Chapter 33: Tayo na

1.4K 41 2
                                    

Chapter 33: Tayo na

Kylie's POV

Nagising ako ng maaga ngayon. Ang ganda ng pakiramdam ko. Ito ata ang dulot sa'kin ni Blake.

Umupo ako sa aking higaan at tinignan ko ang phone ko. May 2 message galing kay Blake.

Mr. President:

Good night, My Kylie. Matulog ka na ah? 😘

Saka ako lang dapat ang isipin mo bago ka matulog, para mapanaganipan mo ang gwapo ako. Ayieeee 😍

Natawa ako sa message niya sa'kin. Napaka hangin talaga niya! Hahahaha!

Hindi ko na nabasa 'to kagabi dahil nakatulog agad ako. Wala pa siyang message ngayong araw na 'to, baka tulog pa.

Agad akong naligo, nagbihis ng pang office at inayos ko ang mga gamit ko. Dahil balak kong puntahan ngayon si Blake sa condo niya.

Sa condo siya tumutuloy ngayon, dahil nga ayaw niya pang makita ang Daddy niya. Naawa nga ako para kay Blake, grabe kasi magsalita ang Daddy niya. Tagos sa puso.

Hindi kasi alam ng mga tao ngayon, na ang mga salita ay makapangyarihan. Oo, salita lang 'yon. But it can destroy someone's soul.

Agad akong pumunta sa aking kotse para puntahan si Blake. Sinabi niya sa'kin kagabi kung saan ang condo niya, anong room number, at 'yong password niya.

Para raw kung sakaling ma-miss ko siya, sigurin ko nalang daw siya doon! Hahaha.

Malapit lang naman 'yong tinutuluyan niyang condo sa kompanya kaya alam ko agad kung paano ito puntahan.

Nang makarating na ako sa may condo ay agad kong pinuntahan ang room niya. Pinindot ko rin kung ano ang password number na sinabi niya sa'kin. Pagka pindot ko ay agad itong bumukas.

Pagka pasok ko roon ay agad kong sinara ang pintuan.

Nilibot ko ang kabuuan ng condominium na 'to.

Masasabi kong ayos na. Dahil malaki naman ito at kumpleto sa mga gamit.

Dahan-dahan pa akong naglakad pa-pasok dahil baka magising si Blake kung sakaling natutulog pa siya.

At nang nakarating na ako roon sa may higaan niya ay nakita ko ang natutulog na si Blake roon.

Wala siyang suot pantaas kaya naman nakalabandera ang abs niya! Naka boxer short lang siya. Gulo-gulo ang kaniyang buhok pati na rin ang kama. Pero napaka gwapo pa rin niya kahit ganoon.

Napangiti ako.

"Ang gwapo ko 'no?" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

Napaiwas ako ng tingin. Gosh! Gising pala ang isang 'to!

Tumingin ako ulit sa kaniya at nakita ko ang pag ngisi niya sa'kin pero nakapikit pa rin siya. Parang ka-kagising lang niya.

"Ewan ko sa'yo, Blake! Nagugutom na 'ko! May pagkain ba rito?" Pag iiba ko. Pero totoo 'yong sinabi ko. Nagugutom na ako! Hindi ako kumain ng almusal sa bahay.

"Ako lang ang pwede mong kainin dito, Kylie." Sabi niya sa'kin at naka dilat na siya.

Ang isang 'to! Puro kalokohan talaga ang nasa isip!

"Hahahaha. Just kidding, tara nga." Sabi niya sa'kin habang nilabandera niya sa'kin ang dalawang kamay niya.

"Huh?" Nagtataka kong tanong sa kaniya pero ang totoo ay naiintindihan ko ang gusto niyang gawin. Hahahaha!

"Tara na!" Sabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa kama niya.

Napahiga ako sa tabi niya.

Agad niya akong niyakap ng nakatagilid.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now