Chapter 17: One room

1.5K 54 5
                                    

Chapter 17: One room

Kylie's POV

Nandito na kami sa eroplano para pumunta doon sa beach na pag sho-shootingan namin.

Malapit ako sa bintana at nasa kanan ko si Blake.

Wala pa 'kong tulog dahil itong si Blake ay ang dami-dami pang binili ng kung ano-ano sa mall. Magsasara na nga ang mall, ayaw pang magpaawat eh.

"Matulog ka na muna. Mga 10hrs tayo rito." Sabi niya sa'kin.

"Talagang matutulog ako 'no! Wala kaya akong tulog." Natawa siya.

"Blake, ilang araw ba tayo roon?" Tanong ko sa kaniya.

"3 days lang naman." Sagot niya.

"Hay, salamat naman." Sabi ko at isinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit.

Bumabagsak ang ulo ko. Ano ba 'yan.

Pi-pindutin ko na sana ang button dito para makahiga ako nang maayos nang bigla niya akong inakbayan at iginaya niya ang ulo ko sa balikat niya.

Napatingin ako sa kaniya. At ganoon rin siya sa'kin.

"Matulog ka na."

"Eh--" magrereklamo sana ako sa kaniya nang bigla siyang nagsalita.

"Kapag sinabi ko, sinabi ko."

Napasinghap nalang ako at saka pumikit.

Ano bang pabango ang gamit ng isang 'to? Nakakalasing ang amoy.

Hay, di ko nalang inisip 'yon at tuluyan na akong nakatulog.

-

Nandito na kami sa beach na aming pag sho-shootingan. Gabi na nang nakadating kami rito.

Nag check-in muna kami sa isang hotel. Syempre, magka-hiwalay kami ng room.

"Ay ma'am, sir.. isang room nalang po ang available. Magsama nalang po kayo."

Napanganga ako sa sinabi nung babae.

"Ang laki ng hotel na 'to, tas isang room nalang available?" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Eh, ma'am.. madami po kasing nag che-check in dito. Sikat po ang hotel na 'to."

Napasinghap ako.

"Okay, 1 room." Sabi ni Blake at inabot niya ang bayad niya doon sa babae.

Napatingin ako sa kaniya.

"Wala naman akong ga-gawing masama sa'yo. Baka nga ikaw pa ang meron." Sabi niya sa'kin habang nakangisi.

Agad ko siyang sinampal sa braso.

"Ang lakas mo rin eh 'no?"

Agad siyang humalakhak.

Narinig ko rin ang ang pagtawa nung babae. Hay nako! This is fvcking awkward!

Hays. Nauna na akong mag-lakad dahil baka kung ano pa ang sabihin niya. Ngunit, napatigil din ako dahil hindi ko alam kung anong room no. Namin. Agad akong lumingon sa kaniya at nagtanong.

"Anong room no. Natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Sumunod ka nalang sa'kin." Sabi niya at siya na ang unang naglakad. Hindi niya mahawakan ang kamay ko dahil dala niya ang dalawang maleta namin. Isa sa'kin at isa sa kaniya.

Nang makapunta kami sa aming room ay napalunok ako dahil isa lang ang kama rito.

What did I expect?

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon