Special Chapter (Part 1)

1K 24 5
                                    

Special Chapter (Part 1)

A/N: Hello guys! Again, I'm so sorry kung ngayon lang ako nakapag special chapter huhu. Sobrang complicated kasi ng schedule. But, by the way eto na! Sana magustuhan niyo! And I hope na suportahan niyo pa ako sa mga susunod kong story! 😊❤

Blake's POV

"Misis ko? Matagal ka pa ba r'yan? Ano bang resulta? Ugh! Nababaliw na 'ko! Papasukin na kita sa loob d'yan!" Natataranta kong sabi kay Kylie. Sh*t naman kasi! Kanina pa siya nasa C.R para kumuha ng pregnancy test.

"Oo! Eto na! Wait lang!" Sigaw niya.

Palakad-palakad ako rito sa may labas ng banyo. Para akong baliw! Paano ba naman kasi, gusto ko na talaga malaman kung ano ang resulta.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang banyo. Nakita ko ang matamlay niyang mukha at umiling siya sa'kin.

Bumagsak ang dalawang balikat ko.

"M-mister ko, I'm sorry." Sabi niya sa'kin.

Napabuntong hininga muna ako bago lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya.

"Ano ka ba, misis ko. Ilang beses pa nating ita-try okay? Makakailang round muna tayo bago ka ma-menopause." Natatawang sabi ko sa kaniya. Agad naman siyang natawa at pinalo niya ang braso ko.

Hays, aaminin ko. Excited na akong magka-anak kaming dalawa. Pero, ayos lang naman kung hindi pa. Mayroon namang perfect timing si God eh.

Hinagod ko ang buhok niya at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.

"We will wait." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"No."

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at tinignan ko siya. Kumunot ang noo ko. Bakit "no"?

"Hindi na tayo maghihintay. Wala nang hihintayin." Galit niyang sabi sa'kin.

"A-ano? Kylie naman eh! Ang sabi ko sa'yo, ayos lang naman kung wala pa. Gusto mo bang gumawa tayo ngayon? Oh sige, tara na! Nand'yan na ang kama----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Hindi na tayo maghihintay, dahil nandito na siya!" Masigla niyang sabi sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sh*t! Buntis siya?!

"Oo, buntis ako! Pero, kailangan muna nating pumunta sa Doctor to make sure." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

Unti-unti namang lunawak ang ngiti ko at binuhat ko siya.

"Ahhhhh! Blake! Hahahaha!"

"Yes! Thank you, Lord! Natupad na rin! Naging successful na rin ang mga sperm cells ko! Good job, boys!" Natatawa kong sabi.

"Hahahahaha! Bwiset ka talaga!" Sigaw ni Kylie sa'kin.

Naglakad na ako papuntang kama habang buhat-buhat ko siya. Inihiga ko siya roon at agad akong puwesto sa ibabaw niya.

"Kylie." Pagtawag ko sa kaniya. This time, seryoso na ang mukha ko.

Ngumiti siya sa'kin

Ugh! That's smile! Sobrang nakakahawa!

Pero, pinilit ko ang sarili ko na huwag ngumiti dahil gusto ko na maging mukhang sincere habang sinasabi ko ang katagang...

"Handang-handa na akong bumuo ng isang pamilya kasama ka, misis ko." Seryoso kong sabi sa kaniya.

Natigilan naman siya sa sinabi ko at nagulat ako nang biglang may pumatak na luha galing sa mga mata niya.

Shit! Shit! Ano bang ginawa ko na 'to!

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now