Chapter 3: Giving up

2K 56 11
                                    

Chapter 3: Giving up

Kylie's POV

"K-kate.. I j-just lost m-my l-light... m-my life.. I don't know what do anymore.." nanginginig kong sabi sa kaniya.

"What?! Ano bang nangyari, Kylie? May ginawa ba sa'yo si Brylle?"

"Alam mo, Kylie. Kung may ginawa man sa'yo si Brylle, huwag mo namang sirain 'yang buhay mo! He is not your life, Kylie! Hindi lang sa kaniya umiikot ang mundo mo!"

"N-no, K-kate! H-hindi mo naiintindihan! H-he's my life!"

"Iyan ang problema sa'yo, Kylie! Lagi mong ginagawang mundo yung dapat parte lang ng buhay mo! Mayroon ka pa bang natitira na pagmamahal para d'yan sa sarili mo?! Alam ko, Kylie. Alam ko! Wala na! Dahil lagi mong binibigay ang lahat sa ibang tao!" Sigaw sa akin ni Kate.

"Kate, tama na 'yan." Pag a-awat sa kaniya ni Jake.

"But, T-this is me.. L-loving someone.."

"I don't want you to change, Kylie. I love the way you are. Because you're the kindest person I know. Pero sana, maintindihan mo na lahat may limitations. Because in this life, you will meet 2 kinds of people. The one who will bring you up, and the one who will just take advantage on you. I repeat, I don't want you to change.. but I want you to grow. Grow, Kylie. Grow."

Grow? I thought I already grow. But I guess, I'm wrong.

"I'm sorry, Kylie. For this hurtful words. But I think, this hurtful words will wake you up."

Agad akong tumango sa kaniya at nginitian siya. I know, nag ca-care lang si Kate sa akin. Medyo tumahan na ako sa pag iyak.

"Thank you, Kate. I understand."

"You're always welcome to me, Kylie. Okay? Ngayon. I kwento mo lahat ng nangyari."

-

Nakatingin ako ngayon sa mga bitwin, nilalasap ang malamig na hangin. At ang dami dami pa ring tanong sa isip ko, katulad ng..

Bakit nagkaganoon? Bakit bigla siyang nagbago?

I sighed. Paulit ulit nalang ako. Paulit ulit nalang ang pagiging tanga ko. Pero as I promised kay Jake at Kate. Kapag tinanong ko ulit si Brylle bukas, at kapag ganoon pa rin siya. Kapag ganoon pa rin ang trato niga sa akin. I will give up. Na kwento ko na sa kanila ang nangyari.

"Brylle, tomorrow is your last chance. Last chance to change all the things that you've said to me." Kausap ko sa sarili ko.

"Please, don't let me in this battle. Please, don't let me give up."

Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin. Tinignan ko 'yon.

"KMH"

"Akala ko ba, Brylle pa-palitan mo pa 'yung apilido ko? Akala ko ba, hi-hintayin mo ko? Pero bakit ganito?"

Unti unti nanamang namumuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Ikaw pa nga 'yung tumulong sa akin mag move on eh. Ikaw pa nga 'yung nagturo sa akin kung paano maging malakas at maging matapang minsan kasi na ta-take advantage ako minsan. Pero, bakit ngayon? T-tinake a-advantage mo din ba k-ko?"

Natalo nanaman ako. Natalo nanaman ako ng mga luha ko. Lagi nalang silang umaagos. Kailan ba 'to titigil? Kailan ba sa-saya 'tong puso ko na ilang beses ng dinurog? Dinurog. Dinurog ng mga taong akala ko hindi ako sa-saktan. Pero nagkakamali ako lagi.

I sighed. Maybe this is my destiny, to get hurt, hurt and hurt. Until I'm totally destroyed from all of this pain.

But, today. I still have the HOPE. Hope na babalik siya. Hope na ba-bawiin niya lahat ng sinabi niya sa akin. Sabi nga nila Kate at Jake. Hindi pa namin alam kung ano ba talaga ang totoo. Kaya I still have the chance to heal this broken heart of mine. At siya ang ga-gamot nu'n.

-
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mga mata. I sighed. This is the day. This is his last day, na bawiin lahat ng sinabi at pinaramdam niya sa akin. This is his last chance on me.

Naligo muna ako at nagbihis dahil mayroon akong pasok ngayon. Siguro ay ka-kausapin ko siya after class.

By the way, eto na ang last school year namin dahil malapit na kaming grumaduate.

Pumunta ako sa aking kotse at nag drive pa puntang school. Kinakabahan ako, kinakabahan ako na makita ulit siya at ba-balik nanaman lahat ng sakit na naramdaman ko nang sinabi niya sa akin ang salitang "may iba na ako"

I shrugged my head. No, I should stop this kind of thinking of mine. I should follow Kate and Jake's Advice na kailangan ko muna itong ma confirm mula sa kaniya. At kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang problema niya.

Habang papunta ako sa aming room ay mapayapa ang paligid. Wala pa masyadong tao rito, dahil maaga palang. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko.

Like, paano kung ganoon pa rin ang trato ni Brylle sa akin kapag nagkita kami?

Makakayanan ko kaya?

Totoo kaya na, may iba na siya?

Sino naman kaya 'yon?

Sinampal ko nalang ang sarili ko para matigil na ang mga naiisip kong 'to. Hays.

Patuloy akong naglalakad papunta ng aming room nang bigla akong natigilan.

Nabitawan ko ang bag ko. At para bang tumigil ang mundo ko.

Unti-unti nanamang namumuo ang luha ko sa aking mga mata.

This is more painful than before.

Napahawak ako sa pader dahil sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko.

Why do you have to do this to me, Brylle? Why?

Wala na akong alam gawin ngayon kundi umiyak ng umiyak. I just saw Brylle...

kissing someone.

And it hurts a lot.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa ngayon.

1. Don't think about him.

2. Don't text and call him.

3. Don't open a topic about him.

4. Don't stalk him.

5. Forget all of the memories you had with him.

6. Erase your feelings for that fvcking guy.

7. Fall inlove with me

"B-brylle, you give me those steps to move on. And ngayon na nakapag move on na ko, ngayon na mahal kita. N-ngayon na masaya na tayong dalawa. S-saka ka mang-iiwan sa ere? Wala namang gantuhan, Brylle oh. N-napaka unfair mo!"

Hindi matigil ang luha na umaagos mula sa aking mga mata. Isa lang ang tanong ko ngayon sa sarili ko. Yun ay ang..

Paano ako makakabangon?

Paano ako makakabangon sa lahat ng sakit na naramdaman ko?

Paano ako makakabangon kung 'yong mismong taong bumuo ng mundo ko ay siya ang sumira nito.

Paano ako makakabangon kung 'yong taong pinaalam sa akin kung gaano ako kahalaga ay ngayo'y pinagmumukha sa akin na wala akong kwenta.

Tama na 'to. Sagad na sagad na ko! Punong puno na 'ko! Ayoko na maging tanga pa!

Kasabay ng aking pagtalikod ay ang pagpunas ko ng aking mga luha. At ang pagbura ng nararamdaman ko para sa kaniya.

I hope you'll be happy, Brylle. Because today, I officially give up on you.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora