Chapter 54: Babalikan ko siya

1.2K 34 9
                                    

Chapter 54: Babalikan ko siya

Kylie's POV

"Kaya mo 'yan, Brylle. Huwag kang susuko. Nandito lang ako at ng pamilya mo." Nakangiting sabi ko kay Brylle habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Eto na ang araw ng brain surgery niya.

"Thank you, Kylie. Thank you and I'm sorry." Nakangiting tugon niya sa'kin at tuluyan na siyang pinasok sa operating room.

Hindi ko alam kung bakit siya nag-sorry  sa'kin pero hindi ko nalang 'yon inisip.

Pumunta ako sa chapel dito sa hospital. Ipinagdasal ko na tulungan niya si Brylle na gumaling na. I know, kung iisipin ng ibang tao 'to? It looks impossible. Pero alam ko, na kapag humingi ako ng tulong kay God gagaling siya. Because nothing is impossible with God.

Ipinagdasal ko rin si Blake. Na maintindihan na niya ang lahat. Kung bakit ko 'to ginawa. Kung bakit si Brylle ang pinili ko sa ngayon. Dahil alam ko, na nahihirapan ngayon si Brylle sa kondisyon niya. Alam ko, na hindi madali ang pinagdadaanan niya. Akala ko, kasi maiintindihan ako ni Blake. Pero hindi, hindi niya ako sinubukang intindihin. Hindi man lang niya ako kinausap pagkatapos ng usapan namin noon. Hindi niya man lang sinasagot ang mga messages ko at mga tawag ko.

I try calling mom. Pero ang sabi niya sa'kin ay wala raw siyang balita kay Blake. Nasabi ko na rin sa kaniya na mananatili ako rito sa U.S for 1 year. Ang sagot naman niya sa'kin ay naiintindihan niya. At nangako rin siya sa'kin na kapag nagkita sila ni Blake ay kakausapin niya ito. I am so thankful kay Mommy, buti pa siya naiintindihan ako.

Hays, Blake. Please clear your mind now and try to understand me.

"Thank you for staying here, Kylie."

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Pag-kalingon ko ay ang Daddy 'yon ni Brylle na si Sir Bryan. Hindi ko man lang napansin na nandito pala siya, ang lalim kasi ng iniisip ko ngayon.

"Wala po 'yon, Sir Bryan." Sagot ko.

"Tito nalang. Tito Bryan." Nakangiting sabi niya sa'kin.

Tumango naman ako at saka nginitian niya ako pabalik.

"Ang sabi ng Doctor, pwede raw siyang ma coma after the surgery." Sabi niya sa'kin.

"Uhm, tito? Pwede po ba akong umuwi sa Pilipinas habang coma siya?" Tanong ko.

"Pwede naman, Kylie. Hindi ka naman namin mapipigilan. Pero ang sabi niya sa'kin, if ever na ma-coma siya. Ikaw ang gusto niyang unang makita pag-kagising niya." Sagot niya.

Napayuko ako. I really need to stay here for 1 year.

"Alam ko, Kylie. Na nahihirapan ka sa sitwasyon. Alam ko na hindi 'to madali para sa'yo. But don't worry, Kylie. Gumaling lang si Brylle, maayos na ang lahat. Pwede ka nang umuwi ng Pilipinas." Nakangiting sabi niya sa'kin.

Tumango nalang ako.

Kahit mahirap, sige. Kakayanin ko nalang. Nandito na ako eh. At saka isa pa, gusto ko rin namang tulungan si Brylle.

"Maraming salamat talaga, Kylie." Pagpapasalamat sa'kin ni Tito.

"No problem po, Tito. Isa lang naman po ang gusto nating mangyari lahat. 'Yon po ay ang gumaling na si Brylle." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Sana nga, Kylie. Sana nga, maka-survive siya." Malungkot na sabi ni Tito Bryan.

"Hindi po sana. Gagaling po siya, Tito. Gagaling siya. Mag-tiwala lang po tayo kay God." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Oo nga, Kylie. Tutulungan niya tayo. Tutulungan niya ang anak ko." Nakangiting tugon niya sa'kin.

-

Nandito ako sa may kwarto ni Brylle. For 3 months, nandito pa rin ako. I sighed. Hindi ko alam kung sinadya ba 'to ng mommy ni Brylle.

Kung gusto nila na mahalin ko si Brylle ulit. 'Yon ang bagay na hindi ko na magagawa pa. Dahil kahit kailan hindi na pwedeng mag-mahal ang taong may mahal ng iba.

I just want to help Brylle. Dahil kahit papaano naman ay naging parte rin siya ng buhay ko. Napakasama ko naman kung hayaan ko nalang siya.

Napabuntong hininga ako.

'Yon ang bagay na hindi naiintindihan ni Blake. Ang iniisip niya kasi, mahal ko pa rin si Brylle kaya ginagawa ko 'to.

Binuksan ko ang cellphone ko. At natigilan ako nang makita ko ang lockscreen wallpaper ko.

Naluha ako.

Miss na miss na kita, Blake. Kung alam mo lang.

Pumunta ako sa messenger. Active 1 hour ago siya, pero hindi niya binabasa ang mga messages ko.

Hays, Blake. Ano bang ginagawa mo?

Pumunta ako sa text messages ko. At dahil hindi naman niya ako sinasagot at miss na miss ko na siya. Nag back read nalang ako.

Mr. President:

"125 minutes na tayong hindi magkasama, Kylie huhu. I miss you, Kylie! Mwah! 😘

Natawa ako. Miss na miss ko na 'yong mga kakulitan mong ganito, Blake.

Mr. President:

Oo nga pala? Bakit hindi ka nag I love you too sa'kin kanina? Hindi mo na ba 'ko love, ha? May bago ka na ba? Nako, siguraduhin mo na mas gwapo sa'kin 'yan! Ay wait.. wala na palang gano'n. Ako na pala ang pinaka gwapo rito sa buong mundo! Wahahahahaha! 😂

Me:

I love you too!

Mr. President:

Ano ba 'yan! Wala man lang ka emosyon-emosyon! Hmp! Bala ka nga!

Me:

I LOVE YOU TOOOOO, BLAKE P. JEFFERSON!!!! MAHAL NA MAHAL KITA!! MWAAHHHH!!!! 😍😍😍😘😘😘

Mr. President:

'Yan! Good! I lab it! 😜😘 but, I love you more.. 😍😘

Me:

Haha, oo na sige na. Magbibihis muna ako at magpapahinga.

Mr. President:

Okay.. ako rin. Bukas, anong oras ka pupunta sa'min? Pasunod nalang kita sa driver ko.

Me:

Wag na! Kaya ko na!

Mr. President:

Paano kung mapano ka? Hay nako! Patatambayin ko 'yong driver ko d'yan magdamag at maghapon para maihatid ka lang papunta sa'min!

Pagkatapos ko basahin 'yon ay agad kong pinatay ang cellphone ko.

Kinuha ko ang unan ko at niyakap ko 'yon.

Iyak ako ng iyak ngayon.

Miss na miss ko talaga siya eh. Pero bakit ganon? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Bakit niya ako natitiis? Bakit ako, hindi ko siya kayang tiisin?

Gustong-gusto ko nang umuwi ngayon, pero hindi ko magawa dahil inaalala ko si Brylle. At 'yong pangako ko sa mga magulang niya.

Hirap na hirap na ako sa sitwasyon.

Pero isa lang ang sigurado ako...

Babalikan ko si Blake. Babalikan ko siya. At pag balik ko ay ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें