Chapter 31: Kahit bakla ako?!

1.4K 41 4
                                    

Chapter 31: Kahit bakla ako?!

Kylie's POV

"O-OO B-BLAKE! D-DAHIL M-MAHAL KITA!" Nanginginig kong sigaw sa kaniya habang yakap-yakap siya mula sa likuran niya.

Naramdaman kong natigilan siya.

Humarap siya sa'kin at sinapo niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.

Pareho kaming umiiyak.

"A-anong s-sabi m-mo?" Naluluha niyang tanong sa'kin.

"M-mahal k-kita." Pautal utal kong sagot sa kaniya.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad niya akong siniil ng isang malalim na halik.

Napapikit ako at hinalikan din siya pabalik.

Matagal ko nang pinag iisipan 'to. Kung mahal ko na ba si Blake. Simula nung nakita ko ang totoong siya, sinimulan ko na siyang mahalin. 'Yong Blake na hindi masungit, mabait, mapagmahal, makulit, mapagbigay at kung ano-ano pa. Nang nakita ko 'yon sa kaniya ay hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa kaniya.

Binago niya ako. Pinalambot niya ang matigas kong puso. Pinatunayan niya sa'kin na hindi ko mababago kung sino talaga ako, dahil sa huli, la-labas at la-labas pa rin ang tunay na ako.

Ang Kylie na hindi kayang manakit ng iba, Kylie na mapagbigay sa lahat. Kylie na mapagmahal.

Binalik ako ni Blake sa dating ako without knowing it. Ako rin naman, hindi ko rin namalayan.

Hanggang sa nakita ko ulit si Brylle na mayroong kasamang iba. That time, nagtaka ako sa sarili ko. Bakit hindi na ako nasasaktan? Bakit hindi na ako nakakaramdam ng selos?

'Yon pala, dahil 'yon sa kaniya. Dahil kay Blake.

Kinuha ni Blake ang puso ko nang walang paalam. At ngayon, handang-handa na akong ibigay ito sa kaniya.

Noong sinabi sa'kin ni Dad na ga-gawin na raw nila akong Presidente sa kompanya namin. Nagtaka rin ako ng oras na 'yon, nagtaka ako sa sarili ko. Diba dapat masaya ako?

Pero hindi, kabaligtaran ang naramdaman ko. Dahil ayaw kong mawalay kay Blake. Dahil hindi ko ata kaya na harapin ang araw nang hindi ko naririnig ang mga biro niya, ang mga tawa niya, at ang boses niya. Hindi ko na rin ata kayang harapin ang araw ng hindi ko nakikita ang mga pag ngisi niya. Hindi ko ata kaya.

Hindi ko na ata kayang walang Blake P. Jefferson sa buhay ko.

Pinutol niya ang halik namin at nagtitigan kami na para bang kinakabisado namin ang mukha ng isa't isa.

"Mas mahal kita, Kylie." Sabi niya sa'kin at ngumiti.

Nawala na ang mga luha namin at napalitan na 'yon ng ngiti.

"Blake, huwag mo ng u-ulit 'yon. Please? Hindi ko kaya." Sabi ko sa kaniya.

"God gave me a reason why I should continue to live this life. And you is the reason, Kylie. You are the reason why I should continue to live this life. Akala ko ay wala nang magmamahal sa'kin ulit. Akala ko wala nang makakatanggap sa'kin ulit. Kylie, para lang sa pagkakaalam mo. Bukod sa mommy ko, ikaw lang ang babaeng minahal ko. Yeah, Kylie. And I don't know why, basta na realize ko nalang na.. mahal na kita.. at hinding hindi na kita pa-pakawalan pa. That's my promise number 1!" Nakangiti niyang sabi sa'kin.

So, totoo pala ang biro niya noon? Hahaha.

Minsan talaga 'yong akala nating biro, 'yon ang totoo. At 'yong akala nating totoo, biro lang pala. Hay, life.

"You know what Blake, hindi lang naman ako ang rason kung bakit kailangan mong mabuhay. Blake, God gave you a lot of reason para mabuhay. Pero hindi mo 'yon nakita dahil naka focus ka sa mga negative na mga bagay. Blake, nabubuhay ka para sa Diyos. Nabubuhay ka para sa sarili mo. Para sa mga bata na tinutulungan mo. Para sa mama mo. Blake, alam ko na kapag nakita ka ng mama mo na masaya ngayon. Magiging masaya rin siya." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"I'm sure, she is happy right now Kylie. Dahil natagpuan ko ang babaeng matagal ko nang pinagdadasal buong buhay ko. Thank you for coming in my life, Kylie. Thank you because you love me not in just my best, but also in my worst. Thank you for loving the true Blake P. Jefferson."

Pagkasabi niya nu'n ay agad ko siyang niyakap.

"And thank you for making me back again from my lost self."

-

Mga ilang hour pa kaming nanatali roon sa rooftop. Nag kwentuhan ng mga bagay-bagay at nagkulitan! Hahahaha.

Pagkababa namin ay kaunti nalang ang tao. Pinagtitinginan kami rito. Siguro ay nagtataka sila kung saan kami galing! Hahaha.

Pero hindi na sila nagtanong. Siguro ay natatakot sila kay Blake.

Pumunta kami sa office niya at nang makarating kami roon ay agad kong kinuha ang nabitawan kong bag at 'yong note.

Tinignan ko ulit ito. Hindi ko maiwasang hindi matakot.

Paano kung gawin niya ulit 'yon? Paano kung ituloy niya 'yon?

Hinablot niya ang papel na 'yon mula sa'kin at pinunit niya 'yon sa harapan ko.

"Huwag kang mag alala, Kylie. Hindi ako mawawala sa'yo." Sabi niya sa'kin.

"Eh paano kung---"

Hindi ko na natuloy ang sa-sabihin ko nang tinakpan niya ang bibig ko.

"Hindi ko na ulit 'to gagawin, you enlightens me. Baka nga ikaw pa ang mawala sa'kin." Nagtatampong sabi niya..

Kumunot naman ang noo ko.

"May karibal pa ako sa'yo.. that B-Brylle? Right?" Sabi niya ng nakasimangot.

Napangiti naman ako. Nagseselos! Hahaha!

"Nagseselos ka lang eh! Hahaha." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Syempre! Paano kung bumalik ulit ang kupal na 'yon sa'yo? Paano kung iwan mo 'ko? Bahala ka, pag iniwan mo 'ko itutuloy ko ang ginawa ko kanina." Pagbabanta niya sa'kin.

At talagang nanakot pa ang isang 'to ah! Hahahaha.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Napatitig naman siya sa'kin.

"Blake, huwag kang mag aalala. Sayo na rin ako. Hindi kita iiwan." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Hmmm.. we? Kahit bumalik si Brylle?" Tanong niya.

"Oo." Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Kahit na mag drama siya sa'yo at sabihing bumalik ka na, My Kylie bebe loves?!" Tanong niya sa'kin. Natawa naman ako, talagang inartehan pa niya ang pagsabi sa'kin nu'n.

"Oo nga.. hindi kita iiwan." Natatawa ko pa ring sagot sa kaniya.

"Promise?" Sabi niya at saka nag pinky swear sa'kin. Hahahaha! Para naman 'tong bata. Pero sige, dahil mahal ko 'to pininky swear ko na rin siya.

"Promise!" Masigla kong sabi sa kaniya.

"Kahit bakla ako?!" Tanong niya.

Humalakhak naman ako! 'Tong isang 'to talaga! Hindi maubusan ng kalokohan! Hahahaha!

"Ewan ko sa'yo! Hindi ka bakla 'no!"

"Pero 'yan 'yong una mong tinanong sa'kin! Hahahaha! Pero mas gu-gustuhin ko nalang maging bakla, basta makasama ka lang sa pagligo." Nakangisi niyang sabi sa'kin.

"Joke!" Dagdag niya at saka humalakhak.

Agad ko naman siyang pinalo sa braso niya.

"Manyak ka talaga! Hahaha!"

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt