Chapter 9: I'm still your boss

1.6K 52 3
                                    

Chapter 9: I'm still your boss

Kylie's POV

Habang nag dri-drive si Blake sa tabi ko ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kaniya.

He have the perfect face. Wala akong masabi sa mukha niya. Napaka-amo nito tignan, at hindi mo i-isipin na mayroon siyang side na ganito. Dahil sa kompanya, lagi siyang nakasimangot at hindi ngumingiti.

Nabigla ako nang biglang may tumugtog.

"I open the radio here, Kylie. Para naman ma distract ka mula sa pagkakabisado ng anggulo sa mukha ko." Sabi niya habang nakangisi. Nakatingin pa rin siya sa daan.

Namula ang pinsgi ko sa hiya. Gosh, Kylie! Itigil mo na ang pagtingin sa kaniya.

"But that's okay, I enjoy it. A lot." Wika niya.

Napatingin naman ako sa kaniya. Nakita ko na kumislap ang mga mata niya at tumingin sa'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Tahimik na ulit. Wala nang nagsasalita. Hanggang sa tumugtog ang kantang Shape of you.

Agad siyang sumayaw at todo giling siya kahit na nagmamaneho siya.

"Blake! Ano ba! Napaka-ano mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hahahaha. What?! Napaka---?"

"Napaka------ay! Ewan ko sa'yo!" Sigaw ko nalang sa kaniya. Nakakainis na talaga siya.

"Hahahaha. Ang hot ko ba?"

"Di." Tipid kong sagot sa kaniya.

"Okay." Sabi niya at tumigil na mula sa pagsa-sayaw.

Hay, salamat naman.

Nagulat ako nang bigla siyang tumigil mula sa pag dri-drive.

"Oh, bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Sinimulan na niyang tanggalin ang kaniyang seatbelt. At lumabas ng sa-sakyan. Kasalukuyan pa rin akong nakatingin sa kaniya.

"Anong bakit?! Nandito na 'ko sa bahay mo! 'Yan kasi kung ano-ano iniisip mo, Ms. Mendoza. Oh, bye na ah? Ingat sa pag da-drive!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad niyang isinara ang pintuan.

Ang lalaking 'yon! Hays! Bwisit!

Napatingin ako sa likod. Nandito ang mga pinamili niya! Ano ba 'yan!

La-labas na sana ako nang nakita ko siya na pumasok na sa kanilang bahay. Wait.. mali ako. Hindi 'to bahay. Dahil mansyon 'to!

Nakakahiya pumasok kaya hinayaan ko nalang na nandito ang mga pinamili niya. Siguro ay bukas ko nalang bi-bigay ang mga 'to sa kaniya.

Nag drive ako pauwi. At nang nandoon na ako sa bahay ay hindi ko naabutan na gising si manang. Kaya ang mga pinamili ko na mga gulay at prutas ay inilagay ko muna sa ref at inorganize ko na rin ang iba ko pang mga pinamili.

Agad akong pumunta sa kwarto ko, at nagpahinga ng ilang sandali. Humiga ako sa aking kama.

Haaay, I miss my bed so much. Gusto kong matulog ng matulog. Kailan ba kasi ang day-off ko? Bakit parang hindi naman ako pinag da-day off?!

Nabigla ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown No. :

Thank you for the ride, Ms. Mendoza! :)

Ah, si Blake 'to. Hindi ko pa pala na sa-save ang no. niya sa phone ko.

Kaya naman sinave ko na ang no. niya rito sa phone ko.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now