Chapter 51: His Side

1.3K 47 26
                                    

Chapter 51: His Side

Brylle's POV

"Anak, mag iingat kayo roon ah? I'm sorry, hindi ka namin masasamahan ng Daddy mo roon dahil may mga aasikasuhin pa kami rito sa Pilipinas." Sabi ng Ma'am Isa kay Kylie.

"Okay lang po, mom. I understand." Nakangiting sabi sa kaniya ni Kylie at saka nagyakapan sila.

Napayuko ako. I felt so damn guilty.

"Kylie." Narinig kong tawag sa kaniya ni Blake.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. They hug and kiss each other.

Napaiwas ako ng tingin. Ayoko nang tumingin sa kanilang dalawa. Lalo lang akong masasaktan.

"Misis ko, huwag mong papabayaan ang sarili mo roon ah? Saka dapat lagi tayong magkausap. Okay?" Sabi ni Blake sa kaniya.

"Yes po, Mister ko! I love you! I will miss you very much." Sagot ni Kylie.

"Mas lalo ako 'no! I will wait for you, Kylie."

Napabuntong hininga ako. Kaya ko pa ba ang naririnig ko?

"Brylle." Narinig kong tawag sa'kin ni Blake.

Agad akong tumingin sa kaniya.

"Magpagaling ka, bro." Sabi niya sa'kin.

Tumango naman ako. Hindi ko alam kung bukal ba sa loob niya ang sinabi niyang 'yon. Dahil I'm sure.. galit na galit na 'yan sa'kin ngayon.

Selfish na kung selfish. Pero hindi ko kasi kakayanin talaga kapag wala si Kylie sa tabi ko. Hindi ko na kakayanin. Dati, oo. Nakaya ko. Nagtiis ako ng sobra. Pero ngayon, hindi ko na kaya. Bumigay na ako. Miss na miss ko na si Kylie. Mahal na mahal ko pa rin si Kylie hanggang ngayon. Kahit na matagal na kaming hindi nagkasama, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kaniya. Kahit na hindi na siya sa'kin.. kahit na mayroon na siyang iba.

"Let's go, anak.. Kylie." Sabi ni Mom na nasa tabi ko.

We are here now in the airport. Ang parents ko lang at si Kylie ang kasama ko.

Nagpaalam na si Kylie sa mga magulang niya at sa... asawa niya.

Nang makarating kami sa eroplano ay magkatabi kami ni Kylie. At sila Mom and Dad naman ang magkatabi na nasa likod lang namin.

Napatingin ako kay Kylie. May bahid ng lungkot sa kaniyang mukha.

Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"K-kylie.. I'm sorry." Pag-hingi ko ng tawad sa kaniya.

Napatingin naman siya sa'kin at kumunot ang noo niya.

"Huh? For what?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.

Hindi pa rin siya nagbabago. She is so kind.

"Alam ko naman na, hindi madali para sa'yo 'to. Na.. samahan ako at iwanan ang asawa mo sa Pilipinas." Sabi ko sa kaniya.

"Brylle, huwag mo nang isipin 'yon. Isipin mo nalang na ginagawa ko 'to dahil kaibigan kita. Ang mahalaga ngayon ay 'yong gumaling ka." Nakangiting sabi niya sa'kin.

Ginagawa ko 'to dahil kaibigan kita.

Ginagawa ko 'to dahil kaibigan kita.

Ginagawa ko "to...

Ugh! I should stop thinking! Sumasakit lang ang ulo ko.

"Ayos ka lang ba, Brylle?" Nag aalalang tanong niya sa'kin.

"Ah.. yeah. Sige na. Get some sleep. Matagal-tagal pa tayo." Sabi ko sa kaniya.

"Hmm.. okay." Sabi niya at saka pumikit.

Hold On (COMPLETED)Where stories live. Discover now