yong pangako ko kay manang na ipapasyal ko siya!

"Sino naman?" Biglang nag iba ang expression ng mukha niya.

"Si manang! Please, Blake.. gusto ko kasi makapamasyal si manang. Lagi nalang kasi siyang nandito sa bahay. May sakit kasi siya." Malungkot kong sabi sa kaniya.

"Oh, sure.. no problem." Sabi niya sabay kindat sa'kin.

Napangiti naman ako.

"Ah, Blake.. paano pala 'yong trabaho natin bukas? Ano 'yon? 'Di tayo pa-pasok?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba na ako ang Presidente ng kompanya?" Nakangising sabi niya sa'kin.

"Oo na!" Sabi ko at bahagyang tumawa.

Ngumiti naman siya.

"Oh, saka nga pala.. bakit hindi ka pinapapasok sa bahay niyo? May ginawa ka ba? Hindi ka nanaman ba nagpaalam na medyo ga-gabihin ka ngayon? Ikaw, Kylie ah.. hindi ka nagpapaalam sa parents mo. Tinawagan ako ng daddy mo nag aalala---"

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now