Chapter 59: Baby

1.6K 25 9
                                    

Chapter 59: Baby

Blake's POV

"Kylie." Kinakabahan kong tawag kay Kylie.

Napalingon naman siya sa'kin. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat at lungkot.

"Nandyan na siya, Kylie. Mauuna na kami." Narinig kong sabi ni Kate.

Napalingon ako sa kaniya. Kasama niya si Jake. Ano nanaman kaya ang sinabi niya kay Kylie? Kahit na humingi na siya ng tawad sa lahat ng mga ginawa niya sa'min ay hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuhang magtiwala sa kaniya.

Magsasalita na sana ako nang bigla silang umalis.

Napabuntong hininga muna ako bago ako tumingin kay Kylie.

"Kylie." Tawag ko sa kaniya.

"Blake." Umiiyak na tawag niya sa'kin.

Agad akong lumapit sa kaniya para punasan ang mga luha niya gamit ang aking mga kamay.

"Why are you crying? May sinabi nanaman ba siya sa'yo?! Anong sinabi niya?! Na may nangyari sa'min?! Huwag kang maniniwala roon sa babaeng 'yon! Siya nga ang naglakas loob---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"I b-believe i-in you." Umiiyak na sabi niya sa'kin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano?! Naniniwala na siya sa'kin?!

"I'm s-sorry, B-blake f-for not trusting y-you." Umiiyak na sabi niya sa'kin at bigla siyang yumuko.

Tumulo na rin ang mga luha ko. Shit! My Kylie. Ayoko sa lahat 'yong umiiyak ka. At napakatanga ko dahil ako ang dahilan kung bakit ka umiyak noon at ngayon.

Nanginginig kong hinawakan ang kaliwang kamay niya at hinawakan ko ang baba niya para i-angat ang mukha niya sa'kin.

"N-no, K-kylie.. n-no.. I'm t-the one w-who s-should say s-sorry. S-sorry for b-breaking y-your t-trust o-on me." Umiiyak na sabi ko sa kaniya at bigla ko siyang niyakap. Damn, I miss her.

Hindi ako 'yong taong iyakin. Hindi ako 'yong taong mabilis umiyak sa mga bagay-bagay. Pero kay Kylie? Kahit kailan ata iiyak ako. Kahit na ayaw ko. Hindi ko talaga mapigilan, eh. Kapag siya na ang usapan, nag iiba na ako. Iba talaga ang epekto niya sa'kin. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Isang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon siya pa rin ang laman nito. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin mapantayan ng kahit na sino ang kasiyahan na nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

Totoo nga.. na wala nang makakapalit sa taong nakatadhana na para sa'yo.

"K-kylie, m-mahal na m-mahal k-kita. P-please g-give m-me another c-chance na p-patunayan n-na k-karapat-dapat a-ako p-para sa'yo." Umiiyak na sabi ko sa kaniya.

Isang taon siyang nawala sa'kin. At isang taon ko ring sinayang ang buhay ko. Akala ko kasi iniwanan na niya ako. Akala ko kasi mahal pa rin niya si Brylle kaya siya nanatili roon. Akala ko kasi hindi na niya ako babalikan. Pero, lahat ng 'yon ay puro akala lang. Dahil mahal pa rin niya ako. Dahil bumalik siya. Dahil hindi niya ako iniwanan.

At napakatanga ko, dahil noong panahong mag-isa lang siya roon ay nandoon ako sa bar. Nakikipag fling kung kani-kanino. Naghahanap ng kasiyahan. Kasiyahan na hindi ko naman pala mahahanap sa iba, dahil sa kaniya ko lang 'yon mararamdaman at makikita.

Pero hindi ako nangkama ng iba. Hmm.. once, muntik na. Pero buti nalang ay napigilan ko at bigla kong naisip si Kylie na masasaktan siya at kasal kami.

I still care for her that time. Kahit na galit na galit ako sa mundo. I still love her that time. Kahit na wala na akong ginagawang mabuti sa buhay ko.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now